Kabanata 10

2.9K 92 9
                                    

"Magandang umaga, Ma'am Mayumi!" Halos sabay-sabay na pagbati sa akin ng mga trabahador sa taniman ng manga. Tipid akong ngumiti bago tumango.


Isinama ako ni Akihiro dito sa manggahan para maintindihan ko ang problemang kinakaharap namin ngayon. Ipinaliwanag niya na sa akin ang lahat. Naintindihan ko naman at kahit papaano'y nagkakaroon na ako ng ideya kung anong marapat na gawin. Pansin ko ngang kakaunti ang naha-harvest nila. Sa one hundred percent na dapat na anihin, sixty lamang ang nakukuha. Saan napupunta ang kakulangang forty? Dalawa lang naman ang maaaring sagot. Maaaring nagkaroon ng peste at pinuntirya ang aming mga prutas. Pero tanging sa manggahan lamang iyon nangyari. At iyon ay isang bagay na kahina-hinala. Kaya maliit ang tiyansang iyon nga ang sagot. Kaya wala kaming pagpipilian kundi mag-stick sa isang bagay. May magnanakaw sa loob ng hacienda.



"Hey," bati sa akin ni Akihiro. Kaagad ko siyang nilingon. Pansin ko ang pawis sa kaniyang noo. Medyo basa na rin ang kulay puti niyang t-shirt. Tumulong kasi siya sa pagbubuhat ng sakong may manga. Isinakay nila iyon sa malaking truck na siyang magdadala sa LDF. Ang dried fruit shop na ipinatayo ni Dad bago ito mamatay. "Nababagot ka na ba?"



"Hindi naman." Tipid kong sagot bago pinagmasdan ang masuyo niyang pagpunas sa kaniyang pawis. Mabilis ko namang iniwas ang aking tingin nang magsalubong ang aming mga mata.



I cleared my throat. "How's the investigation?"




Tahimik na naupo si Akihiro sa duyang kahoy na kinauupuan ko. Isang unan ang pagitan namin. Ganoon pa man, nakakarating pa rin sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Kahit yata ang pawis niya'y maaaring ibentang pabango. Shit.




"So far, maayos naman. Nagkakaroon na kami ng lead. Ayaw pa kasing magsalita nung testigong nakuha namin. But don't worry, masusulosyunan din natin ito." Mahabang sagot ni Akihiro bago sumandal. Huminga siya ng malalim. Mariing pinagmasdan ang mga tauhan na abala sa pagtatrabaho.




"Gusto mo bang maglibot?" Pagdaka'y tanong niya sa akin. Kaagad ko siyang sinulyapan. Itinaas lamang niya ang kilay bago ngumiti. "Maglibot tayo mamaya gamit ang mga kabayo."




"After lunch?" I asked.




"Yes, after lunch. Wear some comfortable clothes para hindi ka mahirapan sa pagsakay ng kabayo."



Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko'y niyayaya niya akong lumabas. Para tuloy akong bumalik sa pagiging teenager. Nakakainis dahil unti-unti na namang bumabalik ang paghanga ko sa kaniya. Matagal na panahon ko na iyong nakalimutan. Matagal na panahon ko nang ibinaon sa nakaraan ang damdaming iyon. Damdaming hindi ko alam kung totoong natugunan o sinakyan niya lamang.




Pagkatapos nga namin sa manggahan ay kaagad na kaming umuwi. Alas-dose na at hindi na maipagkakailang tila kumukulo na ang aking sikmura. Kakaunti lang naman kasi ang kinain kong almusal kanina. Kaya ngayon, ramdam na ramdam ko ang gutom.



"Nagluto ako ng sinigang na baboy. May adobo rin sa gata na manok. At may daing na bangus. Hala, maupo na kayo nang makakain na." Napapangiting sabi ni Manang Susan. Iniutos nito sa ibang katulong ang paghahanda ng pagkain. Tumulong na rin ako sa paglalagay ng inumin. Bigla kasi akong nailang sa uri ng tinging ipinupukol sa akin ni Akihiro.



"Good morning-oh, I mean, good afternoon." Pagbati ni Emily na siyang ikinalingon namin dito. Nakasuot lang ito ng pajamas. Nakatali ang hindi kahabaang buhok. May hawak pa itong basong walang laman.



"Kagigising mo lang?" Tanong ko sabay upo sa silyang nakaharap kay Akihiro.




"Obviously," napabuntong-hiningang sagot nito. "Marami akong tinapos na trabaho kagabi. Alas-tres na akong nakatulog."




 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon