Simula

13.1K 182 3
                                    

"You're marrying the man who you just met months ago? That's unbelievable, Mom." Tila hindi makapaniwalang sabi ko kay Mommy. I was in the middle of checking some of my students' workbook nang ibalita nito sa akin ang balak na pagpapakasal sa lalaking nagngangalang Arnold Lazaro.








Well, she's old enough to do whatever she wanted to do. Pero ang kaisipang magpapakasal ito sa lalaking ilang buwan pa lamang na nakikilala ay hindi ko yata matatanggap. Dad died many years ago, at alam kong hindi iyon ang aking rason para maging ganito ang nararamdaman ko. I am just worried. Lalo pa't hindi ko naman kilala ang lalaking pakakasalan ni Mommy.








"Arnold is a good man, hijo. Ramdam kong mahal niya ako. Ganoon din naman ako sa kaniya, kaya pagbigyan mo na ako." Sabi pa ni Mommy habang minamasahe ang aking mga balikat.








God, I'm almost twenty-seven at ngayon pa talaga nito binalak mag-asawang muli?








Malalim akong bumuntong-hininga. I don't have a choice but to give her my permission. If it's truly love, who am I to stop them? Sino ako para pagbawalang sumaya si Mommy?








"Alright, pero huwag mo akong pipilitin na sumamang tumira sa farm ni Arnold." Seryoso kong sabi.









"It's Tito Arnold, Akihiro." Pagtatama sa akin ni Mommy. Tumango-tango na lamang ako bago ipinagpatuloy ang ginagawa. "Pero hijo, gusto kong naroon ka sa kasal namin. Huwag mong idadahilan ang trabaho mo sa opisina at ang pagtuturo. Hindi kita mapapatawad kapag wala ka sa kasal ko!"









Hindi ko napigilan ang mapangisi. "Of course Mom, hindi ako mawawala sa important event na iyon. Well, saan ba ang venue ng kasal ninyo?"








"Sa Hacienda Lazaro."








"Hacienda Lazaro?"








"Yup, hindi naman dukha si Arnold gaya ng inaakala mo. Mabubuhay ako sa piling niya kahit hindi mo ako bigyan ng hati sa yamang iniwan ng Daddy mo."








Muli akong napailing. I guess, useless na ang pag-aalalang nararamdaman ako. Ang akala ko kasi'y isang magsasaka-oh well, magsasaka pa rin naman ang Arnold na iyon. Iyon nga lang, de kalibreng magsasaka ito. And that's nice.






-





"You're frowning again, sweetie." Narinig kong sabi ni Daddy habang kumakain kami ng hapunan. Dalawa na lamang kami rito sa malaking bahay. Para kaming kumakain sa disyerto kung hindi lamang nagsalita si Daddy.







"Because you're sending me away!" Salubong ang kilay na sabi ko. Dad decided to send me back to Australia. Halos dalawang taon pa lang ako rito sa Pilipinas pero heto't babalik na naman ako sa bayang gusto ko nang iwan.







I was only eighteen when I went back here in the Philippines. And that's because my Mom died from lung cancer. Nang maranasan ko ang magandang pamumuhay dito sa Pilipinas ay nagdesisyon akong dito na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral. I graduated Senior High in Manila. Ngayon naman nagbabalak akong pumasok sa isa sa mga University dito sa San Mateo. But my oh so loving father wants me to go back in Australia. And that's not a good idea!









"Hija, it's for your own good din naman. There's a lot of opportunities in-."









"But I want to study here, Dad! I have friends here, hindi katulad sa Australia. They only liked me because I have money! But here, everyone's genuinely cares for me. Wala silang pakialam even if I am a Lazaro. They don't care about my money. They like me because I am me."









"I understand, but-."








"No, you don't! If you do, hindi mo ipipilit na bumalik ako sa Australia."









Isa pa sa mga rason kung bakit ayaw kong bumalik sa Australia ay dahil kay Dustin. He's my ex boyfriend. He cheated on me pero nang malaman na isa akong heredera ay nagkukumahog na nagmamakaawang balikan ko. Like, why should I do that? Hindi ako tanga para magpagamit sa mga taong manloloko!









"Mayumi-."








"Just tell me you already found someone na gusto mong makasama habang-buhay." Sabi kong ikinatigil ni Daddy. Wala namang kaso sa akin ang magkaroon ng step-mother. Pero kung magkakaroon nga ako, siguraduhin lamang ni Dad na hindi mala-Cinderella's step-mother ang pakakasalan niya. Hindi ako katulad ni Cinderella na duwag. Dahil oras na gumawa ng masama ang babaeng iyon, tiyak na uuwi itong luhaan.








"You're right, I'm marrying Elizabeth."








Umawang ang bibig ko. That's why he wants me to go back in Australia? Magpapakasal siya? Agad-agad? "Elizabeth?"








"Elizabeth Santibañez."








Awtomatikong kumunot ang noo ko. Santibañez? Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? It sounded familiar. Hindi ko lamang matandaan kung saan at kung kailan ko narinig.









"Magpapakasal ka sa babaeng hindi ko kilala?" Inis kong tanong.








"Alam kong magagalit ka, kaya nga gusto kitang ipadala sa ibang bansa Mayumi."








Lalo akong nakaramdam ng galit. "At sa tingin mo hindi ako magagalit kapag nabalitaan kong kasal ka na? I hate you Daddy!"








"Mayumi..."








Padabog na tumayo ako. Kaagad akong tumalikod dahil nag-uumpisa nang pumatak ang aking mga luha. "I'll prepare my things, bukas na bukas ay magpapahatid na ako sa airport. I'll leave, katulad ng gusto mong mangyari."









Hindi ko na hinintay na sumagot si Daddy. Masama ang loob ko. Natural na makaramdam ako ng ganoon dahil anak niya ako! Nag-aalala ako para sa kaniya oras na umalis ako. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ito naman ang gusto niya. Basta siguraduhin lang niyang mabuting tao ang Elizabeth Santibañez na iyon. Dahil kapag nalaman kong may plano ang mga itong lokohin si Daddy at kamkamin ang mga ari-arian nami'y hindi ako magdadalawang-isip na umuwi at patikim sila ng galit ko.

 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon