Kabanata 26

2.2K 81 8
                                    

"Mayumi..."




Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Pansin ko ang marahang paglaki ng mga mata ni Akihiro. Tila ba hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ako ngayon.





Mabilis na iniwas ko ang aking tingin. Inayos ko ang pagkakapasan kay Makiyu dahilan para mabaling ang pansin ni Akihiro sa anak niya.







"Uh, nakatulog dahil sa pagod." Napapangiwing sabi ko.







Hindi ko alam ang sunod na gagawin. Kung ibibigay ko ba kay Akihiro si Makiyu o papasok ako sa loob para ako mismo ang maghiga kay Makiyu sa kama nito?








"Oh, sorry about that. Let me—."









"Mommy..." Pareho kaming natigilan ni Akihiro nang biglang humikbi si Makiyu. Hindi ko alam kung matataranta ba ako o kung ano? Baka kasi biglang sumulpot si Martha. Mamaya niyan ay mag-isip ito ng kung ano.







"Napanaginipan niya yata ang mommy niya. I'll just..." Natigil ako sa pagsasalita nang maramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Makiyu. Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata. Damn it! Paano kung makita kami ni Martha na ganito ang sitwasyon? Baka bigla ako nitong sabunutan at kaladkarin palabas ng Hacienda Santibañez.







Mula kay Makiyu ay muling napunta ang tingin ko kay Akihiro. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Hindi ko na naiwas pa ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin.







"Let's get inside. Baka kanina ka pang nangangalay." Seryosong sabi ni Akihiro bago niya inilahad ang kamay indikasyon na mauna na akong pumasok.







Imbes na sumunod ay salubong ang kilay na tinitigan ko si Akihiro. "Eh kung kunin mo kaya sa akin itong anak mo?"






Bahagyang umawang ang bibig ni Akihiro. Nagulat yata sa biglaan kong pagtataray. Kung hindi ko lang alam na may selective amnesia si Akihiro, baka isipin kong naaalala niya na ako base sa mga reaksiyon na ipinapakita niya.







"Uh, right. I'm sorry," sabi niya sabay lapit para kunin sa akin si Makiyu.







Hahawakan na sana ni Akihiro ang anak niya nang lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa akin. Hindi ko na napigilan ang mainis. Masama ang tinging ipinukol ko kay Akihiro. Kung hindi lang dahil sa isiping makikita kami ni Martha sa ganitong ayos ay baka ako na mismo ang magdala kay Makiyu sa kuwarto nito.







Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ko. Inis man ay wala akong nagawa kundi ang pumasok sa loob ng bahay nila. "Where's his room?"







"Follow me," seryosong sabi ni Akihiro na lalo kong ikinainis.








"Ako na ang maghahatid kay Makiyu sa kuwarto niya. Ituro mo na lang."







Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o talagang nakita kong may maliit na ngising kumurba sa mga labi ni Akihiro?







"Second floor. It's the first door at left wing." Seryosong sabi ni Akihiro.








Tipid akong tumango bago walang pasabing tumalikod. Kailngan ko nang maidala si Makiyu sa sarili nitong kuwarto para makaalis na kaagad ako. Marami pa akong gagawing trabaho. Wala akong panahon para mag-aksaya ng oras sa Hacienda Santibañez.







 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon