Kabanata 24

2.1K 75 10
                                    

Dalawang araw matapos ang party na ginanap sa Hacienda Santibañez ay naging abala ako sa trabaho. Ginugol ko talaga ang buo kong oras sa mga trabaho kong nabinbin. Kinailangan kong harapin ang mga project na matagal nang naghihintay ng approval ko.



"Dinner's ready..."



Napapaunat na tiningnan ko si Emily na kapapasok lamang ng study room. Inayos ko ang mga papeles na nagkalat sa aking desk. Pagkatapos niyon ay tumayo na ako para tumungo sa dining room.




"Busy ka yata," saad ni Emily pagkalabas ko ng study room.





Marahan akong tumango. "May mga binalikan lang ulit akong proposal. Mga ni-reject ko dahil nga nagkaroon ng problema. Anyway, nasaan si Vier?"





"May lakad raw siya. Importante raw iyon kaya mawawala siya ng isang linggo."




Napapatangong naupo na lamang ako sa dining room. Nitong mga nakaraang araw ay naging mailap si Vier. Gusto ko pa naman sanang magtanong ng tungkol sa mga nalaman ko. Pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon dahil nga naging abala ako. Tapos ngayon nama'y umalis ito para asikasuhin ang importanteng bagay na ito lang ang nakakaalam.





Nag-umpisa na akong kumain. Masarap naman ang sinigang na bangus na niluto ni Manang Isabel. Kaya lamang ay tila wala roon ang buo kong atensiyon. Paunti-unti'y nawawalan ako ng gana. Sino nga ba namang hindi kung sa mga oras na ito'y ako pa rin ang topic sa bayan? Lalong nadagdagan ang pangit na pananaw sa akin ng mga tao nang mangyari ang pagkakatumba ni Martha. Gusto kong pumunta sa kabilang farm para tanungin kong maayos ba ang kalagayan ni Martha. Kaya lang ay baka magbigay na naman iyon ng masamang impresiyon sa mga taong ayaw sa akin.




"Ma'am Mayumi, may tawag po kayo sa telepono." Pagbibigay alam ng isang katulong na siyang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa.




"We're in the middle of having dinner, Charlotte." Seryosong sabi ni Emily.




"Pero si Mr. Lim po ang nasa kabilang linya. Importante raw pong makausap niya si Ma'am Mayumi." Sabi naman ni Charlotte na ikinabuntong-hininga ko.




Marahan kong binitiwan ang mga kubyertos. Saglit akong nagpaalam kay Emily. Pagkatapos niyon ay tinungo ko na ang sala kung saan naroon ang telepono.





"Mr. Lim..."





"Ma'am Mayumi, we need you here. It's about Mr. Smith and his son, Dustin. They're planning to take over the company that your Dad—."







"Alright, I'll leave tomorrow morning. Don't tell anyone that I'm going back in Australia. And also, please send me all the financial reports—no, I want to see all the records regarding the items and the money of my company." Malamig kong sabi bago ibinaba ang telepono. I should prepare for my flight.






"You're leaving?" Tanong ni Emily pagkatapos kong ipaalam sa kaniya ang plano kong pagbalik sa Australia.






"Yes, I'll be gone for six months."






"Sigurado kang six months lang? Eh paano kung hindi mo kaagad masolusyunan ang problema?" Nanlalaki ang mga tanong ni Emily.







"Then, hintayin mo na lang ang pag-uwi ko."






"Oh hell no! Does it mean, you'll leave me with your loads of work again? C'mon Mayumi, wala akong alam sa trabahong maiiwan mo. Even dad has a lot of work to do. Sinong maiiwan para asikasuhin ang trabaho mo dito?"






 You're Still Mine [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon