Chapter 13

888 36 0
                                    

CHAPTER 13: EXAMINATION



"Uy, bakit hindi ka mapakali diyan?" Tanong ni Sab sa kaibigan niya. Kanina pa paikt-ikot ang dalaga sa living room. Sobrang aga pa pero sobrang aga rin nilang nag ready dahil examination day ngayon sa Mondragon Academy.

"Kinakabahan ako Sab! examination day ngayon!" ang totoo niya'y siya pa ang kinakabahan para sa section 13. Kailangan nilang pumasa sa exam para hindi na sila ibagsak ng ibang teacher nila. At sobra siyang kinakabahan sa magiging resulta ng exam.

"Alam mo, mas kabado ka pa kaysa sa mga etdyante mo. Duh! Hindi naman ikaw ang mag eexam pero kung maka arte ka diyan.." sinimangutan niya ang kaibigan atsaka inbos ang ikatlong kapeng itinimpla ni manang Celia.

"Ano ka ba hija, kaya iyon ng mga estudyante mo. Hindi ka nila bibiguin." Mas lalong kinabahan si Alex sa sinabi ng matanda. Hindi siya sigurado sa pag kakataong ito. Pero kailangan niyang mag tiwala sa mga iyon.


"Oh siya! Para makapag handa na rin kayo, ang mabuti pa'y pumasok na kayong dalawa. Baka kayo naman ang ma late niyan." Agad na nag handa ang dalawa. Bitbit ang mga gamit ay sumakay na sila sa sasakyan.

"Good morning ladies!" laking gulat ng dalawa nang Makita sa loob ang tatlong kasama. Nanlalaking mata na tiningnan nila ang mga ito.

"What are you doing?! Nasaan si manong Fred?" malakas na tanong ni Sab sa tatlo. Nag kibit-balikat naman ang mga ito atsaka minaneho na ang sasakyan.

"Hoy! Hindi kayo pwedeng pumunta sa  Mondragon! Magagalit si kuya kapag nakita niya kayo doon! At kasama pa namin!" sigaw sa kanila ni Alex pero nginitian lang siya ng tatlo.

"Your brother called us. We're going there anyway." Sabi ni Sho na siyang nag mamaneho ng sasakyan nila. Nag tataka naman siyang tiningnan ni Alex.

"Nande?(Why?)"

"Wakaranai.(I don't know)" sumandal naman si Alex at bumuntong tininga. Nakakunt noo niyang tiningnan ang tatlo.

"Bakit kailangang isabay niyo kami sa inyo?  Baka may makakita sa atin! Baka nag papakalat kalat ang underlings ni Viper! Mapapahamak kami dahil sa ginagawa niyo!" dired-diretsong sabi ng dalaga sa tatlo ngunit tumawa lang ang mga ito.

"Easy Riida, we have already traced where the enemies are. And they are not yet here at Cavite so don't worry." Sabi naman ni Taki habang may kinakalikot na kung ano sa tablet niya. 

"But their underlings---"

"We shut them down." Napatingin naman ang dalawa sa nag mamaneho.

"Eh?"

"We found six gangs who are under them here in your area. We shut them down." Nakangiti at masiglang sabi naman ni Yuta. Napabuntong hininga naman ang dalawa at bahagyang nakaramdam ng kaluwagan sa pakiramdam.

"We're here." Sabi naman ni Sho. Akmang bababa na siya nang pigilan siya ni Alex.

"Hep! Kami muna ang bababa! Baka may makakita sa inyong estdyante rito!" natatawang tumango naman ang tatlo sa kanila. Inirapan lang sila ni Alex.

"By the way, you two look like a manang.." tiningnan naman ng masama ng dalawa sina Yuta at Taki atsaka bumaba sa kotse. Lumingon pa muna sila sa paligid. Nang masigurong walang tao sa paligid ay tsaka nag lakad ang dalawa patungong gate.


"Good morning ma'am!" bati ng guard sa kanilang dalawa. Tumango naman sila atsaka nag lakad papasok.

"Bakit naman kaya sila tinawagan ni kuya? Alam mo ba?" tanong niya sa kaibigan habang naglalakad sila. nag kibitz balikat naman si Sab.

"Baka kamo kinulit nanaman iya nina Taki at Yuta. Alam mo naman iyung dalawang iyun." Kilala ni Allen ang tatlo dahil matalik nitong kaibigan si Sho. alam din ng binata na kasama ang kaibigan sa gang ng kapatid.


"Good Morning Ms. Faustino and Ms. Nivera!" Napatingin naman ang dalawa sa gawi ng bumati sa kanila.

"Good morning Ms. Chan" nakangiting bati ng dalawa dito. Lumapit ito sa kanila at sumabay mag lakad papasok.

"Ready na ba kayo sa exams?" nakangiting tanong nito sa kanila. At doon muling bumalik ang kaba ni Alex para sa section 13.

"Huy! Namumtla ka nanaman! Ano bang nangyayare sa iyo?" tanong ni Sab sa dalaga. Bahagya namang tumawa si Ms. Chan.


"Okay lang iyan Ms. Nivera, ganiyan talaga pag first time mong mag papa-exam as a teacher no. Atsaka huwag kang mag-alala, ang head teacher mismo ang mag babantay sa kanila. Paniguradong walang gagawing kahit ano ang section 13." Gulat namang naatingin si Alex sa dalaga.

"A-ano? Ang head teacher ang mag babantay sa kanila?!" Gulat na sabi ng dalaga. Nag tataka namang tiningnan iya ni Ms. Ayumi.

"Halla, Hindi mo ba alam? Ikaw ang mag babantay sa Section A at ang head teacher ang mag babantay sa section mo." Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Alex sa narinig.


"Ms. Nivera, huwag kang masyadong mag-alala sa section mo, makakapag exam sila." hindi na pinansin ng dalaga ang sinabi ng kasama dahil parang lutang itong naunang mag lakad papasok.


'Nako naman, sana wala kayong gawing kalokohan ngayon...'

..........

Kasalukuyan ngayong nag rereview ang section 13. Ang iba'y sobrang ingay sa pag rereview. Ang iba nama'y may nakatakip na notebook sa mukha hindi ala kung nag rereview ba o natutulog na. ang iba nama'y tahimik na nag babasa lang ng notes habang si Jun ay nakadukmo sa mesa at tila ba sarap na sarap sa pag tulog.


"Oi, alam niyo na bang hindi si Stella ang mag babantay sa atin?"


"Oo, at iyung head teacher pa raw ang mag papaexam sa ating buong araw. Tsk!"


"Bakit hindi nalang si Stella ang mag bantay?"


"Sa section A siya naka assign tuleg!"


"Tsk! Walang ibang gagawin ang matandang iyon kung hindi bungangaan tayo!"


"Ano pa nga ba. Basta walang gagawa ng kalokohan. Mayayari tayong lahat kay Stella kapag may nangyari."


"Tama!" at muling bumalik sa pag rereview.

"Ehem!" natahimik naman ang lahat nang may pumasok sa classroom. Ang head teacher kasama si Alex.

"Oh akala ko ba iyang matandang iyan ang mag babantay sa atin? Bat nandito si Stella?" tanong ng isang etudyante. Tiningnan naman ni Jun ang dalaga.

"Makinig kayong lahat! Kailangan niyong seryosohin ang pag sagot sa mga test papers na ito. naintindihan niyo ba?" tanong ng head teacher ngunit wala ni isa ang sumasagot sa kaniya.

"Naiintindihan niyo ba section D?!" malakas na sabi nito dahilan para magulat si Alex mula sa kinatatayuan niya.

"Ako ang gumawa ng exam kaya naman sana ay seryosohin niyong lahat. English will be your first subject, this is 100 item exam! and your passing score is 20!"

"Ano?!"

"Nag papatwa ka ba?!"

"Okay kalang?"

"Hindi naming kaya iyon!"

"Ang taas naman ng 20!" laglag pangang tiningnan ni Alex ang mga estudyante niyang isa-isang nag rereklamo. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya sa mga ito. lalong lalo nang marinig niya ang passing score ng mga ito.

'Masyadong mataas iyon?! Eh wala pa nga sa kalahati ng passing score ang 20?!' hindi makapaniwalang pinag masdan niya ang mga estudyante niya.


"Tandaan niyo! Ang sinumang hindi umabot sa passing score na ibinigay ko, magiging student assistant sa darating na interhigh at hindi makakasali sa anumang laro. Remember na sportfest and interhigh will be one of your final requirements before you graduate. Naiintindihan niyo ba?!" para namang binagsakan ng langit at lpa ang ilan sa mga etudyante. Hindi maipinta sa mga mukha nila ang reaksyon. Ang iba ay nakasimangot at nakatingin na ng masama sa matandang guro na nasa nahan.


"Ms. Nivera will supervise you in your exams. At kapag may nahuli siyang nangodigo sa inyo! You will be punished! Alam niyo naman siguro ang parusa diba?"


"A-ah sir, ano po iyung parusa----"


"Expulsion." Bigla namang kinabahan si Alex sa narinig.


'Expulsion?! Agad agad?!'

"Tandaan niyo ang sinabi ko!  Kailangan niyong maka 20 pataas sa subject na ito and the rest subjects!" iyun lamang at lumabas na ng classroom ang head teacher.


Sabay-sabay na napabuntong hininga ang dalaga at ang section 13. Mabuti na lamang at napaki usapan niya ang head teacher na siya ang ma bantay sa mga ito buong exam dahil hindi talaga siya mapakali. Mabuti at napapayag niya ang head teacher kaya naman heto siya ngayon.

"Peste talaga iyung matandang 'yon kahit kalian.."

"Ang hirap naman abutin ng 20. p**a, ni hindi nga umaabot ng sampo yung score ko!"

"Arrggghh! Panira talaga!" Kinuha ni Alex ang mga test papers at humarap sa kanila. Kailangan niyang maging strikto dahil baka hindi seryosohin ng mga ito ang pag sasagot.


"Everyone. Keep all your notes. Bring your bags here in front." Malamig na sabi nito sa kanila. Nag tataka namang tumigin sa kaniya ang ilang etudyante niya.

"Ano?! Pati ba naman ikaw Stella?!"

"Gigipitin mo rin kaming mga estudyante mo Stella?! Wala namang ganiyanan!" kumunot naman ang noon g dalaga at tiningnan ang mga nag salita. Iyun ay sina Josh at Justin. Tiningnan niya ang mga ito nang masama.


"Ano ba dapat ang ginagawa ng mga estudyante bago mag exam? Hindi ba't paulit-ulit kong sinabi na mag review kayo? binigay ko pa lahat ng posibleng lalabas sa exam mag rereklamo pa kayo?" masungit na sabi niya na nakapag patahimik sa lahat.

"Syet. Seryoso siya.."

"Ayan nanaman yung nakakatakot niyang boses."
"Now, keep all your notes and bring all your bags here. ONE! TWO!" Nilakasan niya ang pag bibilang dahilan para mataranta ang ibang section 13 at mabilis na ilagay ang bag sa harapan.


"Kikilos din pala kayong lahat kailangan niyo pang takutin.." nakangusong bulong niya pa. huling nag lagay ng bag sa harapan ang anim kaya naman tiningnan niya ang mga ito. Nang dumapo ang tingin niya kay Jun ay baagya siyang nagulat nang ngumisi muli ito..

'Fck Alex! Huwag kang tumanga sa kagwapuhan niyang etudyante mo!' mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalaga atsaka natatarantang binilang ang mga test papers. Nag simula na siyang I distribute ang mga papel.

"Get one and pass." Nang matapos na niyang ilagay sa harapan ang mga papel. Nag simula nang mag sago tang mga ito. Umupo naman si Alex sa teacher's table upang Makita niya ang lahat.

Nasa ganoong posisyon siya nang mag simula siyang makapansin ng kakaiba. Inilibot niya ang tingin sa buong klase at doon ay nakita niya kung paanong tingnan ng mga ito ang kaniya-kaniyang mga kodigo!

Nag simula siyang mag-ikot sa mga estudyante at doon ay nakita niya ang ilang kodigo. Tumapat siya kay Bruno at kinuha ang papel na nakadikit sa braso niya.


"ARAAAAAY!" sigaw ng estudyante matapos tanggalin sa braso ang nakadikit na papel.

"One down..." tuwang-tuwa na sabi niya pa atsaka nilapitan ang susunod na table.

"Two downs.." natatawa siya dahil sa itsura ng mga estudyante niya na tinatanggalan niya ng mga kodigo. Sumunod siyang lumapit kay Justin na tila hindi napansin ang presensya niya at abala pa rin sa pag sasagot at pag tingin sa kodigo na nakadikit sa bottled water sa harapan. Agad niyang dinampot ang bote na ikinagulat naman ng binata.

"Hehehehe..." nginisian niya ang binata atsaka kinuha ang nakadikit na papel sa bote. Muli siyang nag lakad at pumunta sa pwesto ni Ren na hindi rin napansin ang pag lapit nito. At doon ay nakita niya ang kodigo nato na nakadikit sa upuan ni Josh.

"Anak ng...." walang nagawa ang binata nang kunin ito ng guro atsaka muling nag tungo sa harapan.

"Ano ba'yan, hindi kayo magagaling mag tago ng kodigo. Hahaha! Better luck next time!" tumatawa niyang sabi na ikinasimangot naman ng mga estudyante niya. Agad niyang itinago ang mga nakuhang kodigo sa bag atsaka muling binantayan ang klase.

Lumipas ang kalahating oras at wala pa ring natatapos sa mga ito. kalahating oras pa ang natitira kaya naman hinayaan niya muna ang mga etudyante at umupo sa pwesto niya para magbasa.

Maya-maya ay tumayo na si Jun at lumapit sa harapan dala-dala ang test papers.

"Woaah, tapos na si Jun!"

"Shet, wala pa ako sa kalahati!"

"Napakahirap naman neto! Wala ito sa ni review ko!"

"Pinahihirapan talaga tayo ng matandang iyon!"

"Quiet!" saway ni Alex sa mga ito. agad naman silang tumahimik at nag patuloy na sa pag sasagot. Nang makalapit ang binata sa dalaga ay agad nitong ibinigay ang papel niya.

"Okay, stay in your seat. Bawal lumaba----"

"Hai, Riida.. (Yes, Leader)" nakangising sabi ng binata na ikinatigil ng dalaga sa pag aayos ng test papers. Tiningnan niya si Jun habang naglalakad ito pabalik sa upuan. Mabilis ang tibok ng puso niya habang nakatingin sa binata na ngayon ay nakadukmo na sa upuan nito.

'Riida..'

"Riida..'

'Riida..'

'My god! Imposible! Imposibleng siya ang nag sauli ng cellphone mo—'

~"Ngayong araw ay walang tumawag diyan hija. Mula nang isauli ito nung gwapong estudyante ng Mondragon kaninang umaga ay hindi ko na tiningnan niyang cellphone mo."~

~"...hindi niya sinabi ang kaniyang pangalan ngunit hindi ako maaring mag kamali dahil niform ng Mondragon Academy ang uot ng gwapong estudyanteng iyon. Ang sabi niiya'y sabihin ko raw sa iyo na napulot niya sa school mo iyan."~


"MALDO ANDWAE!!!!!" Gulat namang napatingin ang mga estudyante a harapan nang marinig nilang sumigaw sa ibang lenggwahe ang kanilang guro.

"Ehh?" duon natauhan si Alex at tiningnan ang buong klae na ngayon ay nakatingin na sa kaniya.

"A-ahh hehehe d-don't mind me... m-mag sagot na kayo.. hehehe"

...............

Mabilis na tumakbo ang oras. Natapos na ang exam at ang ginagawa nalang ngayon ng mga teachers ay mag check ng mga test papers. Ang head teacher ang nag check ng papel ng section 13 samantalang section B at C naman ang mga papel na chinicheck niya. P.E subject at Math ang napuntang subject sa kaniya kaya naman inabot pa siya ng gabi sa Mondragon kasama ang ibang teachers na ag che-check din ng papel.

"Hay sa wakas, natapos rin!" nag-iinat na sabi niya nang matapos ang dalawag subject a hawak niya. Sandali pa muna siyang nag pahinga at inisip ang results ng section 13.

'Hays, wala sanang bumagsak sa kanila.' Hangang ngayon ay hindi mapanatag ang dalaga sa exam ng klase niya. Masasayang ang kagustuan nilang makasali sa sports fest kapag may bumagsak sa kanila.

'Lord, kayo na po ang bahala sa mga mahal kong estudyante...' Tiningnan niya ang buong faculty room. Kaunti na lang rin silang teacher na natira sa school kaya namang iniligpit na niya ang mga gamit atsaka inayos ang sarili.

Nang matapos ay nag paalam na siya sa mga kasama at lumabas na ng campus. Nang makalabas ng gate ay nakita niya na ang sasakyan nila. Paniguradong naroon nanaman ang tatlo dahil nakabukas ang driver's door at naroon si Sho na nakaabang sa kaniya at nakangiti. Kinawayan naman niya ito at mabilis na lumapit nang may marinig siyang sigaw.


"YAMERU!" bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang boses na iyon. Hindi siya maaring mag kamali dahil kilalang kilala niya ang boses na iyon at bukod sa kanila ay ang taong yun lamang ang alam nyang nag sasalita ng ibang lenggawahe.

Tumigil siya sa pag lalakad patungo sa sasakyan at tiningnan ang pinanggalingan ng boses. At hindi nga siya nag kakamali. Nakita niya sina Ren, Roigie at Jun na walang awang binubugbog ng mga kalalakihan sa hindi kalayuan.


"J-jun..." mabilis siyang tumakbo papunta sa kinaroroonan nito. Hindi pinansin ang pag tawag ni Sho sa kaniya.


"Kohi!!" mabilis namang sumunod ang binata sa dalaga. Na ikinagulat naman ng tatlo.

"What's happening?" tanong ni Yuta nang makalabas sila sa sasakyan. Nanlaki naman ang mga mata ni Sab nang Makita si Alex at ang estudyante nitong si Jun.

"Oh my God.." tulad ni Sho ay nag mamadaling tumakbo sina Sab, Yuta at Taki patungo sa kinalalagyan nina Alex na ngayo'y nakikipag buno na sa mga hindi kilalang lalaki.

"Tulungan niyo sila!" biglang sigaw ni Alex sa mga kasama habang sinasalag ang bawat suntok at sipa ng kaaway. Ganon din si Sho. Agad na tinulungan nina Sab ang tatlong estudyante na nag tamo ng mga pasa at sugat sa katawan.

"Anong ginawa niyo sa mga etudyante ko?!!" malakas na sigaw ni Alex na nakapag patigil dalawa niyang kasama na ngayo'y bagsak na ang mga kaaway. Tiningnan niya nang masama ang limang lalaki na ngayo'y napapaatras dahil sa takot.

"Anong atraso nila sa inyo? Ano?!" sigaw pa niya sabay hinaklot ang damit ng isa sa mga lalaki.

"Mag sasalita ka? O lalagutan kita ng hininga ngayon mismo?!" galit nag alit na sabi niya habang nanggigigil na hawak-hawak sa damit ang malaking lalaki na ngayon ay anginginig na sa takot.

"S-sino ka?! A-at anong pakialam mo sa kanila?!" nag mamatapang na sabi ng isang lalaki na hindi mawari kung anong itsura. Hinagis niya ang lalaking hawak niya atsaka humakbang papalapit sa mga ito na walang ginawa kung hindi ang umatras.

"Sino ako?" nakangisi ngunit galit na tanong niya sa mga ito.

"Ako ang homeroom teacher ng mga estudyanteng binugbog mo." Tiningnan niya nang matalim ang mga ito.


"Ako.. ang teacher ng section 13" Malamig na sabi niya, dahilan para manginig sa takot ang mga ito.

"Kilala niyo ang section 13 pero hindi kayo natakot na bugbugin sila?! sa harapan mismo ng school nila?" malakas na sigaw niya dahilan para muling mapa atras ang mga ito.

"Umalis na kayo dito bago pa mag-init lalo ang ulo ko.."  nakangising sabi pa nito habang nakatingin sa kanila. Mabilis namang nag takbuhan ang mga lalaki. Lmingon si Alex sa tatlo na ngayon ay hindi na masyadong makatayo dahil sa bugbog na natamo nila.

"Bring them to them to the mansion." Si Sho na ang nag salita dahil alam niyang alam na ng mga ito ang tungkol sa kanila dahil sa nasaksihan. Inalalayan naman nina Sab ang tatlo patungo sa sasakyan nila.

Dala ng pagod ay agad na nanlambot ang tuhod ni Alex na agad naman naalalayan ni Sho.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ng binata sa kaniya. Nginitian naman niya ito.

"Pagod lang 'to. Kailangan ko lang sigurong mag pahinga."


End of Chapter 13.






Ang Teacher ng Section 13Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz