Chapter 38

794 45 11
                                    


Chapter 38

Matapos bumisita ni Alex sa kwsrto ni Kevin ay sunod niyang pinuntahan si Jun.

Saktong walang bantay kung kaya't nilubos na niya ang pagkakataong makausap ito.

Tahimik na natutulog ang binata nang datnan niya ito. Ilang linggo na ang nakaraan ngunit hindi pa ito nagigising gayong stable na ang kalagayan nito.

"Hoy hapon, gising na aba, gagraduate kapa n'yan," pabirong saad ni Alex sa natutulog na binata, "ilang araw ka nang tulog malapit na kayong grumaduate."

Ilang beses pang nagbiro si Alex ngunit wala siyang natatanggap na sagot ni pag-ungot lamang ng masungit na binata.

Muli niyang naalala ang lahat ng kasungitang iyon ng binata. Ang unang beses na pagtitig nito nang malamig sa kaniya. Ang unang pagkakataong kausapin siya nito at ang unang beses na tawagin siya nito sa tunay na pangalan.


"I want to be a teacher like her."

"She will not leave."

"Baka."

Natawa ang dalaga nang maalala niya ang ilan sa mga sinabi sa kaniya ng binata. Ang lahat ng mga karanasang kasama ito ay hindi niya malilimutan, lalo na ngayong hindi lang estudyante ang tingin niya rito.

"Masaya ako na nakilala kita Jun." Sa hindi inaasahan ay bigla na lamang tumulo ang mga luha ni Alex. Para bang may paulit-ulit na tumutusok sa puso niya habang tinitingnan ang binata.

"Jun-kun," hinawakan nito ang kamay ng binatang natutulog, "daisuki desu."

Lumuluhang binitawan ni Alex ang mga kamay ni Jun atsaka tumayo. Emosyonal niyang tiningnan ang binata atsaka hinalikan ito sa mga labi, "sayonara..." bulong niya sa teinga ng natutulog na binata.

Madali niyang pinunasan ang mga luha at nilisan ang kwarto.  Makailang beses pa siyang bumuntong-hininga upang pigilan ang emosyon atsaka naglakad palayo.

Ang kaganapang iyon kanina ay nasaksihan ni Sho. Hindi na siya nagtaka sa nakita, dahil ang mas nangibabaw sa kaniya ay ang sakit na tila ba walang katapusan. Ang sakit dala ng kawalan niya ng pag-asa pang mapansin ng dalaga, gayong umiibig na ito sa iba.

***
"Justin, bangon na," sabi ni Alex nang makarating siya sa ICU kung saan naroon si Justin.

Hindi tulad nina Jun at Kevin ay marami ang aparatos na nakakabit sa katawan nito. Kita ni Alex ang malaking benda sa leeg ni Justin, ang malaking tubo na nakalagay sa bibig ng binata at ang pagtunog ng isang maliit na makina sa gilid.

"Hindi ba gusto mo pang grumaduate? Ilang buwan na lang oh," saad niya pa rito, pilit niyang pinalalabas ang kwelang tinig niya kapag kaharap ang klase. Pero kahit anong pigil niya rito ay wala pa ring epekto.

"Gising na Jah." Tumulong muli ang mga luha ng dalaga lalo na nang maalala nito ang huling sinabi sa kaniya ng binata.

"Ga-graduate pa ako diba?"

"Salamat Stella."

Walang tigil sa pagtulo ang luha ni Alex habang pinagmamasdan si Justin. Hirap man ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili bago muling magsalita.

"Kapag nagising ka, bumalik ka kaagad sa school ha? Huwag kayong susuko dahil kaunting panahon nalang at ga-graduate na kayo," pumipiyok na saad niya, "patawarin mo ako at hindi ko matutupad ang pangako ko sa inyo." Hindi na nagawa pang magpigil ng emosyon ang dalaga. Labis siyang nasasaktan lalo nang maalala ang nga karanasan niya bilang guro ng section 13.

Ang una niyang pagpasok sa magulong classroom ng mga ito, at ang ipinangako niya sa harapan ng kaniyang klase.

"Promise! Ako ang tatawag sa mga pangalan niyo sa graduation!"

Tanging tahimik na hikbi na lamang ang nagawa ng dalaga habang kaharap ang tila mahimbing lamang na natutulog na binata.

"Hinding-hindi ko kayo malilimutan," iyon lamang at nagdesisyon nang lumabas si Alex sa ospital. Umiiyak siyang tinanaw muna ang gusali atsaka sumakay sa kaniyang sasakyan.

Nagmadali siyang tumungo sa apartment upang mag-empake ng mga gamit dahil limang oras na lamang ang natitira bago ang flight niya papuntang Korea.

*MONDRAGON HIGH SCHOOL ACADEMY*

Maagang dumating ang mga estudyante ng Mondragon. Maging ang mga nasa board ay maagang dumating dahil ngayon ang announcement na hinintay ng lahat tungkol sa nangyari ilang linggo na ang nakaraan.

Ang section 13 ay kompleto maliban sa dalawang estudyante. Maaga rin dilang dumating ng paaralan.

"Kinakabahan ako," mahinang sabi ni Josh habang naglalakad papuntang auditorium, "pakiramdam ko ay parang may mali."

"Paniguradong nakapagdesisyon na sila kung ano ang gagawin sa atin," saad ni Niccolo, "hindi maganda ang pakiramdam ko."

Tahimik namang tiningnan nina Josh at Niccolo ang dalawa nilang kasama na wala pang imik kanina pa.

Nang marating nila ang auditorium ay naroon na ang buong batch ng 4th year. Maging ang ilang teacher ng junior high school ay nasa auditorium din.

Tahimik ang lugar at tanging tunog lang ng air-condition ang maririnig. May mangilan-ngilang estudyante ang nagbubulungan nang pumasok ang section 13.

Tila nasa isang korte ang lahat at section 13 ang nasasakdal sa paraan ng pagkakatingin ng ilang estudyante sa kanila.

Tahimik namang naupo ang section 13 sa kanilang pwesto. Tiningnan nila ang mga teacher na nasa harapan at wala silang natanaw na anino ng kanilang guro.

"Nasaan si Stella?" tanong nina Bruno. Magingi sila ay hindi makita ang guro sa harapan.

Iginala nina Ren ang tingin nila sa likuran, sa magkabilang side at sa harapan ngunit wala silang makitang Stella.

Muli silang natahimik nang magsalita ang principal.

"Good morning everyone," malalim ang boses na saad no Allen, "I called you for an important announcement." Nagsimulang magbulungan ang mga estudyante. Kaniya-kaniya silang tanong kung ano ang meron at ang iba nama'y tahimik lamang na nakatutok sa harapan.

"Something terrible happened recently. I think you are all aware of this." Natahimik ang section 13. Nakatingin lang sila sa harapan, at kabadong hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Allen.

"Again, section 13 has been involved together with their homeroom teacher, and two of their classmates were still in a critical condition." Napayuko ang section 13 dahil sa hiyang gumapang sa kanilang sistema.

"Five of them also got kidnapped by one of our students who has been kicked out from this school," saad pa ni Alex dahilan para magsimulang umingay ang auditorium.

"This time, the board has been decided," muling saad nito. Walang nagsalita kahit isa sa section 13. Lahat sila ay kinakabahan, hindi makapaghintay sa susunod na sasabihin ng binata.

"Section 13 will not be kicked-out from school. However, their homeroom teacher, Stella Mari Nivera will be removed. She has resigned a week ago." Tila nabato sa kinauupuan ang section 13. Lahat sila ay kapwa hindi nakapagsalita sa inanunsyo ng binatang nasa harapan.

Tiningnan ni Allen ang section 13. Kita niya ang hindi makapaniwalang ekspresyon ng mga bata. Maging siya ay nagulat sa desisyon ng kaniyang kapatid.

"Ano raw?" pambabasag ng katahimikan ni Willy.

"I-imposible," naguguluhang saad ni Josh. Tumayo siya atsaka hinarap ang principal.


"Ano bang pinagsasabi mo? Anong natanggal? Imposible 'yan, hindi mangyayari 'yon!" Sigaw nito. Maging ang ilan pa nilang kaklase ay nagsimula nang magkagulo sa kinalalagyan. Paulit-ulit ang kanilang sinasambit, iyon ay ang  salitang "imposible"

***

Nanatili sa classroom nila ang section 13. Tila wala sila sa kani-kanilang mga sarili dahil sa narinig na balita.

"Ano'ng gagawin natin?" maya-maya'y tanong ni Josh.

"Hindi na ba natin mababago ang desisyon niya?" sunod na tanong ni Willy.

"Hindi na lang niya tayo pwedeng basta-basta iwan." Walang nagsalita ni isa matapos no'n. Lahat sila ay tahimik, ngunit iisa lamang ang iniisip.

"Kailangan nating kausapin si Stella, hindi siya pwedeng umalis," walang ano'y saad ni Ren, "may ipinangako siya sa atin, kailangan niyang tuparin iyon." Tahimik lang ang mga estudyante ng section 13. Tila nag-iisip sila kung ano ang gagawin sa kanilang guro.

"Mabuti naman at naabutan ko pa kayo dito." Nagulat ang lahat nang biglang pumasok si Sab sa classroom. Hindi ito naka disguise. Seryoso itong nakatingin sa kanila sa likod ng malalaking black shades nito.

"Kung nag-iisip kayo kung paano niyo mapipigilan si Alex ay huwag niyo nang ituloy," saad nito sa klase. Tila hindi iyon nagustuhan ni Roigie kung kaya't dinuro niya ang dalaga.

"Wala ka sa posisyon para diktahan kami sa kung anong dapat naming gawin!" sigaw niya sa dalaga. Kaagad namang sumang-ayon sa binata ang mga kaklase.

"Makinig kayo, ginawa ni Alex ang bagay na iyon dahil din sa ikabubuti niyo! Hindi lang iyon basta-basta para sa sarili niya!" malakas ang boses na saad niya dahilan para matahimik ang section 13.

"Hindi siya nagresign para sa sariling kapakanan niya! Nagresign siya dahil iyon ang nararapat!"

"Edi sana inexpel niyo nalang din kami!" sigaw pabalik ni Roigie dahilan para matahimik si Sab. Tiningnan niya sa mata ang binata at kitang kita rito ang galit.

"Kami namang lahat ang may kasalanan kung bakit nangyari ang bagay na iyon eh!" gakit na sigaw ni Roigie sa dalaga, "Kung aalisin niyo lang din si Stella edi wala na ring saysay ang pag-aaral namin dito!" Natahimik ang lahat sa tinuran ng binata. Lahat sila ay tinamaan at sumang-ayon sa huling sinabi nito.

Nabalot ng lungkot ang buong classroom matapos sabihin ni Roigie ang bagay na iyon. Lahat sila ay walang ibang inisip kung hindi ang mga bagay na ginawa at itinuro sa kanila ni Alex.

Isa-isa nilang naalala ang ginawang pagtatanggol ni Alex sa section nila.

"Walang ginawa ang mga estudyante ko para kunsintihin sila, at bilang guro nila, may tiwala ako sa kanila, ipagtatanggol ko sila sa lahat ng humahamak sa kanila."

"Karapatan ng mga estudyante ko ang makadalo sa orientation! Kung wala silang mararating sa buhay, hindi ba dapat kayo ang sisihin dahil hindi niyo sila dinala sa tamang landas?"

"Ano'ng karapatan niyong magsalita ng tapos  tungkol sa kinabukasan ng mga estudyante ko?"

Naalala din nila ang ginawa ng kanilang guro upang makasali sila sa sportsfest.

"Hindi man lang ba kayo naaawa sa section na iyon ha? Hindi man lang ba sumagi sa isipan niyo kung ano'ng  nararamdaman nila sa pagkakait sa kanila na maranasan ang dapat maranasan ng normal na high school student?"

"Isa ang sports fest sa mga pinakainaabangan ng lahat jg estudyante na gusto nilang maranasan kasi once in a year lang ito mangyari! Pero anong ginagawa niyo? Pinipigilan niyo ang oportunidad ng mga estudyante ko na patunayan ang sarili nila sa inyo!"


"Ang mga estudyanteng iyon, wala pa silang magandang ala-ala dito sa Mondragon na maibabaon nila paglabas dito. Wala pa silang masabi na magandang karanasan nila dito,. Wala pa silang maipagmamakali sa labas dahil wala kayong ibang ginawa kung hindi i-down sila."

"Hindi kami magiging ganito kung hindi dahil sa kaniya," saad ni Niccolo, "hindi kami magbabago kung hindi dahil sa kaniya!"

"Dahil kay Stella, nagkaroon ako ng chance ipakita ang kakayahan ko," ani Bruno.

"Nagawa ko rin ang mga bagay na hindi ko ginagawa dati dahil kay Stella!"

"Nang dahil sa kaniya, naramdaman ulit namin kung paano maging estudyante, 'yong nakikinig sa teacher at sinusunod lahat ng ipagagawa niya,"

"Nang dahil sa kaniya, natutunan kong tumayo sa sarili kong paa,"

"Kung mawawala man si Stella, hindi na magiging masaya," nakayukong saad ni Ren.

"Kung mawawa si Stella, wala nang magpapatawa, manenermon, at mambabatok sa amin,"

"Kung aalis siya, wala na kaming teacher," maluha-luhang saad ni Roigie, "wala nang teacher na maniniwala sa amin, magtitiwala at magmamahal sa amin!"

Tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ni Alex habang pinakikinggan mula sa kabilang linya ang sinasabi ng kaniyang mga estudyante.

Gusto niyang lumabas ng sasakyan patungong airport at bunalik na lamang sa Mondragon para aluhin ang mga ito ngunit wala siyang magawa.

Hindi niya lubos maisip na ganito pala kasakit para sa isang guro na iwan ang mga estudyanteng napamahal na sa kaniya. Ang mga estudyanteng nagtiwala sa kakayahan niya bilang guro nila. Ang mga estudyanteng nagbigay ng iba't ibang kulaybsa mundo niya.

**

Awa naman ang naramdaman ni Sab nang makita ang malungkot na section 13. Maging siya ay pinipigilan ang pagluha sa harapan ng mga ito. Nakita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang kaibigan,  kahit sa maikling panahon lamang ang ibinigay ng pagkakataong makilala nila ang mga ito.

Nakita niyang umilaw ang cellphone niya, katunayang pinatay na ni Alex ang linya. Senyales iyon na hindi na kailanman magbabago ang desisyon ng dalaga.

"Gusto niyo bang makita si Alex?" walang ano'y tanong niya sa mga estudyante, dahilan para umangat ang tingin ng mga ito sa kaniya.

"Papunta na siya ng airport ngayon, kung gusto niyong maab maabutan siya,  bilisan niyo na. May tatlong oras na lang kayo."  Matapos niyang sabihin iyon ay hindi na nag-atubili pa ang mga binata, sunod-sunod silang tumakbo at lumabas ng classroom.

"Magsitabi kayo! Ang section 13!" sigaw ng isang estudyante nang mamataan ang tumatakbong mga binata kung kaya't dali-daling nagsilihis ang mga ito.

Nagmamadaling tinungo ng section 13 ang parking lot kung saan nakapark ang mga school bus. Kaagad nilang pinara ang isang paalis na school bus at pinuntahan ito.

"Kuya, sa NAIA tayo!" sigaw ni Roigie sa driver. Walang nagawa ang driver ng school bus kung hindi sumunod dahil nakita niyang tinunguan siya ng school chairman mula sa 'di kalayuan. Ito ang ama ni Alex.

Nagmamadaling sumakay ng mga estudyante sa sasakyan atsaka umalis ng Mondragon. Lahat sila ay hindi mapakali, nananalangin na sana'y maabutan nila ang kanilang guro.


**

"Are you sure about this Kohi?" tanong ni Sho sa dalaga nang makarating ito sa airport. Hinintay nilang tatlo nina Yuta ang dalaga sa labas.

Maging sila nina Yuta at Taki ay nagdesisyon na ring bumalik ng Japan upang magpatuloy ng kani-kanilang mga negosyo. Kamakailan lamang ay pinutol na ni Alex at ng PDG ang kanilang ugnayan sa gangworld at mas pinili na lamang mamuhay nang taairport

Ang BSG ay hindi na rin kabilang sa gangworld sapagkat napatay ng mga awtoridad ang kanilang leader na siya ring nasa likod ng mga drug transactions. Nakulong din ang apat na miyembro nito kung kaya't hindi na sila nakabalik pa ng gangworld.

"How about your students? Do the know that you're leaving?" tanong ni Yuta sa dalaga.

Ngumiti lamang ang dalaga sa kanila. "No need for them to know, I already made my decision." Bagamat nakangiti ay mababakas ang lungkot sa mga mata ni Alex. Batid ng mga kasama na ayaw pag-usapan ng dalaga ang bagay na iyon kung kaya't pinili na lang nilang manahimik.

"Let's go inside kohi?" pag-aya pa ni Yuta sa dalaga. Tinulungan na nila ito sa pagbubuhat ng mga gamit niya papasok ng airport.

"STELLA!"  Ganoon na lamang ang gulat ni Alex nang marinig ang isang pamilyar na tinig.

"STELLA!" sabay-sabay na sigaw ng section 13 dahilan upang matigilan ang dalaga sa paglalakad at mapatingin sa kanila.

"K-kayo. . . A-anong ginagawa niyo rito?" hindi makapaniwalang tanong niya sa mga ito, "oras ng klase, magsibalik na kayo sa Mondragon ngayon!"

Bahagyang lumapit sa kanila sina Ren.

"Bakit mo kailangang magresign? Bakit mo ginagawa ito?!" sigaw ni Josh na ikinagulat naman ni Alex.

"Kasalanan namin 'to, kami dapat ang maexpel, pero ano 'tong ginagawa ko Stella? Bakit mo inako?"

"Sabihin mo, pinilit ka ba ng board? Pinilit ka ba nilang mag resign? Pinilit ka ba nila na tumigil?"

"Hindi iyon gano---" hindi na naituloy pa ni Alex ang kaniyang sasabihin nang sumigaw si Roigie.

"Kung ganon bakit hindi kami na expel? Bakit walang parusa na binigay sa aamin? Bakit ikaw ang nagresign?"  sandaling hindi nakapagsalita si Alex sa tinuran ng binata. Naiiwas niya ang kaniyang tingin sa mga ito at pilit na pinipigilan ang pagtulog ng luha sa mga mata niya. Humugit siya ng malalim na hininga atsaka muling hinarap ang mga ito.


"Makinig kayong lahat. . . Hindi. . . Wala. . . Walang kinalaman ang resignation  ko sa kahit ano mang nangyari." Tila naguluhan naman ang section 13 sa sinabi ng kanilang guro.

"Kung ganon anong dahilan?" tanong ni Ren, "anong dahilan kung bakit ka nagresign? Ang akala ko ba'y hindi ka katulad ng iba? Bakit mo ginagawa ito? Hindi ikaw 'yan Stella!"

"Hindi ba't ikaw ang nagturo sa amin na maging tapat sa lahat ng pagkakataon, nag magsabi ng totoo kahit na masakit?" tanong ni Niccolo, "Pero bakit ganito? Bakit ayaw mong magsabi ng totoo? Bakit ka nagsisinungaling sa amin at sa sarili mo?" 

Hindi nakapagsalita si Alex sa mga sinabi ng kaniyang mga eatudyante. Pakiramdam ng dalaga ay para siyang sinasaksak nang paulit-ulit dahil sa talim ng mga salitang naririnig sa mga estudyante niya.

"Bumalik ka na Stella! Ikaw lang ang may tiwala sa amin! Huwag mo kaming iwan! Ikaw lang ang gusto namin!" sigaw ng section 13 sa kaniya dahilan para kumawala ang mga luha mula sa mata niya.


"Ikaw lang ang nag-iisang may tiwala sa amin!"

"Huwag mo naman kalimutan 'yong pangako mo sa amin Stella!"

"Tama na!" sigaw ng dalaga na ikinatahimik naman ng lahat, "sawang-sawa na ako sa inyo! Pagod na pagod na akong turuan kayo!"

"Stella. . ."

"Hindi ba't gusto niyo ng katotohanan? Iyon ang totoo!" sigaw pa nito habang tinitingnan isa-isa ang section 13, "hindi ko inakala na ganito pala nakakasawa ang pagiging teacher, nagkamali akong pumasok sa propesyon na hindi ko kailanman ginusto!" Tumalikod siya sa mga ito. Hindi niya kayang makita ang pagguhit ng sakit sa mga mata ng mga estudyanteng iyon. Lumuluha siyang nagpatuloy sa pagsasalita.

"Lalo nang hindi ko akalain na mas masahol pa kayo sa mga elementary students na higit na nangangailangan ng atensyon! Kulang kayo sa aruga kaya pagod na pagod na ako!"

"Nagsisinungaling ka Stella!"

"Iyon ang totoo!" Nagsimula nang maglakad palayo ang dalaga kasabay noon sila Sho, Yuta at Taki.

Hindi pa man sila nakakalayo ay muling sumigaw si Roigie.

"Nangako ka! Nangako ka na hindi mo kami bibitawan! Nangako kang ikaw ang magtatawag sa amin isa-isa habang tinatanggap namin ang mga diploma namin! Nangako ka na hindi mo kami iiwanan!" Tanging iyak na lamang ang nagawa ni Alex hanggang sa makapasok siya ng airport.

"STELLA!" hahabulin pa sana nina Roigie ang kanilang guro ngunit hinarang na sila ng security guards.  Wala na silang nagawa pa kung hindi ang pagmasdan ang likod ng kanilang guro hanggang sa maglaho ito sa kanilang paningin.


END OF CHAPTER 38

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now