Chapter 18

870 36 2
                                    

CHAPTER 18:QUEEN

"Ano ba kasing pumasok sa isip mo at sinugod mo sila Kevin nang walang kasama?!" Inis na tanong ni Roigie sa nakahiga sa damuhang si Jun na may mmga band aid sa mukha.. Sa park sila nag stay matapos magkamalay ng binta. Matapos ang nangyari ay hindi nag padala sa hospital ang binata. Alam niyang mayayari silang lahat kapag nalaman ng mga teacher na nag punta silang hospital.


"Dapat tinawag mo kami. Paano kung napuruhan ka? Delikado tayo kapag nag kataon." Dagdag ni Ren habang naninigarilyo. Nanatiling tahimik si Jun. Hindi mawala sa isipan niya ang boses ni Alex habang nag mamakaawa itong gumising siya. Bagama't hindi niya nakita ang mkha ng dalaga ay ramdam niya kung gaano itong nag-alala at nagalit sa ginawa niya at ng mga lalaking iyon.


"Pero alam niyo bang galit nag alit si Stella kanina nang malamang umlais ka para puntahan yung grupo nina Kevin?" biglang sabi ni Josh dahilan para mapaligon sina Ren, Roigie at Juu sa kaniya.


"Ang  kwento pa ni Paulo kanina, parang iba raw si Stella habang sinasabi niya iyung nangyari nung nandoon sila sa classroom kanina. Lahat ng kaklase na nasa classroom natin ay natakot nung hablutin niya si Willy at tinanong kung saan makikita sila Kevin. Grabe. Tayuan ang mga balahibo ko kahit hindi ko nakita." Pag kukwento pa ni Justin. Nag tinginan naman sina Ren at Roigie habang nanatiling tahimik si Jun.


"Iyun ang pinaka nakakatakot na Stellang nakita nila sabi nina Bruno. Para siyang sanggano.parang anumang oras papatay siya." Tiningnan naman ni Ren nang masama si Josh na nag sasabing tumahimik siya. Agad naman iyong naintindihan ni Josh kaya naman itinikom nito ang bibig  niya.


"Pero Jun, matanong ko lang, ikaw ba ang may gawa nun sa mga lalaki kanina?" nag tatakng tanong ni Justin. Patungkol ito sa mga patong patong at bugbog saradong mga lalaking nasa bodega kanina.


"Si Stella ang may gawa non." Pag sasalita ni Ren na ikinagulat nina Jun, Ren at nng dalawa

"Ren!"

"A-ano?"

"Narinig niyo ako, si Stella ang may gawa nun." Dagdag nito na nakapag patahimik sa apat.

"P-papaanong nangyari-----"

"Kahit kami ay hindi makapaniwala. Nung una ay akala kong nananakot lang siya kaya nasisindak tayo sa kaniya. Pero habang tumatagal, mas nakikita ko na iba siya sa mga guro ng Mondragon. Hindi siya pangkaraniwang babae. Atsaka hindi ba kayo nagtataka kung bakit  ang babaeng iyun ang ipinasok bilang teacher natin?" mahabang tanong ni Ren sa kanila na iinatahimik naman nina Justin at Josh. Samantalang ang dalawang inata naman ay tahimik na nakikinig.


"Those teachers won't send her if she is as weak as them. So definitely, they will hire a professional one."

"Tama si Jun. mag hahanap sila ng mas malakas sa atin at si Stella iyon." Pag tatapos ni Roigie sa usapan. Naiwang  tahimik ang dalawa. Tila natauhan sa sinabi ng mga kaibigan.


"Grabe. Dapat pala talagang katakutan si Stella. Ibang klase siya. Pati ako naku-curious sa pag katao niya." Sabay naman na napatingin ang tatlo sa sinabi ni Josh.


"Oh, bakit ganyan kayo makatingin?! Curious din kayo? hehe"

"Tss. Manahimik ka nga."

"Siraulo ka. Tigilan mo iyan."

"Tss. Nothing will change, she's still a baka teacher." Muling binalot ng katahimikan ang mag kakaibigan. Ngunit iisa lamang ang tumatakbo sa isipan nila. ang kagustuhang malaman ang tunay na pag katao ng kanilang guro.


"Hindi na raw makakapag laro sa sports fest si Niccolo. Dahil sa nangyari ay kailangan niyang mag pahinga nang sampung araw. Limang araw nalang bago ang sport fest kaya hindi na siya pawedeng mag laro." Paliwanag ni Justin. Inis namang itinapon ni Roigie ang kaniyang sigarilyo at malakas na ibinuga sa hangin ang usok.


"T****ta** talaga 'yang Keivin na iyan. Walang pinipiling lugar ang kataran*****." Kunoot noong sabi nito. Bagamat nananahimik ay mahigpit na ikinuyom ni Jun ang mga kamao. Muling binuhay noon ang galit niya kaninang kaharap ang mga taga section A. tumayo ito nang maingat sapagkat mahilohilo pa siya.

"Oh Jun, saan punta mo?" medyo nag-aalala pang tanong ni Ren.tumingin naman ang binata sa kanila.


"I'll go home. You guys should too. Be careful." Anito atsaka umuna nang mag lakad.


"Mabuti pang umuwi na rin tayo. Maaaga pa tayo bukas, baka pahirapan nanaman tayo nung hapon na coach natin." Ani Roigie.

.....

Habang nag lalakad pawi sa kaniyang tnitirahan, hindi maalis sa isipan ni Jun ang nangyari kaninang hapon sa bodega. Paulit-ulit na nag lalaro sa kaniyang isipan ang ginaw ng guro kanina. Alam niyang si Alex ang babaeng tumulong sa kaniya bagamat hindi niya ito Makita kanina. Ngunit nag tataka siya sa tinuran ng mga lalaking bumugbog sa kaniya.


"Dyosang dyosa pare! Ang kinis ng kutis!"

"Hoy Ms. Ganda, hindi kami nananakit ng mga magagandang dilag na tulad mo okay?

'Ms. Ganda'

'Ms. Ganda'

'Ms. Ganda'

"Why they are calling her Ms. Ganda? Are they blind?" wala sa sariling naitanong ng binata sa sarili at hindi nito namamalayang napahinto na siya sa pag lalakad.


"F**k. you are crazy Jun." nahinto siya sa pag-iisip nang mag ring ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot.


"Moshi moshi.. (Hello?)"


"Jun. How are you? How's your school?" hindi naman agad nakapag salita ang binata. Tiningnan niya kung sino ang tumatawag.


"I'm fine. Don't worry about me oka-san (mom)" bahagya pa siyang napangiwi nang maramdaman ang kirot ng sugat niya sa labi.


"Are you sure? Please be careful. Just focus on your studies there in the Philippines. We'll make sure to be there in your graduation. Musuko ga koishi (I miss you son)"


"Okasan ga koishi.. (I miss you too mom)." Matapos non ay namatay na ang tawag. Napabunting hining na lamang siya at nag patuloy sa pag lalakad.

Mula nang nag-aral siya sa pinas ay ang nanay at ate na lamang niya ang tumatawag sa kaniya. Ni isang beses ay hindi niya narinig ang boses ng kaniyang ama na siyang nag tapon sa kaniya rito. Malaki ang galit nito dahil sa ginawa niyang 'kahihiyan' sa pamilya niya. Mula nang ma kick out siya sa paaralan sa Japan ay hindi na siya kinausap ni sinuportahan ng ama.


Nag desisyon ito nang hindi niya nalalaman, isa na roon ang pakikipag kasundo nito na ipakasal siya sa anak ng isa sa mga business partners niya at doon ay unti-unti siyang nag tanim ng sama ng loob sa kaniyang ama. Nang hindi siya pumayag sa kasunduan ay itinapon siya ng ama sa Pilipinas upang pag tapusin ng high school.


Ang buong akala ng pamilya ay nasa poder ng lolang pinoy ang binata ngunit mag-isa lamang itong naninirahan sa isang bahay na bnili ng kaniyang kapatid para sa kaniya.


"LOOK WHAT YOU HAVE DONE! YOU ARE A DISGRACE TO OUR FAMILY! I WILL NOT FORGIE YOU FOR THIS UNTIL YOU REFLECT ON YOUR SIN!"


"FROM NOW ON, I DON'T HAVE A SON ANYMORE! I DON'T WANT TO SEE YOUHERE IN MY HOUSE!"


"Kuso." Malakas niyang sinipa ang maliit na lata na tumalsik sa malayo. Nang makapsok siya sa subdivision ay napadaan siya sa tapat ng mansion. Kita niyang patay lahat ng ilaw senyales na walang tao.


Muling pumasok sa isipan niya ang misteryosong teacher.  Ang mala manang na kasuotan nito, ang kulot na buhok at sobrang kapal na kilay. Ang malalaking mata na natatakpan ng malaking salamin. Ang dating sobrang kinaiinisan niya dahil sa sobrang paki alamera nito. Sa hindi mawaring dahilan ay unti-unting nawawala ang galit na nararamdaman niya sa ama at napapalitan ito ng hindi maipaliwanag na kasiyahan.

"Anata wa hontoni kureijidesu Jun... (You're reall crazy Jun.)"




"Iyan! Very good! Bagay na bagay  sa inyo!" nasa classroom ngayon ang buong section 13. Napag desisyunan nilang hindi muna ipagpatuloy ngayong araw ang kanilang training dahil sa nangyari kahapon. Nakapag paalam narin si Alex sa head teacher na aasikasuhin nila ang booth nila para sa opening ng School sports fest at school fair ng Mondragon.


"Pinag titripan mo ba kami Stella? Bakit mukha mo ang nakaprint sa t-shirt namen?!" Napatingin pa sa kanilang mga tshirt na suot ang section 13 na may print ngang ukha ng kanilang guro.


"Ano ba kayo! hindi niyo baa lam na isa ang uniform sa pampalakas sa mga customers natin! Panghila din g chicks yan oy!" masiglang sabi nito sa kanila na walang ibang itsura kung hindi nakasimangot. Samantalang nakangisi lamang na pinanonood ni Jun ang mga kaklase.


"Ano?! Ano bang pinag sasabi mo Stella?! Eto ba ang mukha ng nang hahatak ng customers?! Baka lalo lang tayong walang kitain sa damit na'to!"PAg rereklamo ni Ren. ganun din ang ilang kaklase niya.


"Ano ba kayo guys! Maganda nga iyan eh! Para maraming makakilala sa teacher niyo---" naputol ang sasabihin niya nang may tumakip na shirt sa mukha niya. Sunod-sunod ang pag haggis ng mga shirt kaya naman natabunan ang mukha niya.


"Maraming bibili---" hindi na natapos ang asabihin niya nang Makitang wala nang estudyante sa harapan niya.

"Sa atin.." napapabuntong hiningang sabi niya sabay tiningnan ang mga shirt na may print ng mukha at ng section nila.


"Hindi naman panget eh!" nakanguso pang sabi niya.  Nag buga ito ng malalim na hininga habang sinisinop ang mga shirt.


'Mag piprint nalang ulit ako mamaya. Matawagan nga si Yuta.' Nang walang anu-ano'y may naramdaman siyang tumusok sa mga pisngi niya.


"Tss.. ang panget nga talaga ng shirt. Kahit sino ay hindi susutin iyan." Kalmado at nakangising  sabi ni Jun sa tulalang dalaga.


Hindi naman agad nakapag react si Alex. Daig niya pang nakakita ng anghel na nakangiti a harapan niya.


"Tss.. baka.." bahagyang tumawa ang binata na lalong nag patigil sa dalaga. Sobrang lapit ni Jun sa kaniya habang nakatusk parin ang index finger nito sa pisngi niya.

'My ghad,, bakit ganito ka gwapo ang estudyante kong ito. Hihimatayin yata ako sa sobrang lapit niya--- my God Alex! Ano ba iyang pinag sasabi mong gaga ka?! Nababaliw ka nanaman! Shu! Umalis ka sa harapan ko! Shuuu!!!'


"Kohi ohayou gozaima--- su" agad na natauhan ang dalaga nang makarinig ng tinig. Bahagya din itong napalayo sa binata at tiningnan ang mga dumating.


"S-sho-kun! Y-Yuta and Taki! Hehehehe! Walang training! A-anong sadya niyo?" nauutal na sabi niya habang inaayos ang kung ano sa mukha niya. Tahimik pa rin sina Taki lalo na si Sho sa nakita. Mataman nitong tiningnan si Jun na nakatingin din sa kaniya.


"A-ano," agad na naputol ang titigang iyon nang mag salita si Taki. Maging si Alex ay parang tigagal parin habang inaayos ang sarili niya.
"Ehem.. There's a problem Kohi." Napunta naman ang atensyon ng dalaga sa kanila. Kasunod nito ang pag dating ni Sabrina.


"Alex, ang BSG---"

"Let's talk about it in private, Strike." Pag puputol ni Sho sa sasabihin ng dalaga. Sabay naman silang napatingin sa nag lalakad na palayong si Jun.

"Glad he left." Kalmadong sabi ni Taki. Sinundan pa nito ang binata at ni lock ang pinto ng classroom.


"What is the problem?" tanong ng dalaga nang sila-sila na lamang ang nasa classroom ng section 13.

"Bilisan niyo, baka dumating na ang mga estdyante ko. Nag aayos pa kami ng booth namin mamaya sa field" sabi ng dalaga.

"May gaganaping gang fight sa Makati mamayang gabi, 5pm. We have an invitation. And I'm sure na naroon ang BSG-----"


"I'm not going." Pag puputol ng dalaga sa sasabihin ni Sab.

"What?" sabay-sabay na tanong nina Yuta, Taki at Sho. maging si Sabrina ay napatingin sa kaniya.

"Demo---(but)"


"Ikanai. (I'm not going)" matigas na sabi ng dalaga atsaka binhat ang isang box ng mga t-shirt. Siya namang dating ng mga estudyante.

"Eh? Sino iyang tatlong 'yan?"

"Mukhang bigatin ah. Kaano ano mo Stella?"  agad namang tinakpan ng tatlo ang mga mukha nila nang marinig ang boses nina Justin.


"Omachi shite orimasu." Bulong ni Sho sa dalaga bago umalis kasama ang dalawa. Sumunod naman si Sab na lumabas. Kasunod noon an pag dating pa ng ibang section 13.


[Omachi shite orimasu=We'll wait for you]

"Uy sino iyong mga iyon? Boyfriend mo?" tanong ni Bruno sa dalaga. Tiningnan niya ito ng masama kaya agad na natahimik ang estudyante.


"Mga loko! Dalhin niyo na 'yung ibang gamit sa baba! Nakatayo na yung tent doon!" utos naman ni Roigie agad na kumilos ang iba at idinala ang mga gamit na gagamitin sa café booth nila.

"Mag pi-print lang ako ng bagong mga shirt." Wala sa sariling sabi ng dalaga habang dala ang box ng mga shirt. Nag tataka naman siyang sinundan ng tingin ng mga estudyante niya.


"Anong nangyari don?" kibitz balikat naman nilang tiningna ang teacher hanggang sa mag laho ito sa paningin nila.

...............

KINAGABIHAN

[UNDERGROUND ARENA]

"Darating pa ba si Alex?"

"I don't think so. She has a word. She does what she said.." sabi ni Sho habang nakaupo sila.

Marami ng tao sa arena. Karamihan sa mga ito ay mga local gangs na kabilang sa top 20 gangs in Asia. Samantalang may mga ilang foreign gang din silang nakikita. Kanina pa maugong ang ingay nila tungkol sa pag dating ng Queen. Kaninang 5pm nag simula ang mga gang fights at hanggan ngayon ay wala paring queen na nag papakita. Ang kaninang ingay ay mas dumoble pa nang dumating ang PDG na kinabibilangan ng Queen.

Silang apat ay naka suot ng maskarang palatandaan ng kanilang gang. Nag desisyon na sumama si Sabrina ngunit hindi ito alam ng kasintahan.


"You're incomplete." Napatayo naman ang apat nang marinig ang tinig ng leader ng BSG na si Viper.
"Seems that you're leader was busy with her business..." Sabi pa nito sa salitang nihonggo. Humarap naman si Sho sa kanila.


"We're not here to fight. We're just here to watch. That's what was said in the invitation." 

"I made the invitation, so expect to have fight with us tonight." Nakangising sabi nito sa harapan nina Sho. agad namang naikuyom ni Sho ang kamao at bibigyan nang matatalim na titig ang leader ng BSG.


"Phew.. I'm scared..." nakangisi pang sabi nito sa kanila. Agad na naputol ang tinginan nang mag salita ang tumatayong announcer.


"Good evening everyone! Tonight will be the big fight for the two superior gangs in Asia! The most awaiting event! Here in the Philippines! Let us welcome! The Black Serpent Gang! And the number one, most powerful gang in Asia! The Poison Death Gang!" umugong ang malalakas na sigawan sa buong Arena. Naunang pumnta sa gitna ang PSG. Samantalang hindi pa gumagalaw sa kinatatayuan ang grupo nina Sho.

"PDG please go to the center." Sabi pa ng announcer.


"I think we don't have a choice. Expect that this is not only a bare-handed fight." Sabi ni Sabrina at hinanda ang sarili. Ganun din ang ginawa nina Yuta at Taki. Samantalang nanatiling kalmado si Sho. nag tungo sila sa gitna sa tapat ng BSG.

"Let the battle begin!!!!" pagkasabi ng announcer ay naging alerto sina Sho. Ganun din ang BSG.

Naunang umatake ang BSG na agad ding sinalubong nina Sho. Hindi maipag kakailang lumakas ang BSG dahil sa sobrang bilis ng pagkilos nila na napapantayan ng PDG.
Mag kalaban sina Sab at Storm(Nikki) ang nag iisang babae sa BSG. Tinamaan si Storm ng sipa mula kay Sab.

"That's for flirting with my boyfriend last time!" at sinundan niya ng flying kick ang babae dahilan para tumalsik ito sa malayo at mapasigaw.

"Arrrghhh! You b**ch!!" galit na sigaw nito nang muling makabangon at sinugod siya. Sa ganoong sitwasyon mas naging alerto ang BSG.

Parehas ding sinasabayan ng dalawa ang pag kilos ng kanilang kalaban. Wala pang tinatamaan kina Yuta at Taki na parang nakikipag laro lang sa kalaban. Nakahanap ng tiyempo si Yuta at agad na inindayan ng sipa ang kalaban dahilan para tumalsik ito sa di kalayuan.

"One zero.." nakangising sabi niya at agad na hinarap ang isa pang kalaban. Ganun din ang ginawa ni Taki sa kalaban niya hanggang sa tumalsik muli ang tatlong miyembro ng BSG.

 
Agad na tinamaan ni Sho sa pisngi si Viper. Bahagya itong napa atras at rinig ang pag mumura nito.

"I told you, we're not here to fight." Mahinahon ngunit malalmim na ani Shonsa kaharap.


"Huh! You can't fool me as*hole."  Hindi nag tagal ay muli itong humarap sa kaniya at ngumisi.


"Stop waiting for your leader, she's busy with her students." Nakangising sabi ni Viper na ikinawala sa concentration ni Sho. Niya namalayan ang pag sugod ng BSG kaya naman agad siyang tinamaan ni Viper ng sipa sa sikmura dahilan para mapaatras siya.

"Sh*t! Prince!" sigaw ni Yuta habang iniiwasan ang pag atake ni Hades (Ryuu). Huli na para makaiwas si Sho sa ikalawang pag atake ni Viper nang muli itong tamaan sa pisngi ng suntok dahilan para matumba ito at makaramdam ng hilo.


"F**k! what's happening to you Prince?! Get up!" galit na sigaw ni Sabrina atsaka inihagis si Storm (Nikki) ang nag iisang babae sa BSG.

"It seems that she chose to be a teacher to her badass students." Tumatawa pang sabi ni Viper dahilan para matigilan ang apat sa pakikipag laban. Dahilan para makaatake ang BSG. Isa-isang natumba sina Sab, Yuta at Taki sa natanggap na atake sa mga kalaban.


Muling umugong ang ingay sa buong Arena. Tila lahat ay abang na abang sa magigig resulta ng laban sa pagitan ng dalawang pinaka malalakas na gang sa buong Asia.


"Ang akala niyo ba'y wala akong alam? I have my eyes. And I can't wait to see the Queen, losing her throne, because of those bullsh*ts.." nakangising sabi ni Viper habang nakaapak sa dibdib ng nahihilo at hindi makapalag na si Sho.

"Chottomatte...(wait a minute.)" anang isang tinig dahilan para matigilan ang lahat sa ginagawa.

"Taisetsuna seito-tachi ni fure sasete ageru to omoimasu ka? (do you think I will let you touch my precious students?)" binalot ng katahimikan ang buong arena. Maging ang BSG at PDG ay tila nabato sa kinalalagyan.


"Do you think you can beat me? Warawasenaide! (Don't make me laugh!)" malakas na sigaw nito dahilan para mapasinghap ang lahat ng nanonood sa buong arena.

"It's the Queen!!!"

END OF CHAPTER 18

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now