Chapter 21

785 35 0
                                    

CHAPTER 21

 
"Ano?! Paano nakapasok si Light sa Mondragon? Hindi ba't ang higpit ng security sa school?!" Kasalukuyang nag hahanda ang dalawa sa pag tulog nila nang mabanggit I Alex ang nangyare kanina sa school.


"Hindi ko rin alam Sab. imposibleng makapasok ang isang outsider sa Mondragon dahil tanging sa gate lang ang daanan." Isang malaking palaisipan sa kanila ang nangyari. Itiniwag niya ang nangyari kina Sho. Sa ngayon ay inaalam nan g mga ito kung paanong nakapasok ang kalaban sa Mondragon.


Labis na nababahala si Alex sa nangyari. Alam niyang gumagawa na ng paraan ang BSG na pasukin ang Mondragon at kailangan niyang mapigilan ang mga iyon sa plano nila. dumagdag pa sa alalahanin ng dalaga ang darating na sports fest at ang mga estudyante niya.


"Paano kung pumasok sila sa Mondragon bukas at manggulo?" mahinang tanong ni Sab. Mahigpit na ikinuyom ni Alex ang kaniyang kamao. Hindi siya makapapayag na manggulo ang BSG sa eskwelahan ng kapatid niya. Hindi pwedeng mapanatag lamang siya habang nag saaya ang lahat.


"I will not hesitate to kill them all.."

"Alex...." Sa mga panahon na ito ay hindi pwendeng pairalin ni Alex ang pagiging guro niya. Alang-alang sa kapakanan ng Mondragon ay kayang kaya niyang pumatay wala lang madamay.

KINABUKASAN...


Pag dating nilang dalawa sa school ay sobrang daming sasakyan at mga school bus ang sumalubong sa kanila sa parking lot. Gulat na gulat si Alex na makakita ng maraming estudyante na nag kalat sa buong Mondragon.


"Wooah" bukas ang bibig na nasabi ng dalawa habang tinitingnan ang mga estudyanteng nagkalat ngayon sa harapan nila. karamihan ng nakikita nila ngayon ay puro babae at mga lalaking estudyante na kaniya-kaniya sa pag bili ng kung ano sa mga booth nan aka pwesto sa entrance ng school.


"Grabe, ang dami pala ng apat na school partners na sinasabi ni Allen. Hindi ako makapaniwala." Sabi ni Sab habang nag lalakad sila papasok. Mabilis silang nag lalakad ngunit kapansin pansin sila sa mata ng mga estudyanteng naroon.


"Who are they?"


"I don't know. They look like outsiders."

"Yeah right, look at them, they look like beggars."


"Maybe they're here to clean later."


"Yeah, janitress?" halos mag usok ang mga ilong ng dalawa habang nilalampasan ang gruppo ng mga estusyanteng babae na dinadaanan nila.

"Huh! Akala mo namang ang gaganda! Eh wala pa nga sila sa kalingkinga ko!" inis na sabi ng dalaga nang makalampas sila sa mahabang hallway papasok sa admin building.


"Ang mga estudyante talaga ngayon..." nang maapasok sila sa faculty room ay agad na nag bihis ang dalawa at sinuot ang assigned shirt para sa section nila.


"Mabuti at napasuot mo ng ganiyan ang section 13." Natatawang sabi ni Sab nang Makita ang suot ng dalaga.


"Huh! Angal pa sila sa ganda ko?! Blessed nga sila eh." Natatawang sabi niya habang tinitingnan ang shirt niyang may printed na mukha niya. Sinuot niya rin ang jersey jacket na p.e uniform ng niya para takpan ang shirt.


"Grabe, para kayong nangangampaniya niyan para sa kandidatura mo bilang mayor. Pero sabagay, mga naka apron niyang ang mga estudyante mo, hindi rin makikita iyang damit na ibinigay mo." Nag tawanan ang dalawa habang nag lalakad papuntang field. Alam nilang dalawa na nasa auditorium na ang lahat para simulan ang opening ceremony.


Nang makarating sila sa auditorium ay marami nang mga estudyante at teachers ang naroon. Kitang kita ang iba't ibang uniform na pumuno sa malaking auditorium ng Mondragon.


"Grabe, ganito karaming tao ang nasa Mondragon ngayon?" bulong ni Alex nang makarating sila sa unahan sa harapan ng stage.

"Ano pa nga ba? Manonood sila ng school sports fest at paniguradong narito rin sila sa interhigh. At mas dadami pa iyan next next week. Makakalaban natin ang mga iyan noh." Bulong ni Ms. Chan na katabi niya. Tahimik lamang ang lahat habang nag sasalita ang head teacher sa harapan.


"And to finally start the Mondragon Academy High School's school fair this year I would like to call the presence of our beloved principal, Mr. Allen Drake Del Franco Mondragon. Let us welcome him with a big round of applause." Tumayo at nag palakpakan naman ang lahat nang Makita nilang umakyat ng stage ang kapatid ni Alex. Ngunit ang gumulat sa kanila ay ang laka ng tilian at sigawan ng mga estdyanteng babae mula sa ibang school. agad silang nag tinginan sa mga ito at nakita nila ang ilang mga estudyanteng nag sisigawan. Ngiti naman ang isinukli ni Allen sa mga ito dahilan para lalo pang mag wala ang mga estudyante.


"Pasikat talaga itong kwatog na'to.." mahinang sabi naman ni Alex na narinig nina Ms. Santos at Ms. Chan.


"Ano iyon Ms. Nivera?" Sabay na tanong pa ng dalawa. Agad namang ngumiti ang dalaga.


"Ahh hahaha wala iyon, huwag niyo akong isipin." At kunwari pang tumingin ang dalaga sa harapan na animo'y nakikinig sa sinasabi ng kapatid na nasa harapan.


"Again, I want to express my gratitude to all of our school partners, Smith Academy, Montreal International School, Mary Clare Academy high school and Crimson International School for accepting my invitation to come in our one of the most awaited event of Mondragon Academy High School. I hope you enjoy your five days stay here for our school festival. You can do whatever you want to do here but still, you need to follow basic rules. Is that okay with you?" nakangiting tanong ni Allen sa mga estudyante.
"WAAAAH!!! YES SIR!!!"


"YES SIR DRAKEEE"


"Tsh, feeling binata pa rin talaga...Tingnan ko lang kung hindi ka batukan ng bente ni Sab mamaya." bulong sa isip ni Alex habang tinigtingnan ang kuyang halatang enjoy na enjoy sa tilian ng mga estudyante. 


"I'm now declaring the opening of the school fair event of Mondragon Academy High School. Enjoy everyone, you can now visit the booths prepared by my students together with their teachers. Thank you." Nang matapos mag salita ang kapatid ay siya rin ang pag labas ng mg estudyante. Kita ni Alex na kinakausap niya ang mga principal ng apat na school na narito ngayon. Hinintay nilang makalabas ang mga tao.


"Nga pala Ms. Nivera, kumsta na ang booth niyo? Naayos ba? Balita ko ay sirang sira  iyn kahapon. " tanong ni Ms. Santos sa dalaga. Tumango naman ito at ngumiti.


"Maayos na ulit ang booth namin Ms. Santos. Salamat sa pag-aalala."


"Hays, sino naman kaya ang walang pusong gagawa noon?" muling naalala ni Alex ang nangyari kagabi sa pagitan nila ni Light. Labis ang galit niya nang malaman dito mismo na siya ang sumira sa booth ng section 13.  Palihim niyang  naikuyom ang mga kamao habang nag lalakad sila papunta ng field kung saan nakapwesto ang booth ng lahat ng section ng 4th year students.


"Wooooah!!! Ang daming tao!" gulat silang tiningnan kabuuan ng field na ngayo'y halos mapuno na sa sobrang daming estudyante na karamihan ay mga babae!


"Grabe, hindi naman ganito karami dati ang estudyante na pumpunta rito tuwing school fair, hindi ko inaasahang dadagsain tayo." Hindi makapaniwalang ni Ms. Chan.


"Ano ka ba, asahan mong mas dadagsa ang mga tao sa interhigh no. Madadagdagan ang mga school na mag papartcipate lalo na't unang taon ito ng Mondragon para mag host ng interhigh." Mahabang litaniya ni Ms. Santos habang nag lalakad sila patungo sa booth ng mga estudyante nila.


"Oh siya, dito na kami Ms Nivera, puntahan mo na ang section mo, mukhang sa inyo ang may pinakamahabang pila." Nag tatakang tiningnan naman ni Alex ang itinuro ni Ms. Santos at laking gulat niya nang makitang puno ang booth nila at napakahaba pa ng pila!


"Oh My God...." Nag mamadali siyang pumunta sa section 13 booth café at nakipag siksikan para makapasok.


"Excuse me, excuse me, excuse me," hirap na sabi niya habang nakikipag siksikan sa mga estudyanteng tantya niya ay halos mga 4th at 3rd year rin.


"Excuse me, paraan po... excuse me..." halos hindi makagalaw si Alex sa sobrang siksik at gulo ng pila. Kaya naman napilitan siyang balyahin ang mga ito.


"OUCH!!!" napapikit siya nang makarinig siya ng sigaw. Tiningnan niya yung babaeng sumigw at bahagya siyag nagitla nang makitang nakatingin ito sa kaniya.


"Me?" takang tanong niya habang nakaturo sa sarili. Kita niya ang inis sa mukha nung matangkad na babae na sa palagay niya ay 4th year student ng Mary Clare Academy High School na nakalagay sa uniform nito.


"Yes! You ugly creature! Look what you've done to my shoes! Do you know how expensive this shoe is? Do you think you can pay for this?" nag tatakang tiningnan naman ng dalaga ang babae mula ulo hanggang paa. Matangkad ito at mukhang maldita. At dahil wala siyang panahon para patulan ito ay tinalikuran niya ang babae. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay hinawakan siya nito sa braso.


"What do you want?" malamig na tanong niya rito. Pabalya niyang binawi ang kamay mula sa babae dahilan para lalog mag init ang ulo nito sa kaniya at tingnan siya nang masama.


"I'm not yet done talking to you so don't you dare turn your back at me!" malakas na sigaw nito dahilan para ma atrasan ang ilang babae malapit sa kanila.


"Who are you to shout at me? Do I know you?" inis na tumingin ang dalaga sa sapatos ng babae na ngayo'y may kaunting dumi. Ngumisi siya at muling tiningnan ang babae.


"How much is your shoe? Name the price." Mayabang na sagot niya rito.


"How dare you ugly bi**h!" Akmang sasampalin na siya ng may may biglang humatak na kamay sa kaniya palayo dun sa babae.


"Enough, Lyza.." gulat niyang tiningnan ang nag salita na ngayon ay nakatalikod sa kaniya. Ramdam niya ang pag bilis ng tibok ng puso niya habang nakatingin sa likod nito.


"J-Jun." Eh? Kilala niya ang babaeng 'yan?! Mag kakilala sila?!!

"She's our homeroom teacher." Dinig nila ang pag singhap ng ilang kababaihan sa paligid nila. Gulat pa rin si Alex na nakatingin sa dalawa.


"W-what?" Kita ang pag ka gulat at pag kapahiya sa mukha ng babae habang nakatingin kay Jun.


"You heard me. She's our homeroom teacher.." prente lamang ang pag kakasabi ng binata habang nakahara ito sa dalaga. Samantalang si Alex naman ay hindi alam ang magiging reaction.


"But babe! Look what she did to my shoes!" EHHHH?! B-BABE?!


"EHHH?!!!" sabay-sabay na sabi ng section 13 habang si Alex naman ay gulat na nakatingin sa nakatalikod na binata. Hindi pa nakakarecover sa pag kagulat ang dalaga nang hawakan ni Jun ang babae at umalis sa mga kumpulan.

Nag simula na ring umingay sa paligid at mas naririnig ng dalaga ngayon ay ang mga estdudyante niyang nag bubulungan.


"Sh*t, may syota na pala si Jun!"

"Bakit hindi natin alam yun?!"

"Ang ganda ng Syota pre!" 

"Parang haponesa rin iyung babae!"

"Kaya siguro mag-isang umuuwi iyang si Jun! pinupntahan ang girlfriend sa Mary Clare!"


"Sh***t!! binatang binata na si Jun!!"


'Girlfriend niya iyon?! Totoo?!'


"Oy Stella! Halika na! ang daming customer oh!" hinawakan ni Roigie sa braso ang guro atsaka nag lakad papasok ng booth. Nag simula ulit na mag tilian ang mga babaeng estudyante sa laba ng booth na agad inayos nina Justin at Josh.


"Okay beautiful ladies! Hinay-hinay lang po tayo! Hindi kayo mauubusan.."  Matapos ang kaganapan sa labas ay ipinag patuloy ng section 13 ang ginagawa samantalang si Alex ay nakaupo lamang sa malapit sa counter at nakatanaw sa mga tao na nasa loob ng booth.

Hindi siya makapaniwala na ganito karaming estdyante ang nasa booth ng section 13 gayong alam ng mga ito ang tungkol sa section. Marahil ay nabighani ang mga babaeng ito sa taglay na kagwapuhan ng section 13. 
Muli niyang tinanaw ang lugar kung saan tumungo si Jun kasama ang haliparot na estudyante.

"Gulat ka rin noh?"

"Ay kabayo! Yah!! Bakit kaba nanggugulat diyan ha?" sapu-sapo ni Alex ang dibdib matapos siyang gelatin ni Ren.

"Mukhang iniisip mo rin yung nangyari kanina----" hindi na pinatapos pang mag salita ng dalaga ang estudyante nang tingnan niya ito nang masama.

"Hindi ko sila iniisiip! Bakit ko naman sila iisipin aber?!" malakas na sabi niya dahilan para mapunta sa kanilang dalawa ang atensyon ng mga nasa counter na sina Roigie at Josh. Natatawa namang umiling si Ren atsaka nag patuloy sa ginagawa.


"Sabi ko nga, wala ang paki alam.." nang aasar pang sabi nito sa dalaga atsaka nag tungo sa mga mesa para kumuha ng order. Tiningnan naman siya nang masama ng dalaga na mamula mula atsaka ambang babatuhin ng cup.


'Sino kaya yung babaeng 'yun? Bakit mag kakilala sila ni Jun? At tinawag niya pang babe? Girlfriend niya kaya yun---- haaaayssss!!! Ano bang nangyayari sa'yo Alex! Ang weird weird mo!!'

"Huy, galaw galaw din aba, ma stroke ka diyan sige ka..." sa gulat ay naibato ni Alex ang cup na hawak kay Ren na siya namang nakailag at nakangising bumalik sa ilang table. Masama itong sinundan ng tingin ng dalaga at nag dadabog tumulong sa mga etudyante niya.

"It seems that they are lucky today." Nakangiting sabi ni Sho habang nakatingin sa field kng saan makikita ang booth ng 4th year na pinag kakagluhan ng mga estudyante, mostly kababaihan.


"They have looks also, so what to expect? Many girls will go crazy toward them." Nasa office ni Allen ang PDG. Ipinatawag sila ni Alex dahil sa training mamayang hapon.


"Hindi mo pa rin ba sasabihin kay Alex?" tanong ni Sho sa binata habang nakatanaw sa field. Bumuntong hininga naman si Allen habang nakahawak sa noo. Tila ba nalilito.


"Alam mong hindi na siya pwedeng mag tagal dito lalo na't alam na ng BSG na narito siya. You know they will not give up hangga't hindi nakakaganti at napapabagsak ang queen." Natahimik ang kapatid ni Alex sa sinabi ni Sho. maging ang dalawa ay natahimik bagamat hindi naintindihan ang sinabi ng kasama.


"I think, it's hard for her to say goodbye to her students especially now that they have created a strong bond." Maya-mayang sabi ni Yutan a lalong nakapag patahimik sa dalawa. Lalong nakaramdam ng paghihirap si Allen. Alam niyang siya ang dahilan kng bakit naipit sa ganitong sitwasyon ang kaniyang kapatid. Kung hindi dahil sa kaniya ay malamang na tahimik nang namumuhay at walang pinoproblema ang kapatid.

"Oh," napatingin naman si Alex sa nag abot ng isang bottled water.

"S-salamat." Nauutal na sabi niya sa binata. Hindi naman kumibo si Jun at naupo sa katapat na upuan niya. Wala nang estudyante ngayon sa booth nila. mabilis na naubos ang mga tinda nilang cupcakes at teas kung kaya't maaga silang nakapag pahinga.

Ang ibang section 13 ay abala sa pag aayos ng mga props na gagamitin sa cheering sa  Friday samantalang ang mga players ay nakapag palit na ng P.E uniforms para sa practice.

"You look terrible..." tiningnan naman ni Alex nang masama ang binata. Bagamat nakaramdam ng pag kailang ay inis niya itong inismiran at umiwas ng tingin. Sa tuwing tinintingnan niya ang binata ay hndi niya maiwasang mamangha sa kagwapuhan nito.


'Shota. Nababaliw kana talaga Alex. Tigilan mo iyan! May girlfriend na iyan..' pag saway niya sa kaniyang isipan. Bahagyang binalot ng katahimikan sa pagitan ng dalawa. Ilang ulit na lumilingon si Alex sa gawi ni Jun ngunit mabilis niya uling iiiwas ang tingin dito. Samantalang tahimik na nakapikit naman ang binata. Napawi ang katahimikan nang dumating sina Justin kasama ang team.


"Woy! Ano na?! practice na aba!" sigaw pa nito nang makalapit na sila.

"Ssup Jun!"

"Nakita namin yung ekena niyo ng maganda mong shota ah!" Bungad ni Josh sa kaibigan. Natuon naman ang pansin ng mag kakaibigan sa binata na tahimik paring ngunit nakamulat na ang mga mata.

"Hindi mo man lang sinabi sa aming may girlfriend ka. Grabe sobrang ganda niya!" sabi naman ni Paulo.

"Alam mo na, baka maraming kaibigan yung girlfriend mo, ireto mo naman kami!" pabirong sabi naman ni Eugene. Agad na nilingon naman ni Alex ang mga binata ngunit wala sa kaniya ang atensyon ng mga ito kung hindi nasa binatang tila walang balak sagutin ang mga ito.


"Grabe, ang tapang nung chicks mo kanina Jun! walang panama si Stella sa kaniya kanina! Phew!" tiningnan nang masama ni Alex si Justin na agad nag iwas ng tingin nang Makita siya. Pasimple namang tumawa ang mag kakaibigan ngunit agad na tumahimik nang Makita ang matatalim na tingin ng kanilang guro.


'So, Girlfriend niya nga iyung babaeng yon?! Tsk! Yun ba ang chiks sa mga mata nila?! tsk! Ipalaman ko pa sya sa siopao! Di hamak naman na mas maganda ako sa babaeng 'yon! Tsh! Pasalamat sya at hndi ko siya pnatulan kung hindi ay malamang nag mukha siyang panda sa ilalagay kong black eye sa kaniya!'


Mula sa kinauupuan ay nag inat at tumayo ang binata at tumalikod.


"Our coach is here. Let's go to the covered court now." Nag lakad na ito patunging pinto ngunit muli itong lumingon sa kanila. Nagulat si Alex nang mag tama ang paningin nilang dalawa dahilan para muling bumlis ang tibok ng puso ng dalaga.


"By the way... She's not my girlfriend. She's my cousin." At nag patuloy na ito sa pag lalakad hanggang sa mawala ito sa paningin ng lahat.

Naiwan namang tulala ang dalaga sa sinabi ng binata.

"By the way... She's not my girlfriend. She's my cousin."

"By the way... She's not my girlfriend. She's my cousin."

"By the way... She's not my girlfriend. She's my cousin."

"Hindi naman pala shota eh! Hahaha! Tara pormahan na natin!" sigaw ni Justin at nag tawanan naman silang lahat maliban sa tulalang dalaga.


"Tayo na, mag practice na tayo." Umuna na alis sina Philip, Eugene, Josh, Justin at Ren samantalang naiwan naman sina Roigie na inaayos ang sinta ng sapatos at si Alex na tila pinanawan na ng katinuan at tulala pa rin.

"Hindi naman pala Girlfriend eh. May pag-asa kapa.." nakangising bulong ni Roigie sa dalaga sabay tinapik ang balikat nito at umuna nang lumabas, iniwan ang dalaga na siyang natauhan at bumalik sa ulirat.

"MALDO ANDWAE!!! ARIENAITSUNO!!!!!"


END OF CHAPTER 21

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now