Chapter 37

770 47 5
                                    

Chapter 37

Hindi magkamayaw ang lahat nang makita sina Alex, at Jun na naka handusay sa sahig, at walang malay.

Kasabay ng dalawang pag putok ng baril ay ang isa pang putok, at iyon ay nagmula na sa mga pulis, pinatamaan si Brian dahilan upang mabitawan nito amg hawak na baril at humandusay sa sahig.

"ALEX!" Sigaw ni Allen. Dali-dali siyang nilapitan ang kapatid na ngayo'y walang malay. Sa katabi nito ang katawan ni Jun, wala ring malay at may dalawang tama ng baril sa likod.

"Jun! Jun gumising ka Jun!" Malakas na sabi ni Roigie habang tinatapik-tapik ang pisngi ng binata. Ngunit wala itong natanggap na sagot dito dahilan para balutin ng kaba ang section 13.

Naunang dinala sa ospital sina Kevin, Justin, Sho, Yuta at Taki. Kasunod noon ang dalawa.

Hindi mapakali si Allen dahil sa mga sugatang estudyanyte at mga kasama ng kanyang kapatid. Mas lalo siyang nakaramdan ng takot at pag-aalala dahil sa sitwasyon nina Jun at Justin.

Samantala, nasa iisang maluwang na waiting area naman ang section 13. Bagamat tahimik ay labis-labis ang pag-aalalang nararamdaman nila para sa mga kasama.

"Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito?" mahinang tanong ni Bruno, "masyadong bata si Justin para maranasan ang ganitong bagay."

Tahimik na sumang-ayon ang magkakaklase sa sinabi nito. Habang tulala at tahimik naman sa isang tabi sina Ren, Roigie, Niccolo at Josh.

"Hindi ko akalaing aabot tayo sa ganito," saad pa no'ng isa nilang mga kaklase, "sana maging maayos ang lagay nina Jun."

Maging ang apat ay hindi aakalaing sa ganitong sitwasyon aabot ang section nila. Masyadong maraming tao ajg nadakay at higit sa lahat ay nalagay pa sa alanganin ang buhay ng isa nilang kasama.

"Kasalanan ko..." mahinang sambit ni Roigie habang nakakuyom ang mga palad, "kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito."

Nagtinginan ang section 13 sa sinabi ng binata. Maging ang magkakaibigan ay natigilan sa sinabi ni Roigie

"Ano ka ba Roigie, hindi mo kasalanan ang lahat, wala kang kasalanan!" malakas na sabi ni Ren sa kasama.

"Oo nga Roigie, in the first place kasalanan ito ni Kevin at ng gang na iyon," saad ni Niccolo.

"Ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay manalangin na sana maging maayos sina Justin."

Taimtim na nanalangin ang buong section 13 sa waiting area. Hindi nila alintana ang mga taon naroon at tahimik na lamang na ipinagdasal ang kaligtasan ng kanilang mga kasama.

***

Samantala, dumating na ang pamilya nina Jun at Justin. Maging sila ay hindi makapaniwala sa sinapit ng kanilang mga anak. Iyak nang iyak ang mga magulang ni Justin nang malamang hindi pa rin lumalabas ng operation room ang mga doctor. Kinailangang tahini ang malalim na sugat na natamo ni Justin sa leeg at kinailangan ding masalinan siya ng dugo kaagad.  Samantalang si Jun naman ay malala rin ang tama sapagkat dalawang bala ang tumama sa kaniya buhat nang saluhin nito ang mga baling dapat ay kay Alex tatami. Si Alex ay wala pa ring malay sapagkat nagtamo ito ng head trauma buhat ng pagkabagok niya kanina. may mga nabali ring buto sa braso at binti ni Alex kung kaya't kinakailangang kabitan siya ng bakal sa mga naturang bali.

"Mr. Mondragon! You are the principal of these students! Why did you let them be involve in this kind of situation?" galit na tanong ni Mr. Shin sa binata. Napayuko na lamang si Allen dahil sa pagkapahiya.

"Bakit kailangang mangyari ito sa anak namin? Wala siyang kasalanan!" pagpalahaw pa ng ina ni Justin na siya namang pinakakalma ni Sab.

"Magiging maayos po ang anak  niyo, magpakatatag ho tayo para sa kaniya.." pag-aalo pa nito.

Nasa ganong sitwasyon silang lahat nang dumating si inspector Miguel, ang pulis na naatasan sa kaso.

"Mr. Miguel, any information about what happened?" tanong ni Allen pagkadating nito. kaagad namang tumango si inspector at iginaya ang binata kasama si Mr. Shin sa waiting area.

Doon ay nakita nila ang section 13 na nakaupo sa mga upuan.

"Why are you still here?" gulat na tanong ni Allen nang makita ang section 13. Bahagyang nagulat ang mga ito nang makita ang binata kasama ang ama ni Jun at isang pulis.

"Are you Jun's classmates?" malamig at punong-puno ng awtoridad na tanong ng matanda sa kanila. wala namang nagsalita sa mga ito at tanging tungo na lamang ang nagawa nila.

"So you're those who brought my son into this kind of situation?" napatingin naman si Allen sa itinuran ng matanda. Bakas ang galit sa mukha ng ama ni Jun habang nakatingin sa section 13.

"Ang mabuti pa ay magsi-uwi na muna kayong lahat," saad ni Allen ngunit nagsalita naman si inspector Miguel.

"No Mr. Mondragon, alam nilang lahat ang nangyari. Kailangan nilang magbigay ng statement para sa ilang mga imbestigasyon." Napatingin naman si Allen pati ang section 13. Nagtataka ang binata sa itinuran ng pulis.

"Sino sa inyo sina Roigie San Pedro, Warren Pangilinan, Niccolo Sanchez, at Joshtin Joson?" tanong ng pulis. Nagtinginan ang section 13 sa gawi nina Ren na tumayo.

"Kailangan niyong sumama sa amin, Mr. Mondragon, maari bang samahan sila sa presinto?" nagtataka namang nagkatinginan ang section 13. Marahil ay tatanungin ang kanilang mga kaklase tungkol sa nangyari.

"The rest of you, magsi-uwi na muna kayo, bukas ay magkikita tayo sa guidance office." Matapos saihin iyon ni Allen ay nagtungo na sila sa prisinto. Naiwan naman sa ospital si Mr. Shin kasama ang kapatid ni Jun at ang nanay nito.


***
"Ayon sa mga nakalap naming imbestigasiyon, ang ilan sa mga naabutan naming kalalakihan ay taga ibang bansa. Ang ilan naman ay mga matagal nang wanted dito sa lugar natin," saad ng pulis, "ngayon tatanungin ko kayo, ano ang kinalaman niyo sa nangyari? Bakit naroon kayo?"

Sa una'y walang nagsalita. Kapwa sila lahat nagpapakiramdaman. Nakita naman ni Allen ang kaba sa mga estudyante kung kaya't hinarap niya ang mga ito.

"Please let us know, para rin ito sa inyo." Nagtinginan ang magkakaibigan atsaka nagsalita si Ren.

"Pauwi na kami no'n kaninang hapon, hindi pa kami nakakalayo sa school nang biglang dumating si Kevin," saad niya, "ang alam naming lahat ay nasa prisinto siya, pero nagulat na lang kaming lahat nang bigla siyang sumulpot kasama ang ilang armadong lalaki, tinutukan ng patalim ai Justin." Gulat ang rumehistro sa mukha ng ng pulis at ni Allen. Hindi nila malaman kung paanong nakalabas sa prisinto sii Kevin gayong ang daming pulis na nagbabantay doon.

"Idinala nila kami sa abandonadong warehouse 'di kalayuan sa school," sabi ni Niccolo, "atsaka niya kami ipinagapos sa mga tauhan niya, hindi ho kami makapalag dahil armado silang lahat." Tumango ang pulis habang itinitipa ang mga sinasabi nina Niccolo sa computer.

"Ilang oras kaming nakatali do'n at nagulat na lang kami bigla nang marinig naming nagkakagulo na sa labas ng kwarto kaya naman naiwan kami kasama 'yong ibang mga tauhan," saad ni Josh.

"Paano kayo nakawala?" tanong ni Allen sa kanila.

"May dala si Roigie na maliit na kutsilyo, kaya natanggal namin 'yong tali namin," sagot naman ni Ren. Kunot-noong tiningnan naman ng pulis at ni Allen ang binatang kanina pa tahimik.

"Mr. San Pedro," pagpukaw ng atensyon ni Allen sa binatang kanina pa walang kibo. Kinalabit pa muna ni Ren ang kasama. Atsaka lamang natauhan ang binata atsaka tumingin sa kanila.

"Mr. San Pedro are you okay?" nag-aalalang tanong ni Allen dito. Mayamaya ay tumango ito.

"Maaari mo bang ikwento sa amin ang nangyari nang makawala kayo sa pagkakatali?" Bumuntong hininga pa muna si Roigie bago nagsalita.

"No'ng nakawala kami sa pagkakatali, pinatawagan ko kay Ren 'yong mga kaklase namin para humingi ng tulong.  Matapos no'n ay lumabas na kami, tapos nagulat na lang kami nando'n sa labas sina Stella at Jun pati yung mga kaibigan ni Stella nandoon." Kumunot naman ang noo ng pulis sa sinabi ni Roigie.

"Stella?"

"Ahh, sir, that's my sister, their homeroom teacher." Tumango naman ang pulis at nag patuloy sa pagtatanong.

Sinagot naman ito ng mga estudyante habang nakasuporta naman si Allen sa mga sinasabi ng mga ito.


"Tinulungan kami ni Stella, hindi siya ang dapat sisihin dito," saad naman ni Roigie na ikinagulat naman ng mga kasama nito.

"Dahil sa akin kaya nangyari iyon, hindi magagalit si Kevin kung hindi ako nakalabas ng kulungan. Hindi sana umabot sa ganitong sitwasyon." Pilit na pinakakalma ni Roigie ang sarili dahil sa mga emosyong nagnanais na kumawala. Ngunit sa huli ay nabigo siya. Nakita na kamang nina Ren ang mga butil ng luhang kumakawala sa mga mata nito.

"Kung hindi dahil sa akin, sana wala sa gano'ng sitwasyon sina Justin Stella at Jun. Hindi sana sila nag-aagaw buhay sa ospital." Kunot-noo at luhaan na sabi ni Roigie na ikinatahimik ng lahat.

Matapos ang usapang iyon ay bumalik sa ospital si Allen. Pinauwi na niya ang apat na estudyante at sinabihang pumasok bukas.

Pagbalik niya sa ospital ay nadatnan niya roon ang kasintahan at ang mga kasama nito.

"Bro," saad ni Yuta nang makita itong papalapit. Kaagad na lumapit si Sab sa nobyo atsaka yumakap nang mahigpit.

"Ssshhh, everything will be okay baby, don't cry," pag-aalo niya sa kasintahan. Kinausap sila ng doctor na siyang umasikaso kay Alex.

"She's stable now, she will stay here until her wounds heal. Kailangan niyang magpagaling ng ilang linggo bago tuluyang madischarge," saad ng doctor.  Bahagyang nabunutan ng tinik sa dibdib si Allen, ngunit nag-aalala pa rin siya sa kung anong maaaring maging reaksyon ng kanilang mga magulang oras na malaman nila ang nangyari.


"Ahm, doc, how about the three other students?" tanong naman ni Sab sa doctor.

"Mr.  Shin is stable now, natanggal na namin ang mga bala sa katawan niya, but he has to undergo some test for him, those bullets almost tear his lungs," saad ng doctor sa kanila.

"The other student who got stab at the back is now stable. Kinakailangan nalang din niyang magpagaling dahil sa sugat niya," dagdag pa ng doctor, si Kevin ang tinutukoy.  Nakaramdam ng relief ang dalawa nang malaman ang impormasyon.

Muling nagsalita ang doctor, "Mr. Fernandez," bumuntong hininga ito at tumingin sa kanila. Doon muling nabalot ng kaba sina Allen.

"He's still in the ICU, he was in coma and we don't know when he will wake up," binalot ng pag-aalala ang magkasintahan maging ang mga kasama nila nang malaman ang lagau ni Justin.

"Masyadong malalim ang sugat niya sa leeg and he lost much blood so hindi pa natin alam kung makakasurvive siya." Tila nabato sa kinatatayuan ang magkasintahan sa narinig mula sa doctor. Labis-labis ang pag-aalalang nararamdaman nila para kay Justin na siyang napuruhan sa gulong ito.

"We have to monitor him if there will be changes within 24 hours." Dagdag pa nito. Sobra ang pag-aalala ni Allen para sa bata. At mas nag-aalala siya sa magiging reaksyon ng kapatid niya kapag nalaman niya ang lagay nito.

Tinungo ng binata ang kwarto kung saan naroon ang kaniyang kapatid. Halos manlambot ang kaniyang mga tuhod nang nakita si Alex na may malalaking benda sa binti at braso. Mayroon din sa ulo at mga maliliit na sugat at pasa.

"Princess..." mahinang pagtawag niya sa natutulog na kapatid, "you've come so far, you did your very best to protect them." Hinawakan ni Allen sa kamay ang dalaga.

"I'm so proud of you princess," emosyonal na saad pa nito habang mahigpit na nakahawak sa hindi apektadong mga kamay ng kapatid.

Labis ang pagsisising nararamdaman niya para sa sarili. Iniisip niyang kung hindi dahil sa kaniya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito sa kapatid at sa mga estudyante.

Muli nuyang tiningnan ang kapatid na natutulog. Ngayon ay makikita ang sobrang pagod sa hitsura ng dalaga buhat ng lahat ng nangyari. Masyadong malayo ang hitsura nito ngayon sa pagiging guro kaysa sa pagiging CEO ng sariling kompanya.


"I promise to settle everything for you Alex," saad pa nito.

Nasa ganoong sitwasyon sila nang dumating ang kanilang mga magulang.

"Jesus! My daughter!" emosyonal na lumapit ang nanay nila sa dalaga. Iyak pamanh ng iyak ito habang nakatingin sa natutulog na anak.

Kaagad na lumapit si Allen sa ama ngunit isang malakas na sampal lamang ang natanggap niya mula rito.

"What the hell happened this time Allen Drake!" Hindi matingnan ng binata ang nagngangalit na ama. Sa halip na sumagot ay tumungo lamang ito.

"Matapos kong palampasin ang ginawa niyo ng kapatid mo ganito pa pala kalala ang mangyayari?" galit na tanong ng kaniyang ama, "Anong klaseng Pamamalakad ang ginawa mo sa paaralan ng lolo mo? Mga asal kriminal ang mga estudyante!"

Hindi nakaimik ang binata sa itinuran ng ama. Binalot siya ng matinding pagkapahiya sa buong sistema. Hindi niya malaman kung ano ang isasagot niya sa mga tanong ng ama.

"I-I'm sorry dad..." mahinang sabi ni Allen atsaka muling yumuko.

"I will not let this happen again, call everyone who are involved in this mess! And I will be the one to expel them!" kaagad na napatingin ang binata sa sinabi ng ama.

"B-but d-dad---"

"Or else, your school will be closed," madiin na saad ng kaniyang ama dahilan para muli siyang matigilan at mapatingin dito.

***

Ilang linggo ang lumipas at sa wakas ay nagising na si Alex. Nakalabas na rin siya ng ospital ngunit hindi pa rin nagigising ang tatlong estudyante.

Sa paggising niya ay kaagad niyang hinarap ang mga magulang ng Mondragon High School Academy ukol sa mga reklamo tungkol sa section 13.

Pilit niyang nililinis ang pangalan ng section 13 ngunit sadyang matigas ang ilang mga magulang at ang kaniyang ama kaya naman hindi niya malaman kung ano ang dapat na gawin. Hanggang sa humantong siya sa isang napakahirap na desisyon.

"Please dad, don't kick them out," pakikiusap niya sa ama. Nagpunta siya sa mansion ng kanilang pamilya upang pakiusapan ang ama dahil iyon na lamang ang natitirang pag-asa niya.

"Alex please---"

"Aalis ako ng Mondragon, pero please dad, let them continue their studies to graduate." Natigilan si Allen sa sinabing iyon ng kapatid.

"Alexandra Isabelle! Do not forget your promise to them!" sigaw nito sa kapatid.

"Pero hindi ko pwedeng isipin ang sarili kong kapakanan kapalit lang ng pagkaka-expel nila kuya!" sigaw ng dalaga sa kapatid, "wala akong pakialam kung magalit sila nang tuluyan sa akin! Mas hindi ko kakayanin na makita silang babagsak na lang dahil sa kapabayaan ko!"

Natahimik na lamang si Allen sa sinabi ng kapatid. Nag-aalala niya itong tiningnan.

"Please dad, do not expel my students, marami pa silang pangarap na gustong matupad, at hindi kayo ang pwedeng humadlang doon." Nagsimulang lumuha ang dalaga habang nakaluhod sa harapan ng kaniyang ama. Maging ang ina nito ay hindi kayang nakikita si Alex na nasa ganoong sitwasyon.

Bumuntong hininga na lamang ang kanilang ama ngunit wala itong sinabi na kahit ano.

At doon ay nakapagdesisyon na nang buo so Alex, magre-resign na siya sa pagiging guro ng section 13 kapalit ng hindi nila pagkaka-expel sa paaralan.

Kasalukuyang nasa ospital si Alex upang bisitahin sina Kevin, Jun at Justin. Sobra ang pagsisising nararamdaman niya sa sinapit ng mga estudyante.

Nang makarating siya sa tapat ng kwarto ay nakita niya ang dalawang pulis na nakabantay rito. Nagpakilala naman siyang guro atsaka pumasok na sa kwarto ni Kevin. Nadatnan niya sa kwarto ni Kevin ang mga magulang nito.

"Ahm, magandang araw po sa inyo," nakangiting saad niya sa mgaagulang ng binata. Ngumiti naman ang mga ito sa kaniya.

"Magandang araw din hija, ikaw ba ang guro ng anak ko?" tanong ng ina ni Kevin sa dalaga. Umiling naman ito at nakangiting sumagot, "homeroom teacher po ako ng section 13."

Natahimik naman ang mga magulang ng binata sa kaniyang itinuran. Tila alam na ng mga ito ang nangyari dahil bakas ang pagkahiya ng mga ito sa kaniya.

"Maaari ko ho bang kausapin ang anak niyo?" nakangiting tanong nito, pilit na pinagagaan ang atmosphere sa pagitan nila. Pilit ngiti ang iginanting tugon ng mga magulang ng binata sa dalaga at umalis na.

Nang makaalis ang mga ito ay nagtungo si Alex sa kama ng binata at inilapag sa table ang dalang mga prutas.
"Oh, gising kana pala Kevin," gulat na saad niya pa sa estudyanteng nakatingin lamang sa gawi ng bintana.

"Anong ginagawa mo rito?" masungit na tanong nito sa kaniya. Bahagya naman siyang lumapit sa binata.

"Masama bang dalawin ang estudyante ko?" nakangiting tanong ni Alex na ikinakunot naman ng noo ni Kevin.

"Hindi mo ako estudyante." Hindi na lamang pinansin ni Alex ang kasungitan nito.

Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan nilang dalawa. Maging si Kevin ay tila naghihintay kung sino ang babasag ng katahimikang iyon.

"Aalis na ako sa Mondragon," saad ni Alex. Bahagya namang nagulat ang binata dito.

"Bakit sa akin mo sinasabi ang bagay na iyan?" takang tanong niya sa guro, "atsaka, imposibleng iwan mo sa ere ang mga 'yon, alam kong alanganin silang lahat sa Mondragon."

Maging si Alex ay napatigil sa sinabi ng binata, tiningnan niya pa ito atsaka bumuntong-hininga.

"Sabi nga nila, lahat ng bagay na imposible, nangyayari," saad niya, "pero sa lahat ng imposibleng bagay, ito ang ayaw kong mangyari." Bakas ang lungkot sa bawat salitang binibigkas ng dalaga.

"Iiwan ko sila kasi 'yon ang dapat, ayokong malagay na naman sila sa alanganin nang dahil sa akin," emosyonal na saad niya pa. Napatitig naman si Kevin sa dalaga. Kita at ramdam niya ang pagmamahal nito sa mga estudyante niya. Bagay na sobrang kinaiinggitan niya.

"Napakaswerte nila sa'yo," saad niya, "hindi mo sila pinabayaan sa lahat ng pagkakataon, mga bagay na hindi nagawa ng ibang guro ng Mondragon." Ngumiti naman ang dalaga ngunit hindi noon nabura ang lungkot na nararamdaman.

Muling tumahimik ang paligid, kapwa sila nawalan ng mga salita.

"Sorry," walang ano'y saad ni Kevin, "kung hindi dahil sa akin, hindi mangyayari ang lahat ng ito, hindi ka magde-desisyong mag resign at iwan sila."

Nagulat naman si Alex sa sinabi ng binata. Tiningnan niya ito at kita niya ang sinseridad sa mukha nito.

"Kung hindi ako nagpadala sa galit, hindi mapapahamak sina Justin." Natahimik si Alex dahil doon. Hinintay niyang magsalita muli ang binata.

"Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko, sa tingin ko'y hindi sapat ang isang sorry lang para mapatawad ako ng lahat."

"Hindi pa huli ang lahat," saad ni Alex at hinawakan nito sa braso ang estudyante, "may panahon pa para magbago ka at itama ang mga pagkakamaling nagawa mo." Pagkuwa'y sumilay ang ngiti sa mga labi ni Kevin dahil sa sinabi ng dalaga. Sa ganoong paraan ay bahagyang gumaan ang loob ng binata.

"At kapag nangyari ang bagay na iyon, hanapin mo ako, at ako ang una mong pasalamatan," nagbibirong sabi pa nito dahilan para umiling at ngumiti si Kevin.

"Salamat, ma'am."

END OF CHAPTER 37

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now