Chapter 15

889 38 1
                                    

CHAPTER 15

"TSA! WALANG HIHINTO HANGGAT HINDI NATATAPOS ANG 10 LAPS! HALLA SIGI TAKBO!" Sigaw ni Alex habang pumapalakpak. Dahil tapos na ang exam, tulad ng sinabi ng principal ay mayroon ang 4th year students na isang linggo para magtraining sa darating na sports fest.


Abala ang lahat sa parating na sports fest. Hindi lang basta sa sports kung hindi sa gaganaping school fair event kung saan darating ang mga bisita na ilang school partners ng Mondragon Academy.
Mula second year hanggang 4th year teachers ay abala sa pag tetrain ng kanilang mga etudyante para sa gagawing sports fest.


Mayroong apat na sports ang gaganapin sa loob ng isang linggo. Ang mga ito ay Archery, Table Tennis, Swimming at Basketball. Table Tennis sa first year, Swimming sa second year, Archery sa third year at Basketball naman sa fourth year.


"Hayst!!papatayin yata tayo ng panget na'to! Kanina pa tayo takbo ng takbo! Wala pa tayong nagagawa maski isang training!" reklamo ni Josh abang tumatakbo kasama ang mga kasamahan niya sa basketball na sina Roigie, Carlo, Eugene, Justin, Ren, Niccolo, Philip at Paulo.


Kasalukuyan nilang tinatakbo ang malawak na field sa likod ng kanilang building samantalang ang iba naman nilang kaklase ay nakaupo at pinanonood lamang sila sa paulit ulit na ginagawa nila.


"Sh*t! nasusuka na ako! time first Stella!" pag mamakaawa naman ni Justin habang patuloy pa rin sa pag takbo.


"Bakit kasi siya pa yung nag te-train sa atin? Wala yata 'tong alam sa mga ganito eh!"

"Hoy! May sinabi ba akong mag daldalan kayo?! halla sige! Mag bilang kayo habang tumatakbo! Dali!" samantala, tuwang tuwa naman si Alex sa ginagawa sa mga etudyante. Enjoy na enjoy itong pinanonood ang mga estudyanteng ngayon ay naka P.E uniform habang tumatakbo sa field.


"Tss... are you going to kill them? It's already 8 in the morning. Baka.." sabi ni Jun na nakaupo sa bench sa likod ng dalaga. Tiningnan naman ito ni Alex atsaka sumimangot.


"Eh kung nag te-training ka rin kasama nila diba?!" Ngumisi lang ang binata sabay ibinalik ang tingin sa mga kaklaseng hingal na tumatakbo sa field.


"I told you, I don't want your way of training." Muli itong uminom ng tubig mula sa bottle na hawak niya atsaka pinanood ang mga kasamang hingal na hingal na sa pagtakbo at masamang nakatingin sa kaniya ngunit hindi magawang mag reklamo dahil ito ang team captain nila.


"Tss.. napaka arte!" inirapan ng dalaga ang binata sabay tumingin sa mga estudyante niyang nag te-training.

Matapos ang 10 laps ay nag pahinga na ang sampong players ng section 13 para sa basketball. Tiga abot naman ng tubig ang ilang hindi nakasali sa kahit anong sports dahil sila ang mag sisilbing cheerers ng section nila.

"Tsa, kayong mga natitira, pumila kayo dito. May sasabihin ako." Agad namang sumunod sa dalaga ang mga natitira pang section 13. Himalang walang reklamo ang mga ito hindi gaya ng sa mga players na kung makapag reklamo ay dinaig pa ang mga professional players with their professional trainers.

"Mahalaga ang cheering para sa sports fest. At dahil all boys nga pala ito, ibang technique ang gagawin natin." ngumisi siya sa  harapan dahilan para mag taka ang mga ito.


"Woy Stella, ayoko niyang ngiti mo ah!"


"Nakakatakot yang ngiti mo Stella!"


"Itigil mo iyang nasa isip mo Stella!"


"Woy woy woy!! Huwag mong sabihing---"


"Teka nga! Huwag kayong advance mag isip okay?!"


"Woah! Baka ang ibig sabihin niya ay kukuha siya ng babaeng gagawin nating cheer leader?!"

"O kaya mga babaeng I hahagis natin?!"


"Sh*t! Oo nga! Maganda yun pre!!!"


"May chicks! Hahahahaha!"


"Woooh!!!" napahilamos naman ng mukha ang dalaga sa mga naririnig. Hindi na siya magugulat kung anong iisipin ng mga estudyante niya pag sinabi ang salitang cheering. Alam niyang babae agad ang sasabihin ng mga ito kaya naman.


"TUMAHIMIK KAYO! Walang babae okay?! Bawal mag recruit ng hindi niyo kaklase lalo na at babae! Siya! Mag bilang kayo! Mamaya ay sisimulan na natin ang practice niyo! May kilala akong siguradong mag papanalo sa atin!"  takang tiningnan naman siya ng mga estudyante niya.


"Mabuti na lang at players tayo..." bulong ni Justin sa katabing si Roigie.


"Paniguradong may binabalak yang si Stella na hindi magugutuhan niyang mga iyan." Bulong din ni Ren sa katabing si Jun. Habang abala si Alex sa pag kausap sa bag section 13 ay tahimik na nag tayuan ang anim sa mga players nila at dahan-dahang umalis sa field.


"At ikaw Bruno, ikaw ang mangunguna sa cheering ha?! Ikaw ang mag le-lead sa mga kaklase mo! yung iba, gagawa ng banners at fliers para sa team natin para may hawak tayo sa laro, okay ba iyon?! Players! Sang-ayon ba kay----Teka! Nasaan na ila?! Hindi pa tapos ang training!" kumibit-balikat naman ang mga natirang players.


"Tsh, malamang kumain ang mga iyon at nagpahinga! Ikaw ba naman ang patakbuhin ng halos isang oras sa field diba??" inis na tiningnan ni Alex ang nag salita at kita niyang nag tatawanan na ang ilan sa mga estudyante niya.


"Gusto niyong patakbuhin ko rin kayo?" inis na sabi niya sa mga ito kung kaya naman mabilis na naitikom nila ang mga bibig nila atsaka nakinig sa guro.


..........................


"Sa wakas! Nakatakas din!" sigaw ni Josh nang marating nila ang Canteen. Kita nilang nag lihisan agad ang mga estdyante nang Makita sila. Hindi naman nila pinansin ang mga ito at  agad silang umupong sampu sa bakanteng upuan. Medyo marami-rami ang mga estudyante ngayon dahil walang klase. Karamihan sa mga estudyante ay mga nasa lower year.

"Anong nakatakas? Paniguradong hinahanap na tayo ng Stella na iyon ngayon." Binuksan ni Roigie ang dalang bottled water atsaka ininom iyon. Habang si Jun naman ay nagbabasa ng dala niyang libro.


"Hanep din 'yung Stellang yun ah. Siya lang ang nakatagal  sa section natin." Sabi ni Justin habang umiinom ng tubig.


"Kung hindi siya dumating, Baka hindi na tayo umabot sa Sports fest na'to. Hahaha!" dagdag naman ni Josh.


"Napaka tapang niyang babae. Biruin mong sa pangit niyang iyon, siya lang ang nakakapag patahimik at nakakapag pakalma sa atin." Sumangayon naman ang dalawa sa sinabi ni Niccolo. Samantalang nanatiling tahimik ang tatlo.


"Kung aalis siya ngayon sa Mondragon, hindi magiging masaya ang classroom natin."


"Baka napatalsik na tayo ni tanda at ng ibang teachers  dito." Napaisip naman si Jun sa sinasabi ng dalawang kaibigan.


'But because you are her students, her precious students, please just keep your knowledge about us as a secret. Do not tell even to your classmates about this or else... Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat'

'Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat'


'Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat'


'Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat'


'Matatanggal ako sa trabaho ko bilang teacher, at mapapahamak kayong lahat'


"Hindi siya aalis." Gulat namang napatingin sina Niccolo sa tatlong sabay-sabay na nagsalita. Gulat ding nag tinginan ang tatlo.


"Hanep... anong birthday niyong tatlo? Matayaan nga sa lotto..Hahahaha!" tawa ng tatlo habang nakatingin sa tatlong napapailing-iling nalang.


"Hindi naman talaga aalis 'yun. Sa tigas niyang 'yun? Eh nasisindak nga sa kaniya pati yung head teacher eh."  Nasabi nalang ni Roigie.


"Baka yung mga yun pa ang umalis sa tigas ng ulo niya." Nag tawanan naman ang talo sa sinabi ni Ren. Tahimik naman na bumalik si Jun sa pag babasa ngunit ang teinga'y nakikinig sa pinag-uusapan ng mga kaibigan.


Nag tagal pa ang anim sa Canteen. Nilubos nila ang pag papahinga hanggang sa mapag pasiyahan nila na bumalik na sa field. Habang nag lalakad sila pabalik ay nasalubong nila ang grupo nina Kevin na mula sa setion A. ang mga walang kadala-dalang binugbog nila. 


"Uy, tingnan mo nga naman ang pag kakataon.." nakangising sabi nito sa anim. Huminto sila sa pag lalakad dahil nakaharang ang mga ito sa dinaraanan nila. Walang nagsalita sa anim. Tahimik lang ang mga itong nakatingin sa malayo. Iniiwasan ang tingin ng mga kaharap.


"Aba, mukhang sinuwerte kayo at makakapag laro kayo sa sports fest ah.." natatawang sabi nito atsaka lumapit kay Jun.


"Ikaw na hapon ka? May ibubuga ka naman ba sa basketball?"  nag tawanan naman ang mga kasama ni Kevin sa sinabi nito samantalang wala namang reaksyon na tiningnan siya ng binata.


"Wala kaming balak makipag sapakan ngayon kaya paraan." Sabat ni Roigie atsaka nag lakad. Nag si-sunuran naman ang mga kaibigan nito sa kaniya.


"Maswerte kayo at mararanasan niyo uling mag laro. Kaya lang, malas niyo dahil mararanasan niyo uling matalo.." pahabol na sigaw ni Kevin sa papaalis na grupo. Inis namang nag lakad paalis sina Justin.


"Ang yayabang talaga ng mga gunggong na'yon."


"Walang kupas ang kahambugan! Kung hindi ako nakapag pigil nasapak ko na iyong tar*******g 'yon eh. Tsk.."


"Kalmahan niyo lang, nangako tayo kay Stella na wala tayong gagawing kalokohan ngayon hanggang sa matapos ang interhigh." Pagpapaalala sa kanila ni Ren. walang nagawa ang mga ito kung hindi manahimik nalang.


"Kayo! Saan kayo nag punta?!" bungad sa kanila ni Alex na ngayo'y parang umuusok na ang teinga at ilong sa inis. Napahinto naman silang anim at sabay sabay na napaatras.


"Patay tayo diyan..." bulong ni Ren.


"Patay talaga..." bulong din ni Roigie.


"Nako yari..."


"Kayong anim! 10 laps! Start now!" sigaw ng dalaga sa kanila.


"Nalintikan na!"


"Sh*t... sino ba kasing nag sabing umalis tayo?!"


"Ewan! Sumunod lang naman ako sa inyo!" reklamo ni Niccolo. Sabay naman silang liman nakatingin sa prenteng nakatayo na si Jun.


"Nande? (Why?)" takang tanong naman ng binata sa kanila. Akmang mag lalakad na ito nang pigilan siya ni Roigie.


"Hindi mo ba narinig? Tayong anim ang tatakbo." Sabi nito atsaka hinila si Jun patungong oval.

"Y-yah! Let me go! Kuso!" walang nagawa ang binata dahil sa matatalim na tingin na ipinukol sa kaniya ng kanilang teacher.

"Argh.. d**n it!" pag mumura niya pa habang tumatakbo kasama ang mga kaibigan.


...................................

"Tss.. talagang pinahihirapan niya ang mga estudyante niya." Iiling-iling na sabi ni Allen habang nakatanaw sa field kung saan naroon ang kapatid niya at ang mga estudyante nito..


"She's training her students as if she's training them to be a gangster.." natatawang sabi naman ni Sho habang ang tingin ay nasa dalaga.


"I heard that she's not okay with her students before. How come they're now enjoying?" tanong naman ni Yuta.


"Well, maybe she threatened them. Hahaha!" tiningnan naman nang masama ni Allen si Taki na ikinangiti lang nito..

"Peace yow.." siniringan nalang ito ng binata at muling tumingin sa kapatid na ngayon ay may hawak meter stick at lalapit sa kinaroroonan ng players na animong tamad nang tumakbo.


"She's now enjoying the company of those students. No wonder she's having a hard time now on her decision." Sabi ni Sho. napatingin naman si Allen dito.

"Decision?"  takang tanong niya.


"Black Serpent gang was hunting her down. We told her to leave her students and come back to Japan. But it seems that she cannot leave her students anymore.." litong napatingin naman ang binata sa kausap. Bumalik ang tingin niya sa kapatid na ngayo'y tumatawa gayun din ang mga estudyante niya.


"For now, so far, BSG still can't find the queen. Maybe she is working with it secretly. We don't know what she's doing." Napanatag naman si Allen sa tinuran ng kaibigan. Alam niyang hindi basta-basta matutunton ng kaaway ang kapatid niya. May tiwala siya sa kapatid at naniniwala siyang mas tuso pa ito sa tuso. Hindi niya malaman laman ang binabalak ng kapatid niya.


"We are doing our best too to shut that gang down. Hindi pa nila alam kung nasaang lugar si Kohi dahil sa ginagawa nito." Tinuro ni Sho ang kasamang si Taki na busying busy sa kaniyang tablet.


"Hai! (Yes!)" sabi naman nito atsaka bumalik sa ginagawa. Tinapik naman ni Allen ang balikat ni Sho.


"Thanks bro." nakangiting sabi niya rito.


"Anything for her." Bumalik ang tingin nila sa field.


'Anything for you, my Kohi..'

.......................

"TSa! Mag lunch na muna kayo! mamaya na natin ipag patuloy ang practice! Walang uuwi ah?! Kayong mga cheerers! Darating na ang trainer niyo! Kaya walang aalis!" sigaw ni Alex sa section 13. Tapos na ring tumakbo ang anim samantalang ang ilan ay nakahilata na sa field.


"Kayong sampu, sa gym na tayo mamaya mag pa-practice, kaya mag ready na kayo." hindi naman siya pinansin ng anim na abala sa pag ppunas ng pawis at pag-inom ng tubig.


"Tandaan niyo, iyong sinabi ko sa inyo ha? Iwasan niyo muna ang gulo." Sabi pa nito habang inaayos ang mga dala niyang mga gamit.


"Yung tinuro kong plan A at B. huwag niyong kalilimtan iyon!" pag lingon niya sa likuran ay wala nang ka tao tao maliban sa isang nakahiga sa damuhan sa ilalim ng malaking puno sa di kalayuan. .


"Mga buwisit! Iwan ba naman ako?! ang dami-dami nito!" pag rereklamo niya. Hirap na binuhat niya ang mga dalang gamit at ang malaking tela palapit sa natutulog na si Jun.

"Hoy Mr. Shin! Tulungan mo naman ako rito!" ngunit hindi man lang gumalaw ang binata. Mabilis siyang nag lakad palapit dito. Hindi niya napansin ang malaking baton a nakaharang sa kaniya kaya naman ilang hakbang palapit sa binata ay napatid siya ng malakin bato dahilan para lumipad siya palapit sa binata.


"KYAAAAAHHHH!!!!!" Napamulat at napabangon naman si Jun nang makarinig ng sigaw. Ngunit pag harap niya ay siya namang pag lipad ng dalaga sa kaniya.


"Kuso!" huli na nang masalo ng binata ang guro.


*BLAG!*

Bumagsak ito sa kaniya dahilan para mawalan siya ng balance at pareho ilang bumagsak sa damuhan at...

.........
......................
............................

Mag tama ang kanilang mga labi.


END OF CHAPTER 15

Ang Teacher ng Section 13Where stories live. Discover now