Chapter 9

842 29 0
                                    

PANG-SIYAM NA KABANATA:

Pagbabalik







Agua's POV

Bakit ganun sila? Ganito ba talaga ang trato nila sa mga katulad ko? Ang sakit, akala ko pa naman mababait ang lahat ng mga tao rito sa syudad. Parang sila ata ang walang napag-aralan kung paano makitungo sa mga kapwa tao.

"Ang sama-sama niyo...wala naman akong ginagawa sa inyo..." ang bigat-bigat ng dibdib ko at sumasabay pa ang mga luhang pumapatak sa aking mga mata.

Lumuluha akong naglalakad palabas sa paaralan, mayamaya ay bigla akong nakabangga. "Pasensiya ka na..." naka-yuko ako kaya hindi ko nakita kung sinong nabangga ko.

"Okay ka lang?" Malamig na boses ng isang lalaki, dahan-dahan kong inangat ang mukha kong umiiyak.

Tila ang mga mata naming nagtakbo ay kumikislap, napaka-amo niya para siyang si Megan na mala-anghel. "O-Okay lang ako..." naiilang kong sagot.

"Bakit ba kita tinatanong kung okay ka lang, eh umiiyak ka nga eh..." may kinuha siya sa kaniyang bag, isang panyo at dahan-dahan niya itong ipinahid sa mukha ko.

"Gamitin mo 'yan..." hinawakan niya ang aking kamay at idinapo sa panyong nasa pisngi ko at dahan niyang inalis ang kaniyang kamay.

"Hindi ka ba nandidiri o natatawa sa sa akin?" Napalunok ako.

"Hindi ako tulad nila." Sagot niyang may ngiti sa labi.

"Maraming salamat. Mag-aaral ka rin ba dito?" Pinapahid ko ang panyo sa mga luhang nakadapo sa aking pisngi.

"Oo, matagal na kong hindi naka balik dito. Galing ako sa America dahil namatay ang aking ama," ngumiti siya pero hindi maikubli ang nakatagong lungkot.

"Naku pasensiya ka na sa tanong ko, nakikiramay ako..." pagkikiramay ko

"Okay lang. Tsaka salamat sa pakikiramay. Bukas pa naman ako mag-aaral kaya gaya mo ay hindi ako naka-uniform, pupunta lang ako sa principle office para sabihing babalik na," sambit niya.

"Hindi ako mag-aaral dito, isa akong tagabantay sa isang lalaking mag-aaral..." sagot ko.


"Agua? Sinong ka-usap mo?" Rinig kong tanong ni Megan sa likuran ko kaya humakbang ako pagilid para masulyapan niya kung sinong kausap ko.

Nakita kong nanlaki ang mga mata niya "Bruce...? Nagbalik ka na...?" Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita habang nakanganga ang kaniyang bibig malamang dahil sa gulat.

Simpleng ngiti lang ang ibinalik ng lalaking kausap ko na Bruce pala ang pangalan "Oo kahapon lang. O tsa, sige pupunta pa ako sa office..." sabay lakad paalis niya, nagtataka ako dahil bakas ang subrang tuwa sa mukha ni Megan nang makita si Bruce na para bang miss na miss niya ito, pero si Bruce ay malamig ang pakitungo sa kaniya.

Abot tenga ang ngiti ni Megan habang tulalang nakatitig kay Bruce na naglalakad "Nagbalik na siya, ang prince charming ko..." bigla nalang siyang nahimatay na naka ngiti buti nalang agad ko siyang nahawakan.







Inilapag ni Ginang Flores sa lamisa ang mga gamit para sa pagtuturo "Ang subject natin ngayon ay MAPEH. Music, Arts, Physical Education and Health." Sabi niya.

"Ano pong mga 'yon?" Tanong ko.

"Dito mailabas kung ano ang iyong mga talento. Matuto kang mag drawing, kumunta, sumayaw at meron din itong mga actividad na makakatulong sa iyong mga katawan." Sagot niya.

My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now