Chapter 34

615 22 0
                                    

IKA-TATLUMPONG APAT NA KABANATA:

Ang Nakaraan







Santiago's POV

Tahimik at walang kibo, 'yan lang ang mga ugali ko mula nong nagising ako sa hospital at hanggang ngayong makauwi dito sa bahay.

Inilayo ko ang sarili sa lahat at nag kulong sa kwarto. Naiiyak ako at ang puso ko'y nadudurog sa tuwing naalala ang nakalimutang nakaraan.





September 27 1995

Alas dos ng hapon bumisita kami ni Loren sa lugar kung saan nakatira sina Tatay Datu at Nanay Ligaya, sa Daang Kalikasan, Mangatarem Pangasinan.

Hindi muna kami pumunta sa kanila dahil gusto muna naming ipasyal ang baby girl namin ni Loren na si Galad, na ang ibig sabihin ay liwanag. 2 months na siya ngayon at 30th birthday ko nitong nakaraang araw kaya ipagdiwang namin ito dito sa Daang Kalikasan.

Hawak ko si Galad habang inilibot ko ang tingin namin sa mga paligid "Gal aming prinsesa...tignan mo ang napaka-gandang lugar na ito..." sabi ko sa kaniya, bigla siyang ngumiti at kumaway sa araw na nagpakita.

Nagtawanan kami habang abot tenga ang ngiti dahil sa ginawa niya "Tignan mo mahal...gusto niya ang lugar na ito..." sabi ni Loren habang hinahaplos ang cute na pisngi ni Galad.

"Gal gusto mo bang tumira dito?" Tanong ko at lumingon siya sa akin na naka ngiti ang labi at bigla siyang nag salita.

"Woah...mahal mukhang kailangan na natin bumili ng lupa dito..." nagtawanan kami ni Loren.



Mayamaya ay may humintong itim na van sa aming harapan, lumabas galing dito ang grupo ng mga kalalakihan na naka maskara, ang nakaka-abala ay meron silang mga delikadong gamit, tulad ng malalaki at matataas na baril.

Nagpaputok sila ng baril sa itaas kaya halos lahat ng nanditong namasyal ay napatakip sa ulo, dumapa at nagsigawan. Ibinigay ko kay Loren si Galad at itinago ko sila sa aking likod.

"Ibigay mo sa amin ang bata!" Pagtataas boses sa akin ng tila kanilang leader, lumingon ako sa paligid at kunti lang pala kami rito at nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na kami lang ni Loren ang may dalang bata.

"Kahit anong mangyari hinding-hindi ko ibibigay sa inyo ang anak ko! Magkakamatayan man!" Kumukunot ang noo habang nakipagtitigan sa kanila.

"Ah ganun! Magkakamatayan pala!" Agad akong nilapitan ng leader at palapit sa mukha niya ang kamao kung susuntok pero nahawakan niya ang kamay ko at agad niyang pinalo ang tiyan at binti ko gamit ang malaki niyang baril kaya nadapa ako.


Mabilisang kinuha ng mga kasamahan niya si Galad mula kay Loren at pinalo nila ng malakas si Loren gamit ang kanilang mga baril, kaya nawalan siya ng malay.

Ang mga mata ko'y nanlilisik "Loren...!" Sigaw ko habang inaabot ang isang kamay at ang bibig ko'y naglabasan ng mga dugo.

May isang lalaki ang tumakbo para atakihin sila pero agad nila siyang binaril "No...!" Sigaw ng asawa ng lalaki.

"Subukan niyong manglaban! Matutulad kayo sa kaniya!" Pagtuturo ng leader sa lalaking wala ng buhay.

"Mga hayop kayo! Sino ba kayo?! Anong kasalanan namin sa inyo?!" Sigaw kong nangangalit ang mga ngipin.

"Kumukuha lang naman kami ng mga bata upang ibenta ang kanilang mga laman!" Nagtawanan sila.

Todo na ang galit ko sa mga sinabi ng leader kaya tumayo ako na naka kuyom ang mga kamao na puno ng lakas at galit, agad niyang itinutok kay Galad ang baril kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Manglaban ka! Para patay itong anak mo!" Sigaw niya habang palapit ng palapit sa mukha ni Galad ang baril at ang mga kasama niya'y nagtawanan, gusto kong umataki para kunin ang anak ko pero hindi ko magawa dahil hawak nila ang buhay nito.


Nagsimulang pumatak ang aking mga luha "Pakiusap...gagawin ko ang lahat, lahat ng hiling ninyo ibibigay ko...pera, bahay o kotse lahat ng inyong gusto...basta nakikiusap ako huwag niyong idadamay ang anak ko..." taranta na ako at ang bilis ng paghinga ko na sinasabayan pa ng kaba sa puso.

Lumilingon sila sa isa't isa, pero tinawanan lang nila ako. Agad nilang itinutok sa akin ang mga hawak na baril at umaatras sila pabalik sa kotse.

Pagkatalikod nila ay agad akong tumakbo palapit sa leader para kunin si Galad, masusuntok ko na ang ulo ng leader pero mabilis na humarap ang mga kasamahan niya at agad nilang pinalo ang ulo ko sa malalaki nilang baril, sa subrang lakas nilang pumalo ay nahihilo ako at dumidilim ang paningin ko.

Nilapitan nila ako at madiin nilang hinawakan ang aking mga kamay at tsaka itinapon ako ng malakas sa bangil na maraming malalaking bato.






"Gal...mahal kong anak...patawad kong hindi kita nailigtas..." pumapatak ang mga luha ko habang naiisip na parang kahapon lang nangyari. Lumabas ako sa kwarto, pumasok sa kotse at dali-daling umalis.

Habang nagmamaneho ako ay kumakalat pa rin sa katawan ko ang galit na nararamdaman, maging ang paghawak ko sa steering whale ay madiin. Ang naiisip ko'y kaya pala may mga bagay-bagay na biglang pumapasok sa isip ko na para bang mga matagal ng ala-ala, pero subrang labo lang kaya hindi ko mawari kung ano, sa tuwing kinukwento ko naman kay Loren ay pabalik-balik lang ang mga sagot niya, na makalimutin na raw ako at baka nakikita ko lang sa panaginip ang mga 'yon, kaya isinintabi ko nalang.




Pagkadating ko sa Fashion Compania  ni Loren ay sa office niya ako dumiretso "Totoo ba?! Totoo bang may kumidnap kay Galad?!" Tanong kong pasigaw.

Inangatan niya ako ng tingin "A-Anong ibig mong sabihin?" Tumigil siya sa pag perma ng files at dahan-dahan na tumayo.

"Nagbalik na ang mga ala-ala ko!" Pinagtuturo ko siya at siya nama'y napalunok na halatang kabado.

"Bakit Loren?! Bakit hindi mo man lang ipina-paalala sa akin! Maibabalik naman siguro ang mga alala ko kung tutulongan mo ako!" Galit at puot lang ang nararamdam ko.

Hinawakan niya ng madiin ang kaniyang ulo at bumuntong hininga "Akala mo ba madali lang sa akin?! Hindi! Nasasaktan din ako! Walang araw na hindi ako umiiyak! Nakikita kitang masaya habang wala kang kaalam-alam sa nakaraan! Minsan hiniling ko na nga lang na kagaya mo rin ako, para hindi ako masasaktan sa tuwing naala-la 'yon!"


Ang nanlilisik kong mga mata ay kumalma, pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang sakit "Hahanapin ko si Galad." Tumalikod na ako.

Napahinto ako sa paghakbang nang bigla siyang lumuha "Bilang isang ina, nong nagising ako ang agad kong ginawa ay hinanap si Galad, kahit hindi pa ako masyadong okay, dahil alam kong ikaw ang mas nahirapan sa trahedyang 'yon...maraming beses kong hinanap si Galad, pero bigo ako...and I realize hindi naman buong buhay natin iikot nalang sa paghahanap..." nang matapos siya ay dahan-dahan akong lumabas sa kaniyang office habang pinapahid ang mga kamay para maalis ang mga luha.





Parang ulan na bumubuhos ang mga luha ko habang ako'y nandito sa saktong lugar kung saan naganap ang madilim na nakaraan, nakikita ko ang imahe kung saan kami nakatayo ni Loren, kung saan nakatayo ang mga kidnappers at sa bangin kung saan ako itinapon.

Mayamaya ay nagpakita ang araw, at mas lalong humapdi ang puso ko nang makita ko sa aking isip ang pag ngiti at pagkaway ni Galad sa araw.

Pumunta ako sa bahay nina Tatay Datu at Nanay Ligaya, saktong nandito sila kaya lumapit ako.

Tila napansin nilang palapit ako kaya humarap sila "O iho, napadalaw ka...aba bakit ka umiiyak...?" Tanong ni Nanay Ligaya, hindi ako kumibo at  niyakap lang sila ng mahigpit.







My Ignorant Girl (When Two Worlds Meet #1)Where stories live. Discover now