Chapter 7

483 9 2
                                    

5 am pa lang pero we're on our way to Subic. As usual nakikisakay na naman sina Luna at Rese sa Porsche 992 GT3 ko.

Napakatamad naman talaga mag drive ng mga kupal.

Janelle is using her Rolls Royce Ghost. Sakanya na sumabay si Deanne para may kasama.

"Hoy Rese, salitan tayo sa pag drive ha" sabi ko sakanya.

"Kaya mo na 'yan bes" aniya.

"Eh kung pababain kaya kita 'jan at maglakad ka papuntang Subic" sabi ko.

"Oo na, eto naman oh, nanjan naman si Luna bakit ako pa?" pagrereklamo niya.

Lumingon ako sa likuran at nakita sa Luna na mahimbing na natutulog. Itong babaitang 'to talaga kahit san mo ilagay natutulog agad.

"Kita mo naman siguro na natutulog diba? tsaka alam mo naman na pagod yan kase nagkasagutan na naman sila ng ate niya" sagot ko sakanya.

Nagkibit balikat na lamang siya at sinaksak ang Air pods sakanyang tenga.

Ewan ko ba sa ate ni Luna, napaka higpit niya pero siya naman itong napaka pasaway nung teenager pa lamang.

Habang nagmamaneho hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi. It was one of the best nights.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako.

Wala sa sariling sinampal ko ang mukha ko. Siguro kulang lang 'to sa tulog. Tama, yun nga.

"Hoy Avi, okay ka lang?" nagulat ako sa pag tawag ni Luna kaya mabilis kong naapakan ang preno ng sasakyan.

"Aray! ano bang nangyayari?" tanong ni Rese habang hinihimas ang kanyang ulo na tumama sa bintana.

"Eh itong si Avi, bigla nalang sinampal ang mukha nya!" sigaw ni Luna.

"Ano ba Luna, wag ka namang manggulat baka anong mangyari sa 'tin" Inis na sabi ko.

"Sorry naman bes, concern lang naman ako" aniya.

Inirapan ko lang siya at pinaandar ulit ang sasakyan.

Tahimik na sana pero bigla na lang nagtanong si Rese.

"Teka nga lang, bakit mo ba kasi sinampal ang mukha mo Avi?" pag uusisa ni Rese.

Napakamot nalang ako ng ulo.

Ang chismosa naman talaga oh.

Tutal naman mamaya pa kami makakarating sa Subic, sasabihin ko nalang, hays.

"Diba we had dinner kagabi?" panimula ko.

"Oo, tapos may masama bang nangyari?" tanong ni Luna.

"Remember the guy na bumangga sa'kin sa Starbucks?" sabi ko.

"Ah yung gwapo?" natatawang saad ni Rese.

"So ano na nga bes?" atat na atat na tanong ni Luna.

Inirapan ko sya.

"Eh kase akala ko na kami lang tatlo nina mom at dad, kaso pagdating ko sa resto nandun yung family nung guy, which is family friend and business partner ni dad".

Tumango tango silang dalawa.

" I asked dad kung bakit nandun sila, sabi niya na napagkasunduan nila ni Tito Lex, daddy ni Lukas na mag family dinner at akala niya daw okay lang since magkakilala naman na daw kami. Ni reto ba naman ako ni dad!" paliwanag ko.

"What? diba your dad knows na ayaw mo sa ganon?" tanong ni Luna.

"So ayun na nga, I told them that i'm very disappointed kaya umalis ako" sagot ko.

Waves of Memories Where stories live. Discover now