Chapter 8

461 10 0
                                    

Naging mabilis ang byahe namin patungong Subic kaya napag desisyunan namin na magpahinga muna para makabawi ng tulog.

It was already 4 in the afternoon when I woke up. I immediately changed my clothes para pumunta sa tabing dagat at manuod ng sunset.

I was running nang mahagip ng paningin ko si Lukas.

"Hey Lukas!" sigaw ko.

"Oh ano, miss mo na 'ko?" sabi niya na nakapag pangiwi sa'kin.

"Yuck. Aayain na sana kita kaso nakakairita ka kaya wag nalang" sabi ko sabay irap at talikod.

Akmang aalis na ako when he pulled my hand and made me face him again.

Nanigas ako nang muntik ko na siyang mahalikan dahil sa lakas ng paghila niya sa'kin.

"Hey you, chansing ka masyado ah!" pagbawi ko.

Ngumisi lamang siya.

"Sorry, tara na diba sabi mo aayain mo 'ko?" umirap ako at sumagot.

"Tara dun tayo sa may dagat nuod tayo sunset" na e-excite kong sabi.

Agad naman siyang tumakbo sabay hila sa kamay ko kaya nagpa tianod nalang ako at masayang tumakbo na sinabayan ng pagtawa.

Ang ganda talaga sa dagat, napaka refreshing. Malayo pa sa gulo at polusyon sa city.

Mabilis kaming umupo at pumwesto para hintayin ang paglubog ng araw. Pareho kaming namangha sa ganda ng tanawin.

Ang kulay kahel na araw na tila nagpapa hiwatig na kahit masama ang iyong araw ay matatapos itong maganda at ang kulay bughaw na karagatan na mas lalong nagpatingkad sa ganda ng lugar.

I was in awe.

"Ang ganda" hindi ko naiwasang sabihin.

"Oo nga ang ganda" sabi ng nasa tabi ko kaya lumingon ako.

Sa paglingon ko ay nakita ko na sa'kin pala siya nakatingin. Inirapan ko lang siya kaya namn tumawa siya.

I don't like him in any ways but him being beside me, feels light. I feel comfortable.

"Avi" untag niya sa'kin.

"Yes? may kailangan ka?" tanong ko nang lumingon ako.

"I-" ha?

"A-ah nevermind" sabi niya sabay buntong hininga.

"Ano nga? muntanga naman oh" inirapan ko siya.

"I don't know how to say this" pagdadalawang isip niya.

Sinenyasan ko siyang kaya ko maghintay.

Napabuntong hininga siya ulit bago tumingin sa'kin.

"Okay"

"You know that we didn't start right. I mean, magulo ang unang pagkikita natin but I want to ask you about something" he said na halatang nahihiya dahil namumula ang kanyang tenga.

Wait. na cu-curious ako. Ayoko mag assume.

Manliligaw na ba 'sya?!

"A-about what?" I asked.

"I want to be friends with you"

Ay yun naman pala! napaka assuming talaga Avi! buti di ka napahiya gaga ka.

Umiiling iling ako.

"Wait. Is that a no? ano kailangan kong gawin? bakit ayaw mo?" sunod sunod niyang tanong.

"No! I mean yes, it's okay tsaka hindi pa ba tayo friends sa lagay na 'to?" paliwanag ko sabay tawa.

Napakamot naman sya ng ulo at tumawa kinalaunan.

Waves of Memories Where stories live. Discover now