Chapter 22

270 4 0
                                    

"Mnemosyne, nasa location ka na ba?" tanong ni Camille.

Tanong ni Camille mula sa earpiece na suot ko.

I am parking my car beside the street.

"Yes, kakarating ko lang. Mag o-observe lang ako dito. I'll update you pag may napansin akong kahina hinala" sagot ko sakanya.

"Okay" sabi niya.

Namataan ko ang isa sa mga target namin kaya sinundan ko ito.

As I was walking along the streets of Rizal, I saw a familiar face, no. I saw my greatest nightmare. I saw the man who left me. I saw the one who promised to stay through ups and downs.

I was stunned. Nanlalamig ako at hindi mapakali. Kailangan kong umalis, hindi na dapat kami magkita.

Habang naglalakad ako at magulo ang isip hindi ko namalayang muntik na akong mabangga ng sasakyan, buti nalang at may humila sa'kin.

"Are you okay?" tanong nya.

"Yes" Hinarap ko sya upang magpasalamat.

Pero parang gumuho ang mundo ko at nanunubig ang aking mga mata.

"Avi?" untag niya saakin.

"No" bulong ko.

"What?" tanong naman niya.

"I mean no, how can I be okay after you left me? paano ako magiging okay after what you did?! Iniwan mo 'ko sa panahong walang wala ako at alam mong kailangan kita 'non!" sigaw ko sa kanya.

I saw pain in his eyes

No, it's not pain, it's just pity.

Tinitigan ko siya sa mata.

"Sa lahat ba naman ng pwedeng humila sa'kin bakit ikaw pa? You should've let me. Hinayaan mo na sana akong mabangga kesa makita yang pagmumukha mo" I said then walk away from him.

Mabilis kong nilisan ang lugar habang umaagos ang mga luha sa'king mata.

Mapait akong ngumiti.

Ang malas nga naman oh, sa dinami-dami ng pwedeng humila sa'kin, bakit sya pa?

"Camille, papuntahin mo ang ibang tauhan natin dito. I have an emergency" sabi ko sa earpiece habang nanginginig ang boses ko.

"Are you okay?" tanong niya na may halong pag-aalala.

"Yes. Please tell them to come here ASAP. Malapit na matapos ang transaction" sagot ko sakanya.

"Sige. I'll see you tomorrow" sabi niya.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito. Hindi ko inantala ang mataong lugar at binusinahan lamang ang lahat ng muntikang mabangga.

Tangna naman kasi. Akala ko ba okay na ko? 6 years na eh.

Tuloy tuloy ang pag agos ng aking luha. Bakit ba hindi to nauubos?

Ano ba namang buhay to. Naging masaya ka lang saglit, babawiin agad. Ganon ba talaga kahirap sumaya? Nakakapagd naman.

I called Luna.

"Luna, busy ka ba?" I said while sobbing.

"No. Are you okay? you want someone to talk to? you can come here at my place" sabi niya.

"Can I? I really need you now" tanong ko.

"Of course, come here we'll talk" sagot niya kaya tinahak ko ang daan patungo sa bahay nila.

Nakita ko siyang nag aabang sa labas ng bahay nila kaya agad kong pinark ang sasakyan.

I ran to her and hugged her tight.

"Anong problema?" she said while caressing my back, comforting me.

"Let's go inside first please" sabi ko kaya giniya niya ako papasok ng bahay at dumeretso sa kwarto niya.

The moment we entered her room. She asked me.

"So ano nga?" tanong  iya.

"I saw him Luna" I answered.

"Anong nangyari? May sinabi ba siya sayo?" tanong niya ulit.

"Wala Luna. I tried to avoid him pero hinabol niya ako. Umiyak pa ako sa harapan niya, nakakahiya" sagot ko.

"Masakit pa rin ba?" tanong niya.

Yumuko ako at humagulgol.

"Oo eh, kaso tangna Luna mahal ko pa rin" sagot ko sakanya.

"It's okay Avi, nandito lang ako, kami ni Rese. You can always cry to us" sabi niya.

"Thank you Luna, I really appreciate it. Simula pa noon kayong dalawa lang talaga yung nanjan sa tabi ko" sabi ko.

"Pero sana nga nakinig nalang ako kay Rese" patuloy ko.

"Shh. He made you happy right?" tumango ako habang pinapahid ang mga luha saking mukha.

"He made you feel special rin naman diba, and the memories you had with him, I know you cherish them wholeheartedly" dagdag niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Balik ka na Avi, hindi na ikaw yan eh. Miss na namin yung masayahing ikaw. You may appear lively but your eyes look dull" sabi niya pa kaya mas lalo lang akong umiyak.

"How? I just want to be happy. 6 years na akong nakakulong sa nakaraan Luna" iyak ko.

"Start over Avi. Do the things you love, even before pa nangyari lahat to" she said.

Tumango ako at nagpasalamat.

We spent the night talking about random things.

3am na akong naka uwi sa bahay kaya agad akong natulog.

-

What time na ba? I asked my half asleep self.

I reached for my alarm clock at nakitang 11:36 a.m na.

Wait what? 11??

Agad akong napabangon at tinampal ang aking noo. Gaga late na late na ako!

I immediately called Camille.

"Camille, i'm sorry absent ako ngayon" bungad ko sakanya.

She laughed.

"It's okay, so kamusta na? are you feeling okay?" she asked.

"Yes. May importante bang gagawin ngayon?" sabi ko.

"Wala naman, about the operation kagabi. May konting problema lang" she said.

"What? May nakakita bang civilians sa mga tauhan natin?" tanong ko.

"Yes and apparently gusto nilang magsumbong sa pulis" sagot niya.

What the hell?

"I'll go to the office now. Kukunin ko yung information about those civilians. Pupuntahan ko sila" sabi ko sakanya.

"Are you sure? We can handle them naman" tanong niya.

"Yes. It's my fault kaya nagka ganon so aayusin ko lang. I'll be there at one" sagot ko at nagpaalam na para mag- ayos.

Pagkapasok ko sa cr ay napa atras ako.

Sobrang laki ng eyebags ko tas namumula pa mata ko. Di kakayanin ng concealer to!

Paniguradong aasarin ako ni Camille pagkarating ko don. Aish bahala na! Makaligo na nga.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba.

"Hija, bakit ka nakasuot ng ganyan? hindi naman mainit sa labas" Yaya Mae said.

"Nothing yaya, trip ko lang" palusot ko sakanya at mabilis na lumabas ng bahay para pumunta sa HQ.

This will be a long day for me. Again.

Waves of Memories Where stories live. Discover now