Chapter 6

509 8 0
                                    

"Dad?" I called.

"Yes, sweetheart?" he said.

"Ano po nangyayari? bakit nandito sila tito Lexus?" bulong ko sakanya.

He looked at me seriously.

Kinakabahan ako. Masama ang kutob ko sa rason kung bakit kami nandito.

"Kasi anak, napagkasunduan namin ng Tito Lex mo na magfamily dinner para na rin makapag catch up since hindi kami nakapag usap ng maayos nung birthday niya. He also suggested na kung pwede ay i reto kita kay Lukas". mahabang litanya ni dad.

Napakunot agad ang aking kilay.

"I'm sorry I didn't tell you sweetie. Pero kase, I thought na okay lang ipakilala ka sa anak ni Lex. Wala ka namang boyfriend diba?" he said.

"And besides, Lex told me that you and Lukas already know each other. So I thought it will be okay" he added.

Wow. I can't believe this.

"Dad, I never thought na gagawin mo 'to sakin. Ano? i re-reto mo ako? alam mo naman na ayoko ng ganon" sabi ko.

I tried to remain calm.

I hate this. Sa lahat ba naman ng ayaw ko ito pa ang ginawa nila. Akala ko di aabot si dad sa puntong ito.

Napailing ako at tinignan si mom.

"I'm sorry sweetheart akala namin magiging okay lang sayo" dagdag ni mom.

"What pati ba naman ikaw mom?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"I'm sorry sweetheart" ramdam na siguro nila na nagagalit na ako.

Tito Lexus and his family is quiet. Alam nilang hindi sila dapat sumali sa pag uusap namin.

"I'm sorry mom but i'm really disappointed. Please excuse me" sabi ko.

Lumingon ako kina tita at tito ag nagpaalam.

"Tito, tita i'm really sorry. I need to go now ayoko pong mauwi sa away 'to. I hope you understand"

They nodded and smiled.

"It's okay hija, we understand" sabi ni tita.

I quickly get my things then walk away.

The cold wind welcomed me as I walked out of the restaurant. This is insane. I'm disappointed. I don't want to be mad kase alam kong concern lang sila. Pero bakit naman kailangan pang i-reto?

"Punyeta naman oh" bulong ko.

"Bakit naman punyeta?" a voice said.

"Ay shet! mukhang palaka!" sigaw ko habang humahawak sa dibdib ko.

"Do I look like a frog?" tanong nya.

"Oo, bakit? may angal ka? tsaka bakit ka ba nanggugulat ha?" sabi ko at tinaasan siya ng kilay.

"I'm sorry" saad nya.

Nagulat naman ako at tumingin sa kanyang mata habang patuloy na namamangha.

"Wow. Marunong ka na pala mag sorry? eh sa pagkaka alam ko parang labag sa loob mo sabihin ang salitang 'yan" sabi ko.

Inirapan niya ako.

Ay shet bakla ba 'to? May pa irap irap pang nalalaman.

"Teka nga muna" pag iiba ko sa usapan.

"Alam mo bang magkikita tayo ngayon?" tanong ko sakanya.

"Yes, my dad told me about it the other day" he said casually.

Waves of Memories Where stories live. Discover now