Chapter 20

297 7 0
                                    

Sorry for the late update, naging busy lang!

Happy reading xoxo!
••

I woke up. Hinawakan ko ang aking mukha at napansin ang tuyong luha. Ikaw ba naman mapanaginipan mo lahat ng masamang nangyari sa buhay mo.

It's been 6 years.

Napailing ako at inisip nalang na may mas importanteng bagay pa akong dapat pagtuonan ng pansin.

I got up and took a shower. 5:30 a.m pa lang kaya naisipan kong magluto ng breakfast para samin ni mom.

Mom and I left 6 years ago, after the burial of dad. We went to the states and stayed there until I graduated. Bumabalik din naman si mom dito sa Pilipinas para ihandle ang mga business namin.

Tinuon niya na ang kanyang pansin sa business para daw maalagaan niya ang mga memorya ni dad. Kahit na sobrang busy niya, hindi siya nawawala sa mga importanteng okasyon.

I graduated with Latin honors kaya naman sobrang proud ni mom. Ngayon, umuwi ako para ako na mag handle sa organization.

I cooked fried rice with bacon and eggs at nagtimpla ng hot choco. I really love eating breakfast lalo na pag bacon ang ulam.

At first, nag hesitate akong umalis kasi hindi pa maayos lahat. We lost dad, I got cheated on and no one can handle  the organization. But my friends convinced me na kesyo I need the break and that I need to start over. They assured me na kaya nilang ihandle ang organization kaya naman sumang-ayon ako sa plano ni mom.

"Mom, breakfast is ready" tawag ko sakanya.

"Go ahead anak, tapusin ko lang 'to" sagot niya habang patuloy na nag e-exercise.

I'm glad that mom is taking care of her health and body. Tumango ako at nag thumbs-up sakanya. Umalis na ako para kumain.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa HQ.

I decided to carry on my duty as the head of organization. Ito ang binilin sakin ni dad kaya kailangan kong panindigan.

Pagkarating ko ay agad akong binati ng lahat.

"Goodmorning Miss. Welcome back" malugod nilang pagbati.

I smiled and waved at them.

"It's so good to be back. I'm glad that this place didn't changed" sabu ko.

"Of course, para talaga ma preserve ang memories ni tito" rinig kong sabi kaya napalingon ako.

"Athena!" sabi ko sabay hug.

"Omg, you're so pretty na!" dagdag ko.

"Amplastik mo naman Mnemosyne, nagkita tayo last month wag kang oa" sabat ni Gaia.

Tumawa lang ako at hinampas si Gaia.

"Panira ka talaga Gaia, pero alam mo naman si Athena pag nasabihan ng maganda nanglilibre" sabi ko.

"Ewan ko sayo Mnemosyne amplastik mo talaga" sabat ni Athena.

"Err. Hindi pa rin ako sanay sa accent mo Mnemosyne" arteng sabi ni Gaia.

Tumawa lang kaming lahat.

Nakita ko ang lahat ng teams na present sa oras na ito.

"I'm really happy na nandito kayong lahat" sabi ko.

"Ikaw pa ba miss? tsaka malakas ka saming lahat eh" sagot ni Niko, isa sa myembro ng Alpha Team.

"Bolero ka talagang bata ka" sigaw ni Ashley na ka grupo niya.

Napakamot nalang ng ulo si Niko at umalis dahil tinawag siya.

"So how's life? Okay na ba ang puso?"

Lumingon ako kay Camille na nagtatanong sa'kin.

"Ofcourse. It's been 6 years. Nakakatawa naman kung naka move on na siya tas ako wala pa, tsaka our relationship lasted for months only" mahabang litanya ko.

"Alam mong wala sa tagal yan Mnemosyne" pangangaral niya kaya sumimangot ako.

"Ano ba naman Camille hotseat agad kakabalik ko pa lang eh" reklamo ko.

Humalakhak naman silang tatlo sa naging reaksyon ko. Now i'm starting to wonder.

How is he? Okay lang ba siya? Sila pa ba nung pinalit niya sa'kin?

I can't help but wonder.

Nagpaalam silang tatlo dahil may kailangan pa silang asikasuhin.

Athena is now a lawyer. Tama lang sa kanya kasi napaka ingay at ang galing mambara. Gaia is now a chef, just like a mother.

Ewan ko sakanila, out of the blue nalang na naisipan nila na yun ang kunin nilang course nung college.

I end up taking Business Management in college. I have a choice but I wanted to help mom, para naman may alam ako sa takbo ng mga negosyo namin.

Tinigil ko ang aking pag babalik tanaw at dumiretso sa office para magtrabaho.

Pagkapasok ko pa lang ay agad na bumagsak ang akong balikat. Shuta naman ba't andaming pipirmahan!

Napabuntong hininga ako at umupo para masimulan na ang trabaho. Na realize ko na sobrang hirap pala ng trabaho ni dad pero kahit minsan hindi ko naramdam na wala siyang oras saamin.

I really hope you're in peace dad.

Tinuon ko ang aking atensyon sa mga papeles na nasa harapan ko. Di ko namalayan ang oras kaya nagulat ako ng tumunog aking tiyan. Napatingin ako sa relo ko at napagtantong tanghali na pala. Ang bilis nga naman talaga ng oras.

Someone knocked on the door.

"Come in" sabi ko.

Niluwa nito si Camille na may dalang bag ng pagkain.

"Alam ko gutom ka na at hindi mo namalayan ang oras kaya eto na" diretsong sabi niya bago pa man ako makapag salita.

Tumawa ako at sumagot, "Alam na alam mo Camille ah".

"Anyway, may mission ba para bukas?" tanong niya.

Tiningnan ko ang aking listahan at nakita ang isang mission na naka date bukas.

"Yes, it will be on Rizal. Simpleng transaction lang naman kaya ako na ang bahala" sagot ko.

"Okay, sige alis na ako para maka kain ka na" paalam niya sakin kaya tumango ako.

Mabilis kong inubos ang aking pagkain para magpatuloy sa trabaho. Nasa kalahati na naman ako kaya tingin ko di ko na kailangan mag overtime.

4 pm pa lang ay natapos ko na aking trabaho kaya mabilis kong niligpit ang aking gamit at tumayo para umalis. Naabutan ko sa second floor ang mga tauhan namin na maayos na nagtatrabaho.

"Jean, please tell Camille that I left. May pupuntahan pa kase ako" sabi ko sa babaeng nakasalubong ko.

"Copy, miss" sagot nito at yumuko.

Naglakad ako palabas at pinaandar ang aking sasakyan.

Mabilis kong nilisan ang siyudad at pumunta sa paboritong lugar na pinupuntahan ko mula pa noon.

It was the same beach where everything started.

The cold breeze embraced me habang naglalakad patungo sa dalampasigan. Grabe napaka ganda talaga sa lugar na to, malayo sa polusyon at nakaka- kalma.

Hinubad ko ang aking heels at umupo sa puting buhangin. Matagal na simula nung huling pagtapak ko dito pero hindi pa rin nawawala ang ganda ng lugar na'to.

Just like what I was afraid of, I started to reminisce the beautiful memories we had here. I remember his chuckle, his smile, and his warmth kaya naman napayakap ako saking sarili.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sa mga susunod na araw o linggo. Maliit lang ang mundo kaya hindi imposible na magkita kami.

After few more minutes, I decided to stand up and go back to the car. Uuwi na ako dahil maaga akong gumising at pumasok kanina.

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto at nagpahinga.

Waves of Memories Where stories live. Discover now