Chapter 13

354 9 0
                                    

Nandito ako sa labas ng bahay. Lagpas alas 11 na ng gabi pero nagmakaawa si Lukas na makipag kita sa'kin.

"I already told you na ayaw ko sayo" bungad ko sakanya.

"I know Avi, but please let me prove my self to you. Just please give me a chance. I promise na gagawin ko lahag ng gusto mo" pagmamakaawa niya.

"Lahat ng gusto ko?" tanong ko at agad siyang tumango.

"Then leave me alone" sabi ko at blangko siyang tinignan.

"No, not that. Please i'll do my best Avi. Just give me a chance" sabi niya ng nakayuko.

Please Lukas, just stop. Ginagawa ko 'to for you and your safety. I can't risk everything.

Narinig ko ang mahinang hikbi niya kaya mas lalong sumakit ang aking dibdib.

Agad naman akong napahikbi kaya inangat niya ang kanyang tingin at niyakap ako.

"I'm sorry please don't cry. If you want me to go, I'll go just please stop crying.  Hindi ko kayang nakikita kang umiiyak" he said while still sobbing.

Umiling ako. Please naman lumayo ka na Lukas. Putangina ang rupok ko. Ayokong masaktan ka kaya lumayo ka na.

"No. I'll give you a chance" sabi ko sabay angat ng tingin sakanya ngumiti.

Agad na nanlaki ang kanyang mata at pinahid ang kanyang mga luha.

"Really? please wala ng bawian Avi" he said na halatang di makapaniwala.

I nodded. He hugged me so tight and kissed my forehead. Napapikit ako at napa isip.

Tangina bahala na si batman!

Sinabihan ko siyang umuwi na dahil maaga pa siya bukas para sa training nila. The day after tomorrow kasi ang game nila na magaganap sa school namin.

Tumango naman siya at niyakap ako. Grabe ang bango parang naadik ako sa amoy niya. Kumalas ako sa yakap at nagpaalam.

"Good night Lukas, drive safely" I smiled.

"Good night Avi, thank you so much. Sleep tight" he answered at pumasok na sa sasakyan.

I waved goodbye and go back to my room. Pagkahiga ko ay mabilis kong sinabunutan ang sarili. Shuta naman Avrielle! iyak pa lang ang rupok mo na pa'no pa kaya pag lumuhod 'yon?

Nakatulog ako kakaisip sa kagagahan ko.

-
"Congrats Janelle and Deanne!" sabay naming sigaw nila Rese at Luna.

Agad naman kaming niyakap ng dalawa kaya nagsitawanan kami.

"Mamaya na diba ang game nila?" Tanong ni Deanne.

"Ah yes, Luke texted me himala nga daw kasi ganado si Lukas. I wonder what happened" sabi ni Luna at binalingan ako ng tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay. Ambilis naman talaga makasagap ng chismis.

"What?" patay malisya kong tanong.

"So you gave him a chance? tama ako diba?" pagyayabang na tanong Rese.

Tumango ako kaya nagtilian naman silang apat.

"Finally after a month kinausap mo rin" Napabuntong hininga pa na sabi ni Luna.

So bakit parang kasalanan ko?
Inirapan ko lang siya at niyayang pumunta na sa Gym para maka pwesto bago pa mapuno.

"Blooming mo bes, 'wag ka namang pahalata na inlove ka" panunukso ni Rese.

"Oh shut up, baka ikaw nga 'jan eh" balik ko sakanya.

"Oo nga, Rese ang blooming mo rin lately 'ah" singit ni Deanne.

Binatukan niya kaagad si Deanne kaya napa aray ito.

"Bakit ba? totoo naman eh" pagreklamo ni Deanne.

"You know what manood nalang tayo" pag iwas niya.

Babaeng 'to halata naman na inlove!

Let's Welcome our Guests for today's Basketball Match! Give it up for Adamson University!

Sabi ng commentator kaya agad namang nagsigawan ang mga fans especially the girls na tumitili pa.

Tumingin naman ako sa mga papasok na players but when my eyes landed on Lukas, damn so handsome. Napansin ko ang pag init ng aking mukha kaya tinakpan ko ito ng panyo.

Buti nalang busy kaka tili ang apat na katabi ko.

Nagtama ang aming paningin at kinindatan niya ako. Lalo akong kinilig at napansin kong hinahampas na rin ako ni Rese dahil nakita niya ito.

Agad namang humupa ang tilian at mabilis na napalitan ng mas malakas na sigawan.

Give it up for our own team! Seinford University's Knights!

Agad naman na sinimulan ang laban kaya mas lalong na excite ang lahat.

Pantay lang ang laban pero parang ginawang training lang ito ni Lukas.

3 points from Jersey no. 5!

Yes, si Lukas ang jersey no. 5. Pwede bang bakuran si Lukas? dumadami na ang fans eh tsk.

Busy naman kaka cheer si Luna kay Luke. Sila Janelle at Deanne naman ay nag chi-cheer din para kay Jaxon at Shawn na mga jowa nila. Classmate din namin 'yung dalawa.

Si Rese, halos lahat yata ng gwapo sa paningin niya ay chini- cheer with flying kiss pa. Ang landi talaga!

4th quarter na at nagiging malaki na ang lamang ng Adamson University kaya naman naging tahimik ang lahat ng fans ng school namin. It was Lukas and Luke's points that made the lead bigger. May pa kindat at turo pa sa'kin si Lukas kapag naka puntos.

Natapos ang laban na may score na 120-95 lamang na lamang sina Lukas.

Mabilis kaming tumakbo papuntang court at agad naman akong sinalubong ni Lukas ng yakap.

Ay shet ang bango kahit na pinagpapawisan!

"Congrats Lukas! you did great I'm so proud!" sabi ko sakanya.

"Of course sinong di gaganahan kapag chini-cheer mo, Thank you for supporting me" he answered and kiss my forehead.

Nakarinig naman kami ng 'SANA ALL' 'WHEN KAYA' at iba pa.

Nagtawanan naman kami ni Lukas.

"Can you wait for me? I'll just change my clothes then we'll eat" paalam niya.

"Of course. I'll be waiting at the bleachers, just take your time" sagot ko.

Agad siyang tumakbo sa Locker Room ng Gym at nagpalit.

"Bes, una na ako ha may kikitain pa ako eh you know na" paalam ni Rese sabay kindat.

"Sure. Ipakilala mo na next time ah" sagot ko at tumawa.

"Next time na pag sure na" sagot niya at tumakbo paalis.

Nakita ko naman sina Janelle at Deanne kasama ang mga boyfriend nila kaya kumaway ako sakanila.

Kumaway sila pabalik at sumenyas na una na sila.

Kinalabit naman ako ni Luna kaya napalingon ako.

"Bes, una na din kami ni Luke ha, date daw kami eh" paalam niya.

"Sure bes, i'm still waiting for Lukas eh" sagot ko.

Nakita kong papalapit na si Lukas kaya tumayo na ako para salubungin siya. Agad niyang kinuha ang bag ko at binitbit ito.

"Hey, I can carry my bag naman" reklamo ko.

"I know, gusto ko lang bitbitin" sagot niya at inakbayan ako.

"So san tayo ngayon?" tanong ko.

"Sa Max's tayo then watch movie. Ok lang?" sagot niya kaya agad naman akong tumango.

"I like that!" sabi ko.

Ngumiti naman siya at inalalayan akong makapasok sa sasakyan.

Waves of Memories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon