Chapter 4
.
.Pagkatapos kong makipag-bangayan kay Aubrey ay tumawa ang mga kaibigan ko. Ang ibang students naman na kaninang nakatingin sa gawi namin ay kumakain na.
"Noona, you're really good at that department. Makipag-bangayan department. Hahaha." Sabi ni Clyde at umakbay sa akin.
I looked back at Aubrey and Dianne who's last on the line.
Nakabusangot ang mukha ni Aubrey. At si Dianne naman ay parang pinagagalitan si Aubrey. Mabait kasi si Dianne. Si Aubrey lang talaga ang maarte at mahilig sa away.
"Dongsaeng naman. Hindi naman masyado ehh. Slight lang." Sabi ko sabay nag slight sign. "Hahaha"
"Asus. Si Noona, pahumble pa." Gatong ni Clyde.
"Bes, dapat binaitan mo pa." -Heazel.
Tumatawa siya. May kumalabit naman sa kanya at hinarap niya yun.
"Zhen, I'm so proud of you. Don't worry haharanahan kita mamaya." Earl declared. I act na parang nasusuka.
"Ughh. Nakakasuka ka naman. Ang pangit kaya ng boses mo. Parang boses nang dagang naipit sa pinto." Mataray kong anas. "Tsaka kung mayroon ka mang dapat haranahan hindi ako yun. Siya yun." Nginuso ko si Heazel na kinakausap ng gwapong lalaki na nasa likod nila sa pila. Hindi na naka-arisbyete ang kamay nito sa braso ni Earl. Nakikipag-tawanan siya doon sa lalaki.
Nilingon naman ni Earl si Heazel na may kausap na lalaki. Nagdilim ang mukha nito.
'Galit na siya niyan?' panunuya ng isip ko.
Kinalabit ako ni Clyde.
"Noona, ako nalang ang o-order para sa atin. Mauna na kayo doon sa table para mabilis. Libre ko na din kayo. Tsaka parang mangangain si Earl ng buhay ehh." Bulong ni Clyde sa akin at tumango naman ako.
"Galit ata. May ibang katawanan si Heazel ehh." I shrugged.
"Baka nga." He shrugged.
"Sige, Noona. Doon na kayo pumwesto oh." Turo niya. "Tawagan niyo nalang din si Cerisse para makasabay na siya sa atin tsaka si Sapphire, try mong tawagan."
"Sige dongsaeng. No problem." Tinapik ko na ang balikat niya at hinarap si Heazel at Earl Angelo.
"Hahahahaha. Nakakatawa ka talaga. Ano ba yan! Hahaha. So ganun na yun? Lampa siguro siya? Kaya laging nadadapa. O kaya naman lumilindol sa paligid niya mag-isa!" Malakas na tawa ni Heazel.
I looked at Earl Angelo. Nakakuyom ang kamao niya. Mukhang naiinis na.
At bago pa man maubusan ng pasensya tong isang to tinawag ko na si Heazel.
"Hey, babe." Tawag ko sa kanya. She looked at me while still laughing a little.
"Yup? Bakit babe? Need anything?" Baling niya sa akin.
"Doon na tayo oh." Tinuro ko sa kanya ang pwestong tinuro ni Clyde kanina sa akin. "Siya na daw ang bahala sa mga order natin. Libre niya na daw." Sabi ko.
"Ahh. Sige" ngumiti siya. Tinawag niya ang lalaking kausap niya kanina.
'parang familiar siya. Basketball player ata to ehh.'
"Jade, gusto mo bang sumama sa aming kumain?" Tanong ni Heazel sa Jade na kinausap niya.
"WHAT?!" singhal ni Earl. "Are you kidding me?"
"Sinong nagsabi sayo na nagjo-joke ako?" Malambing na sagot naman ni Heazel sa kanya.
"Ewan ko sayo." Dabog ni Earl at tinungo ang daan papunta sa tinuro kong uupuan namin.
أنت تقرأ
When The Sun Sets (R18)
عاطفيةWould you believe me if I say that I hate sunsets? Yes, it is a beautiful scenery that could take place in any person's heart. But for me I hate it. Saksi ang paglubog ng araw noong nabuo ang puso ko. At saksi rin siya noong nawasak ang puso ito. D...