KABANATA 6

1.2K 50 6
                                    

Inis na inis ako dahil sa hirap tanggalin ng red lipstick na suot ko ngayon, hindi ko maiwasang sumagi sa isip ko ang nangyaring scenario kanina.

At pala-isipan pa rin sa akin kung bakit gusto nya akong tanggalin sa trabaho ng ganun kabilis ni hindi pa nga ako nagsisimula sa kanya.

I sigh..

Nagsimula na akong maghugas ng kamay ng malagay ko sa paper bag na dala ko ang wig na aking ginamit kalakip ng dress na sinuot ko.

Halos mabaliw na ako kakaisip kung saan pa ako mag-aapply ng trabaho dahil ang huling pera ko ay nilaan ko na para sa pamasahe ko papuntang kompanya na pinag-aaplyan ko.

Naputol ang pag-iisip ko nang may rumihistrong numero sa cellphone ko unknown no. pero napag-isipan ko pa ring sagutin ito.

"Hello? Thank God sinagot mo agad! Anyways this is Liel remember?" Napakunot naman ang noo ko.

"Oo, napatawag ka Liel?"

"Your hired again, mag-simula ka na raw bukas sabi ni Ma'am and take note ayaw nya ng late" Napasinghap ako.

"Totoo ba yan Liel pero teka bakit daw?"

"Anong bakit? jusko wag ka na mag tanong at hindi ko rin alam! Vaklang toh! Ikaw pa lang nababalik na naalis na sa kompanya basta wag kang malalate bukas oh sya tulog na ulit ako"

Inayos ko ang facemask at cup na suot ko pati na rin ang jacket kong hoodie, ayaw kong may makakilala sa akin.

Dinampot ko ang paper bag at pumuntang office ni Dc. Suarez, ang nakatokang tumingin sa kapatid ko sa araw na ito.

Huminga muna ako ng malalim ng nasa tapat na ako ng office ni Doc.

Kumatok ako ng ilang beses bago pinihit ang sikundora ng pinto at pumasok, nakita ko ang matandang naka-uniporme at nakangiting tinignan ako.

"Good morning Doc. Kakamustahin ko lang sana kung ano na ang lagay ng kapatid ko"

"He's doing great, Thanks for the efforts para lang maging better ang pakiramdam nya pero iho hindi sa nanghihimasok ako ha? Hanggang kailan mo papaniwalain sa kasinungalingan ang kapatid mo?" napatigil ako.

"Hanggang kailan mo papaasahin na buhay pa ang Kuya Zack nya?"

"Hindi ko rin alam Doc, hindi ko rin alam ang gagawin ko. Kung hindi ko ito gagawin lalong lalala ang kondisyon nya, ayaw kong mangyari iyon Doc"

"Malaki ka na alam mo na ang tama at mali at naniniwala akong ginagawa mo lang ito para sa ikakabuti nya, pero sana wag mong hintayin na kamuhian ka nya dahil sa kasinungalingang pinamulat mo sa kanya"

Bagsak balikat kong nilisan ang silid na iyon at dumiretso sa kwarto ng kapatid ko, sinilip ko sya na sa ngayon ay nasa kalagitnaan na ng tulog nya.

Buong hapon sya nagwala ng malaman nyang wala ako sa tabi nya at kumalma lang ng makita ako.

Napangiwi ako, hindi pala ako si Zack.

He's too young para sa gantong bagay kung kaya ko lang kuhain ang sakit na nararamdaman nya'y ginawa ko na.

My brother is suffering from trauma.

Gawa ng trahedyang nangyari sa amin, My Mom and my step-brother Zack died dahil sa sunog.

Mom was drunk ng mangyari ang sunog Zack was there taking care of our little brother and my Mom.

While me enjoying party walang pake sa pamilya, sa lahat. Not until nangyari ang lahat. Mom and Zack died, my brother got a trauma.

Nagulat ako ng mag ring ang cellphone ko, it's Liel.

"Shuta ka Vakla, your late na! Nasan na ba you? Gusto mo ba matanggal ulit? Mabuti wala pa dito si Ma'am! Anyways parating na iyon pumasok kana! Mygod Cassie! First day na first day sinabihan ki-"

Hindi ko na pinatapos si Liel at tumakbo na ako papuntang exit ng hospital pero sa di inaasahan sa pangalawang pagkakataon ay dinalaw ulit ako ng katangahan f*ck kung kailan nagmamadali ang tao!

Dinampot ko ang paper bag pati ang wig na nagkalat sa sahig bat kasi hindi tumitingin sa dinadaanan ito.

Napatigil ako ng marinig ko ang boses nito, Wait si Ma'am Kiana ito diba? Jusko bawal nya akong makita!

"WHAT THE FUCK!" pero bago pa sya makatayo ay agad-agad akong kumaripas ng takbo patay ako nito pag nalaman nyang ako yun!

Goodbye work agad

for the second time.

--------

Napipikon na ako kay Daddy dahil kanina pa tawa ng tawa dahil sa nai-kwento ko kanina, nagtataka sya dahil may pasa ang tuhod ko at ayun nai-kwento ko sa kanya ung nangyari kaya ayan tawang-tawa bakit daw kasi tumakbo yung lalaki may naiwan pang wig sa sahig.

"Urghhh, Daddy can you just stop? You're so annoying" inis kong sambit.

"Why Kiana? Tumatawa lang naman kasi ako dahi-" ngunit di na nya naituloy ang sasabihin nya ng tumayo na ako.

"Daddy mauuna na po ako, malalate na po ako sa kompanya di bale po at babalik po ako dito mamaya after work, pagaling po kayo Dad" sabay halik sa pisngi nya.

"Oh sge anak mag-iingat ka baka mabangga ka na naman" sambit nya sabay ngiti habang kumakaway at tumataas-taas pa ang isang kilay animo'y nang aasar.

Umalis na ako sa kwarto ni Dad at napabuntong hininga.

"Magbabayad kang bakla ka, pag nakita talaga kita sasabunutan kitang chaka ka!" banggit ko habang nanggigigil kong hinawakan ang wig na naiwan nya kanina.

Who The F*ck Are You!?

A/N:
Hello ebriwan nagbabalik ang pinagpalit chos! Sorry pala kung ngayon lang nag ud busy din kasi sa personal life at pagpasensiyahan nyo na rin kung may makikita kayong mga typo errors, so ayun thankyou sa pag iintindi and keep safe wuvyou all mwuahh! Btw stream What MV ng SB19 HAHAHA angas non pramis!

-Kiko🚬

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon