KABANATA 9

883 40 0
                                    

Isang buwan na ang nakalipas nang mag-trabaho si Kael sa aking kompanya di ko lubos maisip na tatagal sya ng ganito katagal dahil ang buong akala ko ay bibigay na sya agad sa unang linggong pagpapahirap kong ginagawa sa kanya ngunit nakikita ko sa kanya ang pagka-determinado ni minsan nga'y di nya nakuhang sumimangot o mainis sa ginagawa kong pagpapahirap sakanya.

Hindi ko na alam kung ano pa ang kailangan kong gawin upang sumuko sya at palaisipan pa rin sakin na sa kabila ng pagpapahirap kong ginagawa sakanya ay nakukuha nya pa ring ngumiti sa tuwing uutusan o papahirapan ko sya na mas lalong kinakainis ko, Arghh!

*SIGH*

Kinakain ako ng sarili kong curiosidad.

Ano bang dahilan mo? Bakit di ka pa rin sumusuko?

Batid kong malalim ang dahilan nya sapagkat kung normal na empleyado lamang sya ay baka tatlong araw o minsa'y wala pang isang linggo ay nag resign na sya pwede ring sungitan nya ko dahil sa asal na pinapakita ko sakanya at ichismis ang ginagawa kong pagpapahirap pero hindi, hindi nya ginawa!

Alam kong may malalim syang rason.

Kung ano man yang rason mo Kael, malalaman at malalaman ko iyon.

Masama ang kutob ko sa kabaitan ng isang yun feeling ko may pina-plano sya, to good to be true ang pinapakita nya.

--------

Bumalik na lamang ako sa tamang huwisyo nang ako'y makarinig ng iyak ng isang bata. Sinundan ko kung saan nang-gagaling ang iyak na 'yon at nang makarating na ako sa lugar na pinag-gagalingan ng ingay ay nasa chapel na ako ng hospital ngunit ang naka-agaw ng atensyon ko ay ang isang batang lalaking umiiyak mga nasa apat na taon na ito.

Nakasalampak itong naka-upo sa sahig at walang katapusan ang kanyang pag iyak.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman dahil parang may parte sa puso ko ang kumirot habang pinapanood ang batang ito.

Nilapitan ko ito upang kausapin dahil hindi mapapanatag ang kalooban ko kung iiwan ko lang itong umiiyak dito.

"Hey! Sweetie, why are you crying?" bungad kong tanong na syang kina-angat ng ulo niya.

"Who are you? You are not my kuya! Leave me alone!" sigaw nya.

"P-Please talk to me. Maybe I'm not your kuya but I can be your ate" wika ko ng may bakas na pag-aalala saking boses.

"I don't need your sympathy! I need my kuya!" paghagulgol niya.

This young kid is intelligent. He can speak and understand English in such young age.

"Where's your parents? Wala ba sila dito?" tanong ko.

"They don't love me anymore. Wala na silang pakialam sakin si kuya lang ang nagmamahal sakin" lungkot niyang saad.

Parang may parte sa puso ko na bumigat sa kataga nyang iyon.

"Shhhh...Sweetie, mahal ka nang mga yun. I promised! And Oh take this" sabay abot ko sa kanya ng lollipop.

"My mom once said sweets can cure sadness" ngiti kong saad.

"T-Thankyou, ate?" tanong nya.

"Kiana, Call me Ate Kiana" ngiti kong tugon.

There's something special about this kid, pansin ko'y kanina pa magaan ang loob ko sa kanya.

Nilahad ko ang aking kamay upang sya'y itayo pagkatapos nun ay nagsalita ako.

"Let's pray baka malay mo dumating na maya-maya ang kuya mo kapag nag-pray tayo"

Ngiti lamang ang tinugon nya at nag-simula na kaming magdasal.

Nang matapos kami ay may nakita kaming nurse na papalapit sa aming gawi.

Napa-awang ang bibig ng nurse ng makita nyang ngumiti ang batang lalaki pero bigla nya rin 'tong binawi. What's wrong with her?

Katulad nya yung ate kong baliw.

"Bye ate Kiana!" ngiti nyang saad.

"Bye and take care sweetie!" pagpapaalam ko.

Nang makaalis na sila ay bigla kong napagtanto. Shit! Di ko pala natanong ung pangalan nya.

Hays...

Dumiretso na lamang ako sa kwarto ni daddy at tila nakaramdam ng lungkot ng makita ko ang mga tubo na nakasaksak sa kanyang katawan.

Pumunta kasi dito ng isang araw si Tito Rufo, pinipilit nyang kunin ulit ang kompanya kay daddy nang dahil sa stress ay inatake si dad sa puso.

That desperate old man gustong-gusto nya talaga kunin ang kompanya once na may masamang mangyari kay dad hindi nya magugustuhan ang gagawin ko.

Tahimik kong sinara ang pinto at napangisi sa plano namin ni dad.

Nagsimula na akong maglakad palabas ng hospital nang mahagilap ng mata ko si Kael.

What he's doing here? Akmang aalis na ako pero bigla akong napahinto ng makita ko ang hawak nyang paperbag.

That paperbag looks very familiar, hmm...Yun ung paperbag ng nakabangga sakin dati ha?

YOU...YOU ARE DOOMED MR.MONTEVERDE!

Nanggagalaiti kong pinuntahan ang gawi ni Kael, nang mapansin nya akong papunta sa direksiyon nya ay bigla itong ngumiti. Di mo ko madadaan sa mga pangiti-ngiti mo Mr. Monteverde lagot ka sakin ngayon!

"Hi Ma'am an-" hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin nang ako'y magsalita.

"WHY THE HELL ARE YOU HOLDING THAT FUCKING PAPER BAG?!"

A/N:
Hey ebriwan thankyou sa pagsuporta ng aking story, sorry kung matagal sa update pero kakayanin para sa inyo hehe..loveyou guys!

-Kiko🚬

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon