KABANATA 19

431 26 25
                                    

"Mommy gusto ko po sumama sa pupuntahan nyo pleaseee! Preety please mommy!"

"Hindi pwede sweetheart mahalaga ang pupuntahan ni mommy at bawal ang bata doon.

One week lang naman mawawala si mommy eh babalik rin ako agad, kung gusto mo bibilhan na lang kita ng maraming foods, gusto mo yun?"

"Di nyo na ako love mommy! Kaya ayaw nyo ako isama! Huhuhu"

Iyak na sambit ng batang babae na may pigura na kaparehas ko noong bata dahil ito ay may kapareho kong mukha at matabang katawan.

Tumakbo ito palabas ng umiiyak, pagtakbo at pag-iyak ang kanyang ginagawa hanggang sa mapadpad sya sa dako ng parke ng kanilang village.

Mag-gagabi na pero hindi pa rin ito umuuwi kaya mas lalo itong napahagulgol sa pag-iyak pero sa di inaasahang pangyayari ay may batang lalaki ang lumapit sa kanya at tinanong kung bakit daw ba sya umiiyak.

"Why are you crying, may nang-aaway ba sa iyo?"

Pero imbes na sagutin ito ng babae ay niyakap nya ang batang lalaki at humagulgol ng malakas.

Nang tumahan na ang batang babae ay umupo ito sa bench dito sa parke at sinabi sa lalaki kung bakit ito umiyak.

"Si mommy kasi eh ayaw nya ako isama sa pupuntahan nya eh one week sya doon edi matagal sya at wala akong makakalaro"

"San ba si daddy mo? mga kapatid mo?"

"Si daddy busy sa work nya at si Kiera naman ayaw ako kalaro"

Napahinto ang batang lalaki at ngumiti.

"Edi ako na lang ang ka-laro mo! Total wala rin naman ako ka-laro eh"

"Saan naman tayo maglalaro? Baka magalit si Daddy kapag pinapunta kita sa house"

"Ahm edi dito na lang sa park"

"Sabi mo yan ah? Bawal bawian eh ano nga pala pangalan mo?"

"Kael, ikaw?"

"Kiana, pero baguhin natin. Yung tayong dalawa lang ang makaka-alam, ano game?"

"Sge game! pero ano naman ipapalit natin?"

"Kael ahm...Koko At Kiana ay Nana ang ganda diba?"

"Tsk. Sge ikaw bahala -Nana mag-gagabi na mas mabuting umuwi na tayo baka hanapin pa tayo ng mga magulang natin"

"O sge Koko bukas ulit ah?"

"Oo naman Nana byee!"

"Bye"

Umalis na sila sa lugar na iyon na may bakas na ngiti sa labi ng batang babae.

Napagising na lang ako dahil sa sakit ng ulo ko at may bigla na namang sumulpot na scenario sa utak ko.

Wala si Kael ngayon at mag-isa lang ako sa office, pumunta muna ako sa desk nya upang maghanap ng katibayan na kaaway nga sya pero halos magthi-thirty minutes nakong naghahanap ay wala pa rin akong makita.

MS.CEO GAY CODE (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon