CHAPTER 4

1.2K 20 0
                                    

Yannah's Pov.

Matapos kong magpakilala sa harap ng buong klase ay umupo ako sa tabi ni Maggy na  malapad nang nakangiti sakin. Tama kayo nang basa kaklase ko si Maggy at magiging seat mate ko pa, ang katabing upuan niya lang kasi ang bakante e at kung sakali sakanya parin ako tatabi dahil siya lang ang kilala ko dito.

"Hi yanyan im so happy dahil magkaklase tayo hihihi God grants my wish na maging kaklase ka." masayang bulong niya sakin habang sa harap parin naka tingin para hindi kami mapansin ng Professor namin.

"Masaya rin ako dahil maliban sayo wala na ako ibang kilala dito e." sagot ko ng pabulong rin habang nag susulat ng notes.

Nang tumunog ang pamilyar na Bell ay agad ding nag dismiss ang prof namin para mag lunch kaya agad agad na nagligpit ng mga gamit ang kaklase ko at ganun din ako kakazipper ko palang sa bag ko ng biglang may lalaking tumigil sa harapan ng upuan ko kaya tiningala ko siya.

"Hi Yannah right?" tanong niya nahihiyang tumango ako "Im Troy can we have lunch together? Well gusto ko lang makipag kaibigan." sanay kamot pa niya ng batok na parang nahihiya

Mag iisip pa sana ako ng isasagot ng biglang sumabat si Maggy na nakatayo na ngayon sa tabi ko na ang sama ng pagkakatingin kay Troy bakit kaya?

"hindi siya pwede Troy dahil sabay kami at bawal ka rin makisabay samin dahil may girls talk kami kaya ibang babae nalang ang ayain mo alis." pagtataboy niya kay Troy kaya nakasimangot na umalis ito.

"Maggy bakit mo sinabi yun?" nagtataka kong tanong at tumayo at sumabay sa paglakad sakanya

"well playboy kasi yang si Troy at masyado kang inosente para maging Target ng lalaking yon his a Jerk and i already considered you as my friend na kaya nilayo na agad kita sakanya dahil ayoko masaktan ka your too innocent just to be destroyed by a jerk and playboy like him."

©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now