CHAPTER 11

776 16 0
                                    

Yannah's Pov.

"bakit ang tagal mo naman bumalik? Na late ka tuloy." tanong sakin ni Maggy ng matapos na ang klase namin.

"naligaw kasi ako hehehe." pagsisinungaling ko alam ko masama yun lalo na at sa isang kaibigan ako nagsinungaling pero kasi baka hindi siya maniwala na mabait naman si Damon at hindi masama tulad ng iniisip niya.

Kinakabahan nga ako dahil baka mahalata niya na nagsisinungaling ako ito ang pinaka unang pagkakataon na nagsinungaling ako.

"ganun ba? Sana nagpasama ka sakin anyway pahiram ng phone mo." sabay lahad ng palad niya sa harap ko kaya nagtataka na kinuha ko sa bag ko ang phone ko at binigay sakanya wala yun password kaya mabilis niya mabuksan

"ayan number ko save mo ha." sabi niya at tinawagan ang number ko napangiti nalang ako.

Maliban kasi sa number ni mommy at ng driver namin ito ang unang beses na may number ng isang kaibigan.

"let's go na baka nandyan na ang mga sundo natin." aya niya sakin kaya sabay na kami naglakad palabas ng classroom pero hindi pa kami nakakatagal sa paglalakad ng biglang may bulto ng lalaki ang huminto sa harapan namin.

"D-damon." takot at gulat na tawag ni Maggy sa pangalan niya.

"Ahm...H-hi Yannah may sundo ka ba? Kung wala pwede ako nalang maghahatid sayo?" namula bigla ang mukha ko

"h-hala wag na nakakahiya at saka meron akong sundo...s-si Mommy." nahihiyang sabi ko sa huli at ngumuso at umiwas ng tingin.

"ganun ba....e ihatid ka man lang hanggang sa dumating ang Mommy mo pwede?" magsasalita sana ako pero bigla sumabat si Maggy.

"kung ano man ang balak mo sa bestfriend ko please wag mo nang ituloy she's so innocent to be hurt by you." seryosong sabi ni Maggy pero may halong pangamba

Ngumiti naman ng matamis si Damon bago binaling ulit ang mga tingin niya sa mata ko

"wag ka mag alala i don't have any plans to harm her....she's too precious for me to do that."

©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon