CHAPTER 13

712 14 0
                                    

Yannah's Pov.

Mag isa akong naglalakad sa corridor ng mahagip ng mata ko si Damon na may kaaway kaya nahihiya at kinakabahan man ay lumapit ako ng kaunti sa pwesto nila.



"ano ba ang problema mong g-go ka?" galit na sigaw ni Damon sa lalaking hindi pamilyar na nasa harapan niya na mukhang galit na galit



"anong problema ko? Iyang pagmumukha mo nakipag hiwalay sakin ang girlfriend ko ng dahil sayo." nagulat ako ng biglang tumawa si Damon....hindi tawa ng masaya kundi tawa ng nang aasar na ikina pikon naman ng lalaking kaaway niya.


"kasalanan ko bang maging gwapo?" naka ngising sabi niya.....and i found him hot.



"suntokan nalang oh." bago pa magsalita si Damon ay naglakas loob na lumapit ako sa tabi niya at hinawakan ang braso niya marami naman ang nag bulonga pero hindi ko na pinansin pa yon.

"D-amon tama na yan w-ag ka nang makipag away dito." nakayuko kong kausap sakanya


"Y-yannah? Kanina ka pa dito?" tumango ako naramdaman ko naman ang pag alis niya ng kamay ko sa braso niya at bigla ako inakbyan sabay alis sa lugar na yon.


"Ah...b-bakit ka nakaabay sakin?" naiilang na tanong ko

Namula naman ang tenga niya bago bumitaw sakin "Hehehe sorry." ngumiti lang ako at umupo sa upuan


Nandito kami sa rooftop hindi ko alam kong bakit dito niya ako dinala. Pero infairnes ang sarap ng hangin dito.


"sorry kung nangialam ako kanina ha? A-yaw ko lang kasi makakita ng mga nag aaway e." sabi ko sabay tingin sakanya


"nah...it's okay and thanks to you dahil sayo hindi masisira ang gwapo kong mukha." mayabang na sabi niya at kinindatan ako na ikina bilis ng tibok ng puso ko pero dinaan ko nalang sa mahinang pag tawa.


Napatayo ako bigla ng tumunog ang bell "Mauna na ako Damon kita na lang tayo mamayang lunch time ingat ka lagi bye."



©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now