CHAPTER 8

858 25 0
                                    

Yannah's Pov.

"Alam mo ba na mahilig din ako mag basa?" nakangiti kong sabi at bumaling ng tingin kay Maggy ng matapos ko ilagay sa bag ko ang gamit ko.

"Waaaah talaga? Bagay talaga tayo maging bestfriend hehehe." mahina ako natawa sa reaction niya at the same time masaya dahil.....Bestfriend na pala ang tingin niya agad agad sakin for the short time.


Palabas na sana kami ng classroom ng may humarang sa daanan namin na lalaki habang naka ngisi pamilyar siya sakin pero hindi ko maalala kung saan ko ba siya nakita.


"Hi again Yannah." sabay kindat niya sakin kaya nahihiyang lumingon ako kay Maggy na ang sama ng tingin sa lalaking nasa harapan namin.


"siguro naman pwede na kitang ayain na mag lunch ng tayong dalawa lang Yannah?" napabaling ulit ang tingin ko sa lalaking nasa harapan ko at gulat sa sinabi niya.




Magsasalita sana ako ng unahan ako ni Maggy. "Diba sabi ko sayo Troy wag si Yannah mag hanap ka nalang ng ibang babae bakit ngayon nandito ka nanaman at nakikigulo?"


Ngayon naalala ko na siya...hindi talaga ako matandaan sa mga pangalan kaya ganon.



"sabihin mo lang Maggy kong nag seselos ka."


"What the hell? At bakit ako magseselos? You are just nothing but a jerk." at hinawakan ni Maggy ang kamay ko at mabilis na hinila paalis binangga pa niya ng malakas ang balikat ni Troy



"ang sama mo naman kay Troy, mukang mabait naman siya ah?" naka kunot noo na sabi ko


Bigla naman siya umirap sa kawalan "Duh like what i said yanyan his a playboy a jerk kaya—"

"Aray." daing ko at ngumingiwi na hinawakan ang pwetan ko dahil sa lakas nang pagkabagsak ko



"tsss di kasi tumi—" naputol ang sasabihin niya ng tumingala ako at nanlalaki ang mata niya na nakatingin sakin.


"Hala Damon please wag ka magalit sa Yannah ko hindi niya sinasadya." tarantang sabi ni Maggy at tinulungan ako tumayo.



Pero yung Damon nakatitig lang sa akin pero Pamilyar siya sakin.


©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now