CHAPTER 22

599 11 0
                                    

Yannah's Pov.

"yanyan." sigaw ni Maggy sa pangalan ko kaya nakaurap kurap ako ng tatlong beses bago binaling sakanya ang tingin ko.

"kanina pa kita hinihintay teka—ba't namumula ka?" kunot noong tanong jiya sa huli kaya napalunok ako at nahihiyang ngumiti

"w-wala tara pasok na tayo sa loob." aya ko sakanya at hinawakan siya sa kamay para sabay kami pumasok sa loob

Wala ako maintindihan sa lahat ng discussion ng mga prof namin dahil sa unang pagkakataon lumilipad ang utak ko dahil sa isang lalaki. Dahil kay Damon at hindi talaga mawala sa isip ko ang huli niyang sinabi.

"you like it or not i will court you and you can't do about it."

Napakagat labi ako at napailing habang hawak ang tapat ng puso ko na subrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagkakaalam ko ay healthy ako at walang sakit pero bakit subrang bilis ng tibok ng puso ko na parang tumakbo ako ng napakalayo sa subrang bilis nito.

"yanyan." malakas na sigaw ni Maggy kaya gulat na umangat ang tingin ko sakanya dahil nasa harapan ko na siya pala ngayon nakatayo at salubong ang kilay na nakatingin sakin.

"a-ah eh ano yun Maggy?" inirapan naman niya ako

"ano ba ang iniisip mo at hindi mo man lang napansin na lunch time na?" napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya at nilibot ang tingin ko sa loob ng classroom namin at ngayon ko lang napansin na dalawa nalang kami ang nandito.

"hala sorry Maggy tara gutom ka na ba?" tarantang sabi ko at tumayo

"tsss....ano ba kasi yang iniisip mo, ay mali sino ba ang iniisip mo?" diniinan pa niya ang sino kaya napa pout naman ako

"sorry na Maggy." niyakap ko ang braso niya habang nakapout parin na nakatingin sakanya

"tss pasalamat ka at bestfriend na kita kung hindi ewan ko nalang let's go na nga." sabay hila sakin

Bakit....ang hilig lagi ni Maggy na hilain ako? May mga paa naman ako ah.

©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now