CHAPTER 42

431 11 0
                                    

Yannah's Pov.


"shut up!" inis na sigaw ni Maggy at agad na tumayo at iniwan kami na ikina tawa naman ni Damon



"so....naging sila ni Troy?" nagdadalawang isip na tanong ko kay Damon na agad naman tumango sa tanong ko habang nakatingin sakin



"yes last year lang ng maging sila pero kilala mo naman siguro si Troy diba? His a Playboy kaya hindi din nagtagal ng tatlong buwan ang relationship nila ni Maggy they end up broke up because of a girl." napa tango naman ako at sumubo ng pagkain



"kaya naman pala ganon nalang ang inis niya kay Troy tuwing lumalapit samin." natatawa kong sabi




Nang matapos kami mag lunch ni Damon ay inihatid na niya ako sa room ko.


"thankyou sa paghatid sakin, sige pasok na ako." paalam ko at papasok na sana sa loob ng room namin ng bigla niyang pinigilan ang kamay ko at pinaharap ako sakanya at agad na sumalubong sakin ang mapula at malambot niyang labi na ikina bilis ng tibok ng puso ko.





Ilang segundo lang nagtagal ang pagkakalapat ng mga labi namin bago siya lumayo at ngumisi "See you later baby, we go home together so wait me at the parking i love you." namumula ang pisngi na pumasok ako sa room at hindi pa man ako tuluyang nakakapunta sa upuan ko ng biglang may pumatid sakin dahilan para madapa ako.




"Oppsss...hahahaha anong ginagawa mo dyan Yannah?"




"hindi yan swimming pool hahahaha."



"yan ang bagay sa tulad mong mal-ndi."



"sigurado inakit niya lang ang Damon natin kaya siya niligawan."




Tinulongan akong tumayo ni Maggy at napangiwi agad ako ng makaramdam ng hapdi sa tuhod ko ng yukuin ko yun ay napapikit agad ako dahil may sugat ako pero maliit lang yon pero sigurado ako na mapapansin yon agad ni Mommy at hindi yon pwede mangyari dahil sigurado ako na pupunta siya dito sa school at malalaman niya ang dahilan kong bakit ako pinatid at pag nalaman niyang boyfriend ko ang pinsan ko.....




©sweetspicyqueen

The Forbidden LoveWhere stories live. Discover now