CHAPTER 70

452 13 0
                                    

Yannah's Pov.


"w-hat are you talking about sweetheart?" kunot ang noo na tanong ni Mommy


"alam ko na po ang totoo....n-a hindi ko kayo tunay na magulang, at kilala ko rin kong sino ba talaga ang magulang ko kaya please sagutin niyo ako ng maayos." sigaw ko at sunod sunod na tumulo ang luha ko


"s-we-etheart." hinawakan ni Dad ang kamay ko at hinalikan iyon.



"paalis na kami noon ni yen papunta sa bahay ampunan para mag ampon dahil hindi kami magkakaanak. Pero nakita ka namin sa gitna ng kalsada mag isa at walang tigil sa pag iyak kaya bumaba ako para sana ibalik ka sainyo ng may malaking truck na mababangga sayo kaya mabilis akong tumakbo papunta sayo para sana itulak ka pero huli na ang lahat dahil wala ng oras kaya niyakap nalang kita at hinarang ang katawan ko na baka sakali hindi ka maskatan pero bigo ako dahil pareho tayong na coma mas nauna ka lang nagising kesa sakin kasi mas napuruhan ako at hindi pa ganun maka kilos dahil sa mga nabaling buto sa sugat ko. Kaya bago ako nawalan ng malay noon sinabi ko kay yen na ampunin ka muna."


Napalingon naman ako kay Mommy na humihikbi sa tabi napayuko naman ako at humagolgol ng iyak.


"pa-ano niyo po nakilala ang tunay kong magulang?"



"pinsan ko si Kione ang dada mo." tumango ako at napahawakan sa dibdib ko dahil sa sakit na naramdaman ng biglang pumasok si Damon na madaming dalang pagkain pero ng makita niya na umiiyak kami aya gad niya nilapah sa mesa at nag aalalang niyakap ako.


"tita ano po nangyayari? Bakit umiiyak si yannah pati narin kayo?"



"Damon....hindi talaga kayo magpinsan ni Yannah dahil wala naman ako naging anak...ampon namin si Yannah." gulat naman ako sinilip ni Damon na nakasobsob sa dibdib niya habang umiiyak parin pero tumango ako.




©sweetspicyqueen

Hindi ako sigurado kong ilang chapter pa pero malapit na matapos to.

The Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon