Chapter 21

22 6 1
                                    


"Uuwi na daw si Lavander."

Nag-lalakad kami ngayon papunta sa sinehan. Pinag bigyan nila ang gusto ko kahit sinabi ko na wag nalang at umuwi nalang kami. I know na they are just trying to make me feel better.

"Hayaan mo siya ayoko rin naman siya dito."

"Enya that's rude." pangangaral nanaman saakin ni Veri.

"Sige sorry nalang." Sabi ko at kumapit sa braso niya. Nasa gilid ko si Joaquin at nasa gilid niya naman si Ryler. Napapagitnaan nila kaming dalawa.

"Ano na? Sino bibili tickets natin?"

"We will. Me and Enya."  Joaquin volunteered again! Ayoko naman siyang kasama talaga.

"Sige kami nalang. Kayo nalang Veri bumili ng foods." I said. My whole existence failed to follow what my brain wants.

Nakapasok narin kaming tatlo sa loob ng sinehan agad . Katabi ko si Joaquin at nasa pinaka gilid ako, sa bandang hagdanan. Mag katabi naman si Veri at Ryler.

I don't even know how we ended up with this seating arrangement. Gusto ko pa naman sanang makatabi si Veri.

"Ryler wala pang simula dikit ka na ng dikit." Narinig kong bulong ni Veri.

"Nilalamig kasi ako wag kang mag-isip ng kung ano-ano jan!"

"Hey tone down your voice. Nakakahiya yung boses mo ang lakas."

"Ikaw kasi nilalamig nga kasi ako!" Para silang ewan na nag-sisigawan pero pabulong naman. 

When the movie started nilingon ko ulit ang dalawa at nakita kong dikit na dikit sila pareho sa isa't isa kaya hindi ko alam kung bakit pa sila nag talo kanina!

We are watching an action movie. Gusto sana ni Veri ay yung Romantic one pero siya lang ang may gusto non kaya wala siyang nagawa kundi pumayag nalang na panoorin 'to.

Ngayon lang ako nag-sisi sa mga desisyon ko sa buhay. Bakit ba ako nag-yaya sa sinehan samantalang naka shorts ako?

Ang ending tuloy ay sobrang nilalamig na ako ngayon at hindi ako makapag focus ng maayos sa pinapanood namin.

"Are you cold?" Joaquin suddenly asked and I just nodded as an answer.

Actually I can just use my Fire element to control my body temperature.  Pero masyadong na ka dikit saakin si Joaquin and I don't want him to notice me doing that thing. Too reckless, Enya.

"Wait for me." Bigla naman siyang tumayo kaya napahawak din ako sa braso niya para pigilan sana siya.

Nakita kong napahinto siya at tumingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Mukha siyang parang gulat na gulat  sa ginawa ko. Pati rin naman ako ay nagulat! Kaya tinanggal ko nalang din agad 'yon.

"Uh s-saan ka pupunta?"

"Basta just wait here. Babalikan kita."

Tumango nalang ako at pinagmasdan siyang tumalikod at mag-lakad paalis.

"Oh saan pupunta 'yon?" Tanong ni Veri na ngayon ay suot na ang sweater na suot ni Ryler kanina. Naningkit nanaman ang mga mata ko dahil doon.

"Nilalamig ako kaya niya pinasuot saakin. Tigilan mo 'yang ganyang tinginan mo saakin."

"Wala naman akong sinasabi. I don't know kung saan siya pupunta. Sabi niya lang mag hintay lang daw ako babalik siya."

"Baka nag restroom or may ginawa lang. Kapag sinabi niyang babalikan ka niya maniwala ka at babalikan ka talaga non."

Winds of Fire (Completed)Where stories live. Discover now