Chapter 14

36 6 3
                                    

"Tapang naman talaga. Kaya mo ba ako suntukan ha? Babae ka nga lang." he smirked.

Kaya ko ba daw siya suntukan? Joke ba 'to?

"Enya please tara na." hinila ako ni Veri para mapaharap ako sakanya. May pag babanta sa mga mata niya na para bang mapapa sunod ka talaga. 

"Okay fine." I breath in. Calm down Enya wala ka sa mundo niyo. Hayaan mo nalang 'tong panget na ito.

"Sige hindi kita papatulan ngayon. Pero pag nakita ko pa 'yang pag mumukha mo patay sa ka saakin. Umalis kana sa daanan namin."

"Wala ka pala, e. Kala mo naman natatakot ako sayo. Pag nakita pa kita ulit alam mo na gagawin ko." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at kinidatan tyaka lang siya umalis sa daanan namin. 

Bakit may nabuhay na ganitong klase sa mundo? Basura! Yumuko ako at naramdaman ko naman si Veri sa likod ko.

"Buti nalang talaga hindi mo na pinatula-"

"Tangina pre! Yung bag mo may apoy!"

Napatigil si Veri sa paglalakad kaya napalingon din ako sakanya. Nakatulala siya sa harap namin habang nanlalaki ang mga mata. Unti-unti siyang lumingon sa likod namin kung nasaan ang manyak na lalaki na umaapoy ang bag.

Nilingon niya ako nanlalaki parin ang mga mata. Parang napapasunod ako ng mga mata niya pero parang  lang. Hindi ko naman sinandya! Buti nalang nga napaka yuko ako agad! Nakatingin parin saakin si Veri saakin. Siguro kailangan kong mag react man lang? Mukha siyang nagulat, e?

"Hala omg! May Fire? Yung bag niya." 

Nakatingin lang talaga siya saakin! Biglang hinangin ang buhok ko ng napaka lakas. Ako naman ang nagulat ngayon! Hindi ako 'yon! Sino 'yon?

"Gago Juls! Lumalaki yung apoy!"

"Tanga kumuha ka ng tubig bilis!"

"Bobo hinahangin kaya lumalaki! Harangan niyo yung hangin bilis!"

Harangan daw yung hangin? Sino bonak saatin ngayon? 

"Pre ito na tubig!" nakita ko yung isang kaklase niya ata na may dalang tumbler. Ibubuhos niya dapat sa bag kaya lang natalisod siya kaya sa mukha ng manyak niya nabuhos.

"Bobo ka! Mukha ba akong bag ha?"

Natawa ako. Ang cute nila tignan na nag kakaagulo. Mukha silang mga Apes. 

"Veri tara n-" 

Napatigil ako sa pag sasalita at napahawak sa dalawa kong braso. Humagin nanaman ng malakas, nag simula ako tumigin sa paligid. Iba ang pakiramdam ko hindi lang 'to basta bastang hangin. 

"Gago pre harangin mo nga yung hangin!"

"Pindutin mo na yung bell!"

"Tanga wag yung bell yung Fire alarm dapat!"

Nag kakagulo na sila dahil lang sa bag na nasusunog. Tumingin ako sa paligid, unti unti ng kumakalma ang hangin. May nakita akong sobrang dilim na room sa kabilang dulo ng building. May nakita akong anino. The heck sino iyon?!

Sisimulan ko na dapat tumakbo kaya lang hinila nanaman ako ni Veri. Lagi nalang may humihila saakin! Tinignan ko siya at nanlalaki nanaman ang mga singkit niyang mata, ang cute.

"Saan ka pupunta?"

"May titignan lang ako do-"

"B-baka ma late na tayo!"

"Actually late na talaga tayo. Kaya sige na tara na nga!"

"Pre ayoko na naaiiyak na ako ayaw mamatay ng apoy!"

Winds of Fire (Completed)Where stories live. Discover now