Chapter 13

35 6 1
                                    

"Tapos na akong mag-luto. Kain na ba tayo?"

Kakatapos lang din naming mag tupi ng mga damit ko. Nakakalat pa ang iba kong gamit pero siguro mamaya ko nalang aayusin sobrang gutom ko na kasi talaga.

Binuksan ko ang drawer ko nakita ko doon ang Mythrill knife na binigay saakin ni sir Arnold. Hinubad ko ang aking bracelet at nilagay din doon.

"Why are you taking it off?"

I looked at Veri. Hinawi ko ang aking buhok dahil sobrang pawis na ako. "Here use this muna." she offered me her hand, may nakita akong panali ng buhok kaya agad ko naring kinuha kasi hindi ko na talaga kaya naiinitan ako sa buhok ko.

"Hindi ako sanay na nag susuot ng mga bracelets."

"Then bakit ka meron niyan?"

Nag kibit balikat ako. "Hindi ko nga rin alam kung saan galing 'to." I laughed a bit

"Let's go you need to eat your breakfast na for sure mahaba ang naging biyahe mo."

Lumabas na siya sa kwarto ko at sumunod naman ako. Malayo palang naamoy ko na ang mga niluto niya. I saw bacons, hotdogs and eggs. Malakas ba siyang kumain parang ang dami naman ata nito?

"What do you like to drink? Timplahan nalang kita ng coffee or Orange juice? Name it marami namang stocks dito."

"Hm do you have milk?"

"Oh! you drink milk?" tumingin siya saakin na para bang gusto niya akong pagtawanan.

"Well.. I love milk."

"I drink milk too kaya lang tuwing gabi lang ako umiinom kapag umaga coffee ako lagi. Fresh milk ba or powdered?"

"Fresh milk will do." I smiled

"Upo ka na." she said after niya ako makuhanan ng fresh milk.

"So you can cook?"

"I don't have a choice so I need to learn how to cook."

"Why naman?"

"Lumaki ako na hindi kasama ang mga parents ko." she said looking sad.

"If you don't mind me asking, nasaan ba ang mga parents mo?" 

"Abroad." mabilis niyang sinabi. That's my hint, I think hindi siya komportable na pag usapan ang tungkol sa bagay na iyon.

Tumango tango nalang ako, wala ng balak na tanugin pa siya pero sa totoo lang I was waiting for her to ask me back anything about my family. Handa naman na ako sa mga pang cover up ko kaya lang hindi niya na ako tinanong.

"Ikaw ba you can cook?"

Napaubo ako bigla sa biglaan niyang tanong at binigyan niya naman ako ng tubig agad.

 "Oo naman 'no!"

"You sure?" she raise her eyebrows parang hindi naniniwala saakin

"Well maybe a bit. But I can try."

"It's alright. I can cook naman kaya I'll cook for us nalang."

"Ay okay 'yan. Cheer nalang kita habang nag luluto ka."

"Ang funny mo naman."

Tumigil ako kakatawa. Masyado na ba akong feeling close? Pero ang galing naman dahil napapatawa ko siya sa mga jokes ko. Pag dating kasi kanila Aime at Cole wala, e. Inaasar lang nila ako.

"I'll shop nga pala. Kapag wala tayong pasok."

"Mamaya may pasok na tayo." sabi niya habang nag papatuloy parin sa pagkain.

Winds of Fire (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt