Chapter 22

29 6 6
                                    


"Bakit kayo nandito?!" Sabi ko after ko sila pag sarahan ng pinto dalawa ni Ryler. Anong ginagawa ng dalawa ito sa dorm ng mga babae?!

"Waiting for the both of you. Obviously."

"Hindi ba pwedeng sa classroom nalang ha? Bawal kayo dito umalis na kayo!"

"We're waiting there for almost 30 minutes at wala parin kayong dalawa."

"Oo na wait patapos na kami!"

Nag-lakad na ako ulit sa kwarto ko pero nagkabanggan pa kami ni Veri.

"Bakit ang tagal mo? Sino 'yon?'

Nagulat ako sa tono niya. She's obviously not in the mood! Iretable siya.

"S-si Joaquin!"

"Bakit ka nagpa-panic? Si Joaquin lang naman pala."

"He's with Ryler!"

Nanlaki ang mata niya at nagka-sabay pa kaming tumakbo sa mga sarili naming kwarto para matapos na sa pag-aayos.

"Hey. I'm so sorry I'm not in the mood earlier. Naalimpungatan kasi ako. Nasigawan pa tuloy kita."

Pinasok niya ako sa loob ng kwarto ko para lang sabihin ang mga iyon. Napangiti ako. This girl is very soft talaga.

"Wala 'yon ano ka ba! Nahiya naman yung mood swings ko sa na alimpungatang mode mo!"

"Sa wakas nag-tapos na din kayo!"

Bunganga agad ni Ryler ang sumalubong saamin pag bukas namin ng pintuan. Napapikit tuloy ako. Ang gandang bungad, grabe!

Nasa likod ni Joaquin si Ryler at tumitingkayad pa siya para ata masilip yung nasa likod ko.

"Bakit kayo nandito? Bawal kayo dito paano kayo nakapasok?"

"I have my ways." Ryler said.

"Ways your ass! Pag tayo napahamak dahil dito sa ginagawa niyo ha!"

"Bakit parang kasalanan pa namin? Anong oras na wala pa kayo. Kami nga dapat ang nagagalit."

"Na-late lang naman kami ng gising. And if gusto niyong magalit, edi magalit lang kayo!"

"I'm not mad." Joaquin said actively.

"Loko ka pre! Galit nga dapat tayo sakanila, e. Akala ko ba napag usapan na natin 'to?"

"Ang ingay-ingay!" SaAaSsbi ni Veri at nauna ng nag-lakad paalis.

"Oy! Wait mo 'ko! Galit ako sayo bakit mo 'ko tinatalikuran ha!"

"Ryler be quiet!" Veri's voice is full of annoyance. Ako na ang natakot para kay Ryler. Wala na nga sa mood inaasar niya pa ng ganyan. Goodluck nalang talaga para sakanya.

Napatingin ako sa bag ko na bukas dahil siguro sa kakamadali kanina at napansin ko na wala yung suklay ko sa lalagyanan nito. Hindi ako pwedeng umalis ng walang suklay na dala!

"Good Morning." Bahagya akong napatalon dahil nakalimutan kong nasa harap ko pala si Joaquin.

"May nakalimutan ako. Sumunod ka na kila Veri. Susunod nalang ako doon mamaya. Saglit lang 'to!"

Pag sara ko palang ng pinto ay agad na akong nag teleport sa loob ng kwarto ko at kinuha yung suklay. At nahagip nanaman ng mata ko yung Yellow bracelet ko.

Habang sinosuot ko 'yon ay nag-teleport narin ako sa harap ng pintuan. At dali daling binuksan iyon.

"Ay shit!" Napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi parin pala umaalis si Joaquin at nandon parin siya sa harapan ng pinto!

Winds of Fire (Completed)Where stories live. Discover now