Oscar

102 4 4
                                    

Anne Joy

"Ikaw!? Ano'ng ginagawa mo rito? Bakit ka nandiyan sa loob? Bakit... Bakit ka nakakulong?" Hindi makapaniwalang bulalas ko nang mapagsino ang kaharap ko. Lumukas ang kabog ng dibdib ko sa pag-aakalang ito ang sinasabing suspek ni daddy sa pang-aabsuwelto sa akin.

"Anne Joy? Bakit ka nandito? Sino'ng binibisita mo?" Balik-tanong ng lalaki sa akin na may halong labis na pagtataka. Nagpasalamat ako at nakahinga nang maluwag dahil hindi nagkamali ng suspek na dinampot si daddy.

Kumunot ang aking noo para tanungin ulit sana ang kaharap kung bakit ito nakakulong pero bago pa ako makasagot ay bigla akong tinawag ng pulis na nakabantay sa akin.

"I'm sorry, Miss Del Mundo. Pero wala na po ang taong nais ninyong bisitahin dahil nailipat na po siya ng kulungan sa request din po ng inyong ama."

Nagulat ako sa sinabi ng pulis. Ang sabi sa akin kanina ni Daddy ay mamaya pang gabi ililipat si Doc Rodriguez. Pero bakit biglang nag-iba ang pangyayari?. Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa mansyon at nagpasyang tanungin si daddy. Ni hindi ko na naalala ang kausap kong lalaki kanina. The truth was he was my ex-boyfriend. Pero wala akong alam kung bakit siya nakakulong.

Pagdating ko siya mansyon ay hindi ko nadatnan doon ang aking ama't ina at hindi ko rin sila makontak kaya nagpasya akong magpahinga kahit ba binabagabag ang aking isip kung bakit bigla nilang nilayo si doc Rodriguez bago ko pa man siya makausap. May duty na ako mamayang gabi sa Fortiz kaya kailangan ko na ihanda ang aking sarili.

Kinagabihan nga ay excited akong pumasok sa trabaho. I miss my patients and tending to them is my comfort. Nasa lobby na ako at papunta na sa aking opisina nang bigla kong nakasalubong si Hazzen, my ex-boyfriend. Siya rin ang nakita ko sa kulungan kanina.

Isa ring doktor sa Fortiz si Hazzen at pero nagkakilala kami noong pareho pa kami ng pinapasukang medical school. We only got together after we graduated, and our relationship lasted three years only to fall apart because he cheated on me. By the way, we are on good terms now. Wala na akong sama ng loob sa kanya.

"Doc Hazzen, what happened?" Ako ang unang nagbukas ng usapan. Gusto kong malaman ang dahilan kung bakit siya nakulong. I'm not concerned, just out of curiosity.

Doc Hazzen smiled and walked beside me. Papunta ako sa opisina ko at dahil magkatabi lang kami ng opisina ay sumabay na ito sa akin.

"Ohh... It was nothing. Isang hindi pagkakaunawaan and I was glad na madali ring naayos dahil ayaw ko namang tumagal doon. God knows how filthy that prison was." Nilingon niya ako saka muling nginitian. "Why are you there? Sino'ng binisita mo?"

Nawala ang sigla sa mukha ko at hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Hazzen. Yumuko ako upang itago ang pamumutla ng aking mukha.

"Ahm... Wala. May bibisitahin lang sana ako kaso wala na pala siya roon." Nag-angat ako ng tingin upang muling tingnan si Hazzen. "I need to clock in. See you around."

Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon na makasagot at agad itong tinalikuran saka dumiretso ako sa aking opisina. Ayaw ko ring matagal kaming mag-usap ni Hazzen at dahil kapag maabutan kami ng girlfriend niya, na isa ring doktor sa ospital, ay baka kung ano-ano na naman ang iisipin niyon tungkol sa akin. Ayaw ko ng eskandalo kaya maaga pa lang ay iiwas na ako.

My peaceful days continued without Doc Rodriguez in sight. Aminin ko man o hindi pero sa kaloob-looban ay nais ko siyang makita.

Did my parents really confine him to the prison island? Hindi makapaniwala kong tanong sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakabalik kahit mag-iisang linggo na ang nakalipas. Tumawag ang mga ito kaninang hapon bago ako pumasok sa hospital at sinabing babalik na raw sila ngayong gabi. I was hoping to see them, dahil gusto ko silang tanungin sa estado ni Doc Rodriguez.

"Oh hi, Miss Del Mundo. It's good to see you're back!"

Napatigil ako sa akmang pag-upo sa upuan sa cafeteria ng hospital nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na boses ng babae na labis kong kinamumuhian. I bowed my head and took a deep breath before letting it out irritably, together with my frustrations towards this woman.

"Miss Perez." Kaswal na bati ko at nagpakawala ng pekeng ngiti. I clenched my fist inside my robe's pocket.

This woman is Hazzen's current girlfriend. Isang magaling na surgeon katulad ni Doc Rodriguez pero may pagkatabil ang dila. She is also a flirt who seduces handsome men whenever she sees one kahit na may boyfriend na ito. Pamangkin kasi ito ng isa sa director ng ospital kaya ganito na lang ito umasta. Me and Hazzen broke up, but we remained friends, pero ayaw ko sa babaeng ito para kay Hazzen dahil sa ugali nito.

"Mukhang kahit sa bakasyon, hindi ka hiyang. Look at your sunken face. Dahil ba wala kang lovelife kaya hindi ka nago-glow?"

Napaismid ako sa sinabi ni Miss Perez. She's really getting on my nerves, and it's pissing me off. Pero dahil hindi ako pumapatol sa taong walang delikadesa ay isang nakakalokong ngisi ang isinukli ko. "I am happy without a lovelife, Miss Perez. What my face shows doesn't concern you. Aanhin ko ang lovelife kung stress lang naman ang aabutin ko."

Nilampasan ko ang dalawa upang maghanap ng mapupuwestuhan na malayo sa kanila pero muli akong tinawag ni Miss Perez. Malakas ang pagkakasabi niya kaya naglingunan ang ibang naroon sa cafeteria. Those who were inside were those who mostly knew my past with Hazzen. Alam din ng mga ito ang drama sa pagitan naming tatlo. How my relationship ended and how Miss Perez ruined it. Everybody treat Hazzen as a sucker, dahil daw ginagamit nito ang nakakarelasyon nito upang umangat ang posisyon nito sa ospital. Una ay ako tapos si Miss Perez. Pero pinabulaanan ko ang mga sabi-sabing iyon at hindi inintindi. As I said, I had no grudge against Hazzen, kaya hindi ko pinansin kung ano man ang sinasabi ng tao sa paligid.

"Why are you leaving, Miss Del Mundo? Natutunan mo rin bang maging bastos pagkatapos mong magbakasyon?"

I halted my steps and clenched my fist tightly to suppress my growing anger. Walang nakakaalam sa ospital kung ano ang nangyarai sa akin kundi ang kaibigang doktor ni daddy na siyang nag-asikaso sa akin. This woman is really testing my patience. Hinarap ko si Hazzen.

"Puwede bang i-zipper mo 'yang bibig ng girlfriend mo? Sumosobra na ang tabil ng dila." I gritted my teeth and spoke angrily but softly. My hands were still clenching inside my doctor's robe.

"Bakit, Miss Del Mundo? Hindi mo ba kayang aminin ang kabastusan ng ugali mo? How could you just turn around when we are still talking to you? O baka naman hindi mo lang kayang aminin na ako ang pinili ni Hazzen at hindi ang losyang na katulad mo?" Nagpatuloy si Miss Perez sa pang-iinsulto sa akin.

Tinapunan ko siya nang matalim na tingin. "Are you still being petty that Hazzen and I still have a good relationship? Are you afraid na baka iwanan ka niya at bumalik siya sa akin? Why don't you lock your boyfriend then?" Bagama't mahina ang aking pagkasalita ay ramdam pa rin doon ang galit ko. The people surrounding us had begun to notice the commotion, and they started gathering around for gossip.

"Anne Joy..." biglang tawag ni Hazzen. "Pagpasensiyahan mo na si Ryzza at pagod lang sa kakatapos na pasyente." Hinging paumanhin ni Hazzen. He raised his hand and tried to touch my own when it was suddenly stopped by someone followed by a domineering voice talking close to my ears. The voice I am most familiar with.

"Is there a problem here, baby?"

Kaagad na nanlaki ang mata ko at nang lingunin ko nga ay hindi ako nagkamali sa aking hinala.

"Doc Rodriguez?"

"Yes, baby. Did you miss me?"

In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)Where stories live. Discover now