7. Gold

139 4 1
                                    

Anne Joy Del Mundo

Nakahinga ako nang maluwag dahil sa wakas ay nakarating na ako sa Rizal, ang apartment na sinasabing tinitirhan ng kakambal ko. Ang sabi sa akin ng private investigator na inupahan ko ay dito naglalagi si Anna Jane, my long lost twin.

Wala akong alam na may kakambal pala ako na mahigit dalawang dekadang napahiwalay sa amin. Ang sabi sa akin ni Daddy, may kumidnap daw kay Anna habang nasa ospital pa lang kami at kahit anong yaman at kalaki ang koneksyon ng aking magulang ay hindi pa rin nila mahanap ang kakambal ko.

Mula sa angkan ng tanyag na mga doktor at nurses ang pamilya ko at bukod doon ay may sarili kaming negosyo in line of medicine. Pero balewala ang pera na nakapalibot sa akin kung alam kong may nawawala akong kakambal at hindi maganda ang kalagayan niya. I work as a resident doctor at Fortis Mondragon Medical Hospital in Manila. The hospital is owned by the Mondragons. Iyon ang napili kong propesyon kahit pa pinipilit ako ni Daddy na hawakan na lamang ang negosyo namin.

I learned all about my twin last week at nagpapasalamat ako sa PI na nakuha ko dahil ang bilis niyang magtrabaho at may development na kaagad sa kaso. I took a week's leave from work to investigate my sister with my own hands. Pero nang dumating nga ako ngayon sa apartment ay wala namang tao. The place looked like a mess and it said that no one had been there for atleast two weeks. Was my investigator wrong? This place was ghosted.

Dumiretso ako sa kusina para sana kumuha ng tubig dahil sa sobrang uhaw ko sa buong araw na walang tigil na biyahe. Nagpapasalamat ako dahil gumagana ang gripo at may water filter na naka-attach kaya't alam kong malinis ang tubig na iniinom ko.

Nasaan ang kakambal ko?

Just as I finished uttering those words, the door was suddenly pushed open, startling my now bewildered soul. Mabilis akong napagawi sa pinto habang hawak pa rin ang baso upang tingnan kung sino ang dumating at umaasang baka ang kakambal ko iyon, pero labis ang gulat ko nang isang lalaki ang pumasok. Isang hindi pamilyar pero guwapong lalaki.

Medyo mahaba ang buhok niya na abot hanggang tainga and his face screamed handsomeness. Medyo pamilyar din sa akin ang mukha niya ngunit hindi ko mawari kung saan ko siya nakita. Kahit ano'ng piga ng utak ko ay hindi pa rin maalala kung sino siya. Pero bakit siya nandito? Kilala ba niya ang kapatid ko? Siguro ay kailangan ko siyang usisain para malaman kung tama ang hinala ko.

But even then, I stayed vigilant dahil isa pa rin siyang estranghero. Nakaramdam pa rin ako ng takot lalo na at ako lang mag-isa rito.

"Sino ka?" I asked, clenching the cup of water in my hand. Fear crept into my veins and reached the end of my hair, making me shudder.

"Forgetting about me already, baby?"

Nanindig lalo ang balahibo ko dahil sa narinig na sinabi ng lalaki. Ano'ng pinagsasabi nito?

Inihanda ko ang sarili ko upang lumaban, kahit alam ko sa sarili kong wala akong alam sa pakikipaglaban at kahit konting self defense ay katiting lang ang nalalaman ko. Why did I not enroll in that?

"Sino ka at bakit bigla kang pumasok dito?" I asked. My voice was quivering in panic. Umatras ako mula sa kinatatayuan ko upang lumaki ang agwat namin ng lalaki at anumang sandali ay makatakbo ako at makatakas.

Ngunit kahit ano'ng gawin kong pag-iwas ay lumalapit pa rin siya at ganoon na lang ang takot ko nang bigla siyang maglabas ng baril at itinutok sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I didn't grow up with violence. Mahal na mahal ako ng mga magulang ko and they treated me like a princess. Kaya wala akong alam sa self defense ay dahil ayaw ng mga itong masaktan ako. Tanging ipinagpapasalamat ko lang sa kanila ay pinagbigyan nila akong mag-aral bilang isang doktora na namana ko yata sa kanila.

In Love With A Psycho (Wild Men Series #23)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon