Chapter 64: Just the way you are

3.4K 35 9
                                    

Palagi akong sinasabihan ng mga kaibgan ko dati na suplada daw ako lalo na sa mga taong hindi ko talaga ganun ka kilala. Kahit nga hawakan lang yung kamay ko, hindi nila magawa kasi ayoko. Pero ngayon, I end up seeing myself being with someone with our intertwined hands.

Siguro nasanay na ako na hinihila hila lang ako kung saan ng ibon na to. Kaya ngayon hindi na ako nagpumiglas. Kahit naman inaalila ako minsan ni ibon, I can’t hide the fact na masaya naman ako pag kasama ko siya. Siguro kung hindi lang talaga dumating si Thomas sa buhay ko, baka ngayon, nahulog na ako kay ibon.

“Alam mo bang nagdadasal ako dito tuwing may game kami?” tanong niya sa akin. I looked at him and he was looking at me.

“Tuwing may game ka lang nagdadasal?.tsk. Tsk. Bad yan.” Sabi ko.

Binaling niya ulit ang tingin niya sa altar “Pinagdadasal ko rin na sana dumating yung araw na...” he paused at looked at me. “The next time I’d be praying here, may kasama na ako.”

He squeezed my hand. I can feel my heartbeat’s going crazy.

 “Grace.”  He called. “Happy Birthday.”

Napangiti ako sa kanya. I immediately hugged him. Naiiyak ako tuloy ako.

“Thank you Kief ha.” I sniffed.

Naramdaman ko na niyayakap niya rin ako pabalik. “So Kief na rin pala ang itatawag mo sa akin?”

I chuckled. Bumitaw ako sa pagkakayakap at hinarap siya. “Basta wag mo lang ako aasarin. Kung hindi balik tayo sa ibon.”

He smiled tapos ginulo yung buhok ko. “Tara!”

“Ha saan?” tanong ko.

He took my hand. “Sa surprise ko para sa iyo.”

I smiled tapos tumango. We went out the chapel. Ang ganda ng paligid. Full moon ngayon tapos ang dami pang stars. Yung simoy ng hangin, it just made everything so perfect.

Nasa campus pa rin kami. We stopped in front of a well decorated tree. Maraming christmas lights na nakapalibot tapos may isang table at dalawang upuan.

“Nabasa ko sa blog mo na gusto mong masubukan yung typical date tulad ng sa movies eh.” Sabi niya tapos tumiingin sa akin. “Naisip ko kasi na wala ng lalaking gagawa nun eh, kaya gagawin ko nalang para sa iyo.”

Hinampas ko siya ng mahinas a braso. “Ibig mo bang sabihin walang papatol sa akin ah?!”

“Aray naman! That’s not what I meant!” sabi niya. “Di ba kasi, wala ng ganyan ngayon. Napakamakaluma mo eh.”

“Hoy di yan luma ah!” sabi ko tapos ngumiti. “But thanks anyway.”

“Tara!” sabi niya. He guided me to my seat. Tapos umupo rin siya sa kabilang side. Nilibot ko yung tingin ko sa area, may  blanket sa may gilid tapos maraming throw pillows.

“Ikaw lahat ang gumawa nito?” tanong ko sa kanya.

“Nope.” Sagot niya. “Tinulungan nila ako.”

He pointed his hand to my back. Isa isang pumasok yung men’s basketball team. Pumwesto sila sa may gilid namin. May hawak hawak silang parang card bord.

Bigla nalang tumugtog yung kanta ni Bruno Mars, yung Just the way you are. Tapos kasabay nun eh kumakanta rin sila.

Unang kumanta si Nico Elorde. Yung first stanza lang tapos hinarap yung cardboard. May picture ng mata, then I realized, it was my eye.

Sumunod naman si Greg. Hinarap niya yung cardboard tapos may picture ng buhok kong medyo magulo. Natawa naman ako.

Tapos sinundan naman siya ni Von. At ng mag chorus, si Nico naman hawak yung picture kong parang lost na bata. Ewan ko kung sino ang kumuha ng mga yun.

Tapos sunod sunod na yung pagkanta nila tapos may hawak na pictures pa. Hindi ko talaga alam kung saan ng galing yung mga litratong yun. Stolen lahat eh. Pero wala akong paki. Overwhelmed na ako masyado sa pagkanta nila.

Nung malapit ng matapos yun kanta, tumayo si ibo – i mean Kiefer tapos humarap sa akin.

“When I see your face. There’s not a thing that I would change. Cause you’re amazing. Just the way you are. And when you smile, The whole world stops and stares for awhile. Cause girl you’re amazing. Just the way you are.” Kanta niya tapos hinarap yung cardboard na hawak niya. I wonder kung saan galling yun. Pero I am more in wonder kung paano siya nakaroon ng litrato kong natutulog.

Sure akong hindi yun kuha nung sa kanila ako natulog. I have a feeling na kuha to nung nakay Ella ako.

“Happy birthday ulit Grace.” Sabi niya.

“Exit muna kami bro.” paalam ni Von. Tumango lang si Kiefer.

“Bye Grace!” sabay nilang sabi. “Happy birthday ulit.”

I smiled at them. “Thank you guys!”

Nag fake cough si Kiefer. Binalik ko yung attensyon ko sa kanya.

“Dun tayo.” Sabi niya sabay turo nung may blanket. Tumango naman ako at sinundan siya dun.

Tiningnan ko yung sky. Ang ganda talaga tignan. First time kong makita ang ganda ng gabi eh – or its just so perfect tonight? Ewan.

“Grace.” Tawag niya.

Hinarap ko siya. Tapos may inabot siya sa akin, yung cellphone ko pala.

I looked at him as if expecting an explanation.

“I asked Ella to get that.” Sabi niya. “Baka kasi masira lahat ng plano ko eh.”

“Tsss! Baliw ka talaga!” sabi ko na nakangiti. Hindi naman ako galit eh.

“And nga pala.” He started. “Binalik ko na rin yung date sa phone mo. Baka mailto ka ulit eh.”

“Ha?” tanong ko.

He smiled. “Akala mo September 17 ngayon diba?” tumango tango naman ako.

“I changed the date.” He chuckled.

For the nth time today, niyakap ko siya. It was tighter than the latter. He was hugging me back. Ang swerte ko talaga dahil nagging kaibigan ko siya.

----------------------------------------------------------------- ----------------------------------------------------------------------

Mehehehe may UD ngayon hihihi!!

Sorry kung marami yung nag akala na magcoconfess na si Kief. Hehehe bitin ko muna kayo eh. HAHAHA

>ABANGAN<

- Kung kailan magcoconfess si Kiefer 

Love GameWhere stories live. Discover now