Chapter 36: Mr. Torres

4K 27 13
                                    

“Wala pa akong bihis! Ayoko nga!” ibon.

Ang arte naman talaga ng ibon na to! Sabi ko nga hiramin muna yung damit ng kapatid ko, eh kaso, sobra sa kaartehan, ayaw niya daw.

“ Eh yung sa kapatid ko nga muna yung gamitin mo! May bago naman yung damit eh di pa nagagamit! Ang arte mo talaga!” inis kong sabi.

“Eh sa ayoko eh! Ihatid mo muna ako sa hotel!” sabi niya.

Demanding masyado! Shet!

“Kainis ka naman eh! O sige na nga!” inis kong sagot.

Kinaladkad ko yung mga paa ko papunta sa kotse ko. Kainis naman kasi eh, ang arte arte. Pwede namang gamitin niya yung gamit ng kapatid ko. Pwede rin naman di na siya maligo. Kaso yuck nga naman. Pero di nga, nakakatamad magdrive. Sabi ko naman ito-tour ko lang siya ditto sa amin tapos dahil saw ala nga siyang ligo, eh ayaw niya raw. Gusto niya maligo muna siya tapos babalik nalnag daw kami.

 Eh pano yun eh tinatamad nga akong mag drive! Lintek na ibon naman yan!

“Babaeng tamad! Hoy hintayin mo ko!” tawag niya. Tumigil ako sa harap ng kotse ko.

“Alam kong tinatamad ka.” Sabi niya sabay lapit sa akin at kinuha ang susi ng kotse ko. “Ako na ang magda-drive.”

“Great! Tara na!” sabi ko.

And so si ibon na yung nagdrive papunta sa hotel. Mabilis naman kasi siyang magpatakbo kaya nakarating kami agad. Whole ride talaga feeling ko anytime mababagok ako. Di ako nakaseatbelt eh, at di ako sanay magseatbelt lalo na ditto sa amin. Di naman kasi mabibilis magpatakbo ng sasakyan ang mga tao ditto eh, unless kung nagmamadali o kung nagpapakitang gilas.

“Sabi ko naman sa iyo na magseatbelt ka eh!” ibon.

Papasok kami sa lobby ng hotel. As usual, we’re bickering.

“Eh sabi ko naman sa iyo na bagalan mo yung pagda-drive!” sagot ko.

Naputol yung pag-aaway naming ng may mag salita. “Hoy! Ang aga aga LQ agad?”

“Wow Ella ah, ang aga aga binibisita mo agad yung lover mo?” pang-aasar ko ssa kanya. Gantihan lang yan eh.

“Tigilan mo ko Grace ah!” sabi niya na namumula.

“Maliligo muna ako.” Singit ni ibon sabay tingin sa akin. “Diyan ka lang.”

Wow! Ano ako? Aso?

Umalis siya at na-iwan kami ni Ella. Marami rami rin ang mga tao sa may lobby. Yung iba nagbabaka-sakaling makakapag-check in pa, yung iba naman papaalis, gagala siguro at yung iba naman, nakatambay lang.

“So anong nangyari kagabi?” tanong ni Ella tapos taas baba yung kilay.

“Ha?” tanong ko sa kanya. Di ko siya gets eh.

“Sa inyo ni Kiefer! Anong nangyari?” tanong niya habang nakangiting parang ewan. “Hoy! Wag kang green ha! Ang ibig ko lang sabihin, kung nagkita na ba sila ni tita Lou? Anong say ng parents mo sa kanya? Dali sabihin mo na!”

“Baliw ka talaga!” sabi ko. “Wala naman silang nasabi eh. Umalis naman kami agad kanina.”

“Hi girls!” napalingon kami. Si Von pala.

Tumayo si Ella at lumapit ka Von.

“Good morning! Kumusta naman yung tulog mo?” tanong niya kay Von.

Ewan ko kung ano pa yung pinag uusapan nila. Di na ako nakinig eh kasi lumayo ako ng konti. May phone call eh.

“Hello?” bati ko. Di ko na tiningnan kung sino yung tumawag, sinagot ko nalang agad. Kanina pa pala kasi tumatawag eh.

Love GameWhere stories live. Discover now