Chapter 48: Match

3.6K 19 3
                                    

Siguro nga tama si Ella. Kailangan kong sabihin kay ibon yung tungkol sa set up namin ngayon ni Thomas. Ayoko naman kasing isipin niya na may something sa amin ni Thomas eh, at isa pa, ayoko na ring magsinungaling. Bahala na nga kung pagtawanan niya ako sa katangahan ko kaya napasok ako sa gulong to, di bale na talaga, at least din a ako magsisinungaling sa kanya everytime mapasok sa usapan si Thomas.

“Ang bagal mo namang magbihis.” Kumento ni ibon. Nasa court kami ngayon. Mabilis naman siyang nakabihis – or matagal lang talaga ako.

“Eh tingnan mo nga ako! Para akong hanger ng jersey mo!” sabi ko sabay ikot.

“Bagay naman sa’yo ha!” sabi niya na nakangiti. “Ravena.”

Feeling ko namblush ako dun sa sinabi niya. Buti na nga lang at di niya napansin, kung hindi aasarin na naman ako niyan.

“Ewan ko sa’yo! Wala ka bang ibang damit? Kahit t-shirt?” tanong ko habang inaayos yung suot  ko. buti na nga lang at nagsho-shorts ako pag dress yung suot ko, kaya di ko na kailangang manghiram ng shorts kay ibon. Yung jersy lang at yung sapatos yung hiniram ko. Ang baggy ko tingnan.

“Tss! Daming arte!” kumento ni ibon. “Maglalaro tayo ng basketball, hindi magpapa-picture. Arte mo!”

“Naman eh!” reklamo ko.

“Ano? Game na?” tanong niya habang dinidribble yung bola.

“Fine!” sabi ko.

Pumunta kami sa gitna ng court. Pinasa niya sa akin yung bola. Dinribble ko naman yun, habang siya eh defense position.

“Give me a good game Grace.” Sabi niya na parang naghahamon.

I smirked. “No. Give me a good game Ravena.”

And with that tumakbo ako habang dinidribble yung bola papalapit sa ring. Agad naman siyang humabol. Munitkan na niyang maagaw sa akin yung bola pero agad ko naman yung naiwas at naishoot.

“two, zero.” Sabi ko as I smirked.

He just smiled. Yung parang kampanteng kampante lang. “Nagsisimula pa lang tayo Ms. Villa.”

Dinribble niya yung bola. Di pa nga ako ready eh pero agad siyang tumakbo papunta sa kabilang side ng court tapos yun nashoot niya. Open na open eh.

“two all.” Sabi niya with his proud smile.

“Ang daya mo! Di pa nga ako ready eh!” reklamo ko.

“Alam mo Grace, hindi sa lahat ng oras, may go signal.” Sabi niya. Feeling ko double meaning yun eh.

Two all na. we continued playing. Sabi ko sa kanya wag niya akong pagbigyan, na laro talaga to. And I can feel it naman eh na siniseryoso niya ang laro na to. Yung score na nga is 25 – 14 in favor of ibon.

“Ohh ano Grace ah? Kaya pa ba?” pang-aasar niya.

I wiped the sweat on my face using the back of my hand. “Tss. Kakasimula lang natin.”

“Pagod ka na yata eh.” Sabi niya.

“Hindi ha! Kaya ko pa!” sabi ko. and with that, the game continued.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Hindi ko talaga maipagkakaila na Masaya ako pag kasama ko siya. Lalo na ngayon. She’s here with me. Playing the game we both love to play – basketball. Naiisip ko, kalian kaya namin malalaro ang Love Game? Buti sana kung ganito lang kadali yun, kaso hindi. Di tulad ng basketball, di pwedeng basta bastang magquit sa laro ng pag-ibig, dir in pwede ang time out – lalo naman ang substitution.

Love GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon