CHAPTER 77

807 42 4
                                    

Chapter 77

   
 
 

ZENNIE ' s POINT OF VIEW

 
 

“Wow!”  Mangha ko wika nang makita si Jarex.
  
  
 
 

Ipinasundo ako ni Jarex sa driver nila ngayong alas-kwatro ng hapon papunta dito sa hotel nila.
 
 
 
 
 
“Ang gwapo mo, Jarex.”  Hindi makapaniwala ko wika.
  
  
  
 

Halloween party na ng HIS ngayon. Tapos ito si Jarex naka vampire costume na swak na swak talaga sakanya. Bukod sa gwapo eh ang puti pa ng balat.
  
  
  
 

“Grabe! Jarex!” Hindi ko napigilan kiligin. Gusto ko na lang magpakagat sa leeg at ipasipsip ang lahat ng dugo ko sakanya.
 
  
 
“Picture, tayo!” Sabi ko at ibinigay kay Manong driver na nag-hatid sa akin sa hotel room na ito ang cellphone ko.
  
  
 
“Isa——ay dalawa picture na, Jarex. Grabe! Sigurado pagkaka-guluhan ka mamaya.” Sabi ko sakanya pag-lapit ko.
 
 
 
“Oh! Ito na! Isa, dalawa, tatlo!”

 
 
Ngumiti ako at nag-peace sign pagkasabi ni Manong driver ng tatlo tapos eh lumapit sakanya at tinignan namin ang pinic-turan niya.
 
 
 
“Jarex! Hindi ka man lang ngumiti. Isa pa.”
    
  
 
Lumapit ulit ako kay Jarex tapos nagpa-picture kami kay Manong driver.
  
  
 
“Alam mo, subukan mo makipag-bonding kay Yuta. Pareho kayo lagi wala expression ang mukha.”  Payo ko kay Jarex nung makitang hindi siya ngumiti.
 
 
 
“Siya na ba ang sunod namimg aayusin?”  Tanong ng isang babae kakapasok lamang dito sa hotel room na may kasama pa isa babae.
 
 

“Yes.”  Simple sagot ni Jarex saka kami tinalikuran lahat.
 
 

“Tara na, bebe girl.”
 
 
 

Saka ako dinala ng dalawa babae sa loob ng kwarto at doon nakita naka-ready ang sandamakmak na make up at ang isa napakagandang nang-nining-ning na kulay asul na ball gown.
 
 
 

“Ayusan ka na namin, bebe girl.”
  
  
  
  
 
 
 
 
Nung weeked magka-text kami ni Jarex tapos siya na daw bahala sa magiging costume ko at kung ano pang mga kailangan ko para sa halloween party sa HIS. S'yempre pumayag ako, wala naman ako pera pang-bili ng kung ano-ano para dito.
    
  
  
 
 
Pero nakalimutan kong ubod nga pala ng yaman si Jarex.
 
  
 
 
 

Ngayong nakatingin ako sa salamin hindi ko alam kung sa halloween party ba ako pupunta o sa JS prom?
  
 
 
Ang galing ng dalawang babaeng 'to sa pag-ayos. Napag-mukha nila ako babae. Napag-mukha nila ako tao, muntik ko na nga hindi makilala ang sarili ko eh. Halos kahawig ko na si Cinderella, idag-dag pa ang ganda ng gown na suot ko, tapos may-gliters-gliter pa.
   
 
 
 
 
“Hindi ka pa ba tunaw, bebe girl?”

 
“Naapakan ko ata buhok mo, bebe girl.”
 
   

Tinignan ko ang dalawa babaeng ito na kung ano-ano ang binubulong.
  
 
 
“Pinag-sasabi n'yo, Ate?”  Tanong ko sa dalawa babae.
  
  
 
Nginuso ng dalawa babae ang direksyon papunta pintuan at sa pag-tingin ko roon eh nakita ko si Jarex na nakatayo at kumukurap-kurap.
  
  
  
 

“Uy!”  Tawag ko kay Jarex saka siya linapitan.  “Grabe naman, itong binili mo sa akin, mukha ako pupunta JS prom.”
 
 
 
“Alam mo, bebe girl. Tama ka.”  Sabi nung isa babae.
 

“Gusto mo ayusan ka namin? Yung parang sinipsip ng bampira ang dugo mo?” Tanong naman nung isa babae.
  
 
 
“Pero, bagay ba si Cinderella sa isang bampira?”Tanong ng babae sa kasama niya babae.
  
 

S'yempre hindi. May sarili prince charming si Cinderella.”
   
  
 

Huminto sa pag-sagutan ang dalawa babae nang umalis si Jarex. Tapos mabilis na lumapit sa akin ang dalawa.
  
 
 
“Nagalit ata sa amin ng boyfriend mo?”

 

“Medyo, naging insensitive ata kami.”
   
 
 
“Ha? Syota? Hindi ah.” Kunot noo ko sabi.
 
 
 
Ito nanaman. Napagkamalan nanaman ako syota ng isamg gwapo sa HIS.
  
 
 
“Talaga? Makakatitig siya sa'yo, bebe girl. Iba.”
 
 

“May ibig sabihin.”
  
  
 
“Malisyosa n'yo dalawa, mga Ate.” Natatawa ko sabi sakanila saka lumabas na din ng kwarto.
   
   
  
  
 

Pag-labas ng kwarto ay pinuntahan ko si Jarex na naka-uposa isang couch habang nanonood.
   
  
  
“Uy, Jarex. Tara na ba?”  Tanong ko sakanya pag-lapit ko sakanya.
   
   
  
  
Tumayo si Jarex tapos ay pina-upo ako sa couch. Pag-upo eh lumuhod siya sa akin tapos may inbot na box si Manong driver.
   
 

 
Tinitignan ko lang si  Jarex habang binubuksan ang isa box.
  
 
 
  
Pag-bukas ni Jarex sa box napabuka ako ng bibig ng makita ang isang kulay asul na high heels na may arulad na disenyo sa sapatos ni Cinderella. Hindi glass shoes, pero sobra ang kinang nito.
  
  
 

  
Hinawakan ni Jarex ang pareho ko paa at tinanggal ang suot ko tsinelas tapos, isinuot sa akin ang kumikinang na sapatos.
    
  
 

 
“It fits well.”  Wika ni Jarex tapos tumingala sa akin sabay ngiti niya.
 
  
 



I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon