CHAPTER 24
ZENNIE ' s POINT OF VIEW
Nang mapag-tanto ko ang ginawa pag-yakap kay Storm dahan-dahan ako bumitaw.
"S-Sorry." Nakayuko at nahihiya ko sambit.
Namilog ang mga mata ko nang may humawak sa baba ko at itinaas ito. Ang nakangisi, Tukmol na si Storm agad ang nakita ko.
"Sabihin mo nga sa akin, bakit bigla mo ako yinakap?" Nakangsi nito tanong.
Letse! Ang sarap sungal-ngalin ng bibig.
Sigurado aasarin niya ako o kaya gagamitin niya iyon na pang-blackmail kapag hindi ako nakapag-bigay ng maganda dahilan. Napaka feeling close naman kasi nitong Tukmol na'to
"A-Ano k-kasi . . . . . "
Isip! Isip! Isip! Isip!
"Kasi?"
"Hindi ako marunong lumangoy." Pag-dahilan ko.
"Oh, tapos?"
Isip! Isip! Isip!
"Eh ano, mukha ka salbabida kaya ako napayakap sa'yo."
Pare-pareho sila napatigil sa sinabi ko, pagkatapos bigla nag-tawanan pati nga si Sir Aron eh.
Lumapit si Jeffrey kay Storm. "Brad! Salbabida ka daw!" Tumatawa asar ni Jeffrey.
"Hoy, hinyupak na babae! Ang kapal ng mukha mo sabihan ako mukha salbabida?! Sa g'wapo ko'to?"
"Sa, iyon ang tingin ko sa'yo eh."
"Malabo ba iyang mata mo? O Bulag ka?"
"Malinaw ang mata ko kaya kita nakikita mukha salbabida."
Bago pa sumagot ulit si Storm pumagitna na sa amin si Sir Aron. "Tama na iyang away ninyo dalawa."
Tinuro namin ang isa't-isa ni Storm. "Siya kasi eh!" Sabay naming sigaw.
Pumito si Sir Aron kaya pareho kami tumahimik na ni Storm.
Humarap si Sir kay Storm at Jeffrey. "Kayo dalawa, bakit late kayo ng limang minuto?" Masungit na tanong ni Sir.
Bago sumagot eh tumingin sa akin si Storm. Sa itsura niya hindi naman ako sinisisi eh, pero bakit pakiramdam ko may kasalanan ako kung bakit sila na'late ni Jeffrey.
"Traffic." Maikli sagot ni Storm.
Tumago-tango si Sir. "Sige, sumama na kayo dalawa sa mga kaklase ninyo."
Lumapit sa amin sina Jeffrey at Storm. Tumabi sa akin si Storm. "Hindi pa tayo tapos mag-usap." Bulong nito.
Hindi ko na lang siya pinansin para wala na away.
Tumingin na ako kay Sir na Pumeywang kaya mas lalo nakita ang ABS at biceps niya.
Naka swim shorts lang kasi si Sir Aron tapos mayroon suot na pito at ang lalo nagpa-gwapo kay eh ang mamasa-masang buhok niya. Grabe! Bakit ganito ka'gwapo ang teacher namin?
"Dahil may late sainyo pumunta, kayo lahat sa dagat. Pumunta kayo hanggang sa tuhod lang naka-lubog sainyo. Form in line!" Bigla sigaw ni Sir Aron.
Lahat sila nagsi-takbuhan papunta dagat maliban sa akin. Lumunok ako ng laway bago ako humarap sa dagat. Maisip ko pa lang na lulusong ako sa dagat pakiramdam ko mahihimatay ako o hindi maka-hinga.
"Zennie, bakit hindi ka pumunta sa dagat? Wala exception dito. Parusa ng isa, parusa ng buong section."
Tumingin ako kay Teacher Aron! Maryosep ang ABS!
Bigla ako nakapag-salita sa gulat nang lumingon sa akin si Sir. Aron. "A-Ano po kasi Sir," Hindi ko mahanap ang tamang salita sasabihin ko.
"Hindi ka naman malulunod kung pupunta ka sa hanggang tuhod na tubig lang at isa pa tatayo ka lang naman."
Alam ko po. Hindi po ako katanga Sir.
Tumingin ulit ako sa mga Mokong. Lahat sila nagsusuntukan bukod kina Charlie, Waeil, Andrew at Rehan na umaawat at si Yuta naka-tayoang roon habang nakatingin . . . . . sa akin?
Tinignan ko si Sir Aron, ito siya sa tabi ko at iiling lang na nakatingin sa mga Mokong. Sir, diba po dapat inaawat n'yo sila?
"Iyang mga 'yan talaga wala pinipili oras at lugar sa pakikipag-away." Iling na komento no Sir.
Tumingin ulit ako sa mga Mokong. Pati sina Waeil, Charlie, Rehan at Andrew na umaawat nakipag-suntukan na din. May mga nag-susuntukan, may mga nag-sisipaan sakanila at mayroon sinasakal nila ang Mokong gamit ang siko nila.
"Kami lima teacher ninyo, wala alam sa mga nangyayari sainyo. Hindi namin alam ang mga pinag-dadaanan ninyo. Madami kayo sikretong hindi masabi-sabi sa aming mga tumatayo pangalawa magulang ninyo."
Huminto saglit si Teacher sa pag-salita.
"Iyang mga kaklase mo, alam ko bawat isa sakanila may pinag-dadaanan. Sino ba namang tao ang wala problema? Hindi ko lang alam kung paano nila nilalabas ang mga problema nila. Siguro, isa sa mga paraan nila para mailabas ang mga problema nila ay iyang pakikipag-away nila sa isa't-isa."
Problema?
"Alam mo ba Zennie, ngayon ko lang nakita ang ibang section Ares na may unity."
Ha? Hakdog cheesedog, Sir Aron. Anong unity pinagsasabi mo? Unity na mag-bugbugan sila?
Pinuntuhan na ni Sir Aron ang mga mokong na hanggang ngayon eh nag-aaway pa rin.
"Hanggang sa dagat ba naman nag-bubugbugan sila?"
Napatingin ako sa kaliwa side ko sa bigla pag-sulpot ni Ma'am Cloudyn.
Tumingin sa akin si Ma'am Cloudyn. "Hello Zennie, kamusta? Balita ko hindi ka marunong lumangoy?"
Tumango ako. "O-Opo Ma'am," hindi sigurado ko sagot. Eh, hindi rin kasi ako sigurado kung hindi ako marunong lumangoy eh.
May tinuro si Ma'am Cloudyn na direksyon kaya sinundan ko iyon ng tingin. Nanlaki ang mata ko nang mamukhaan ko kung sino ang tinuturo ni Ma'am.
"Jarex?"
Iyong, Kuya gwapo ni Jeffrey na may maning-ning din na ABS!
Tumingin ulit ako kay Ma'am Cloudyn. "Ano po ginagawa ni Jarex dito?"
"Kilala mo si Jarex?" Balik tanong ni Ma'am.
"Nung sinama po ako ni Jeffrey sa bahay nila, nakilala ko po doon si Jarex,"
"That's good, kilala mo na si Jarex."
Pag-lapit ni Jarex sa pwesto namin hindi ko siya naiwasan tignan mula ulo hanggang paa. White shirt siya na pinatungan ng black coat, tapos pants at yung black shoes niya eh bit-bit niya.
"Best swimmer ng HIS itong si Jarex. Sakto hindi siya busy---"
"Ma'am, I'm busy." Pag-putol ni Jarex sa sinasabi ni Ma'am Cloudyn. "Hinatak mo lang ako dito habang may ginagawa ako." Dag-dag sabi ni Jarex.
"Basta. Si Jarex ang pinaka magaling na swimmer sa HIS, Zennie. Kaya siya ang naisip ko mag-turo sa'yo."
"What?!" Bigla sigaw ni Jarex. "Hinatak mo ako dito sa Bataan, Ma'am? Para mag-turo? And about Sir Aron?"
"S'yempre mag-pipicture-picture habang binabantayan ang iba section Ares. Mag-palit ka namuna ng damit. Dali na!"
Wala nagawa si Jarex kundi ang umalis at mag-palit ng damit.
Hindi ko namalayan na naka ngiti na pala ako habang tinitignan si Jarex na nag-lalakad. Likod pa lang niya ang gwapo na!
"Zennie!"
Taranta ako napa-tingin kay Ma'am Cloudyn. "P-Po?"
"May gusto ka ba kay Jarex?!"
Sasagot pa lang ako ng may bigla epal na sumigaw ng, "Ano?!" Pag-tingin namin si Storm kasama si Sir Aron.
Tumakbo papunta sa amin si Storm. "May gusto ka sa Jarex na iyon?!" Sigaw niya pag-lapit sa amin.
"Wala!" Sigaw ko din sakanya.
"Aba! Dapat lang!"
Bago pa ako mag-salita ulit eh pumagitna na sa amin si Ma'am Cloudyn. "Tunigil na kayo dalawa. Atsaka bakit ka ba nandito Storm? Diba dapat nasa dagat ka?"
"Pinapunta ko muna sila dito, Babe. Pag-pupush up-in ko sila lahat bago sila mag-babad ulit sa dagat. Si Storm agad tumakbo papunta dito kaya siya ang nauna sa amin." Sagot ni Sir Aron.
"Tumakbo ako dito ng mabilis tapos maririnig ko may gusto ka sa Jarex na iyon?! Sa Kuya pa talaga ni Jeffrey?!"
Nakakairita talaga ang Tukmol na 'to. Pake niya kung may crush ako kay Jarex? Ano naman masama don?
Natigilan ako sa pag-hinga nung dumating na si Jarex. Naka topless siya, ang tangi suot lang swim short. Kitang-kita ko nanaman ang nag-niningning niyang maputing ABS.
"Let's go, Zennie."
Umayos ak ng tayo. Linagay ko din ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. "S-Sige." Mahinhin ko sagot.
Lalakad na dapat ako nang bigla hawakan ni Storm ang wrist hand ko. Tinignan ko siya ng masama. Epal nanaman.
"At bakit kailangan mo sumama sakanya?" Tanong ni Storm.
"Mag-swimming class lang kami dalawa,"
"Swimming class? Bakit iyang si Jarex pa ang kailangan mag-turo sa'yo?"
Pumagitna ulit sa amin si Ma'am Cloudyn kaya hindi ko na nagawa pa sagutin ang tanong ng Tukmol na si Storm. "Ako ang nag-utos at kami naman ni Sir Aron ang mag-babantay sainyo. Kay bitawan mo na si Zennie, Storm!"
Sumulyap muna sa akin si Storm bago dahan-dahan bitawan ang wrist hand ko hawak niya.
Pag-bitaw ni Storm sa kamay ko umalis na kami ni Jarex.
Nakasunod lang ako kay Jarex. Habang nag-lalakad kami dalawa, hindi ko maiwansan tignan ang likod niya makinis pa sa future ko. Ano kaya pakiramdam mahawakan ang makinis na balat ni Jarex?
Bigla ako nanigas sa kinatatayuan ko nang bigla huminto sa pag-lakad si Jarex at humarap sa akin.
"What are you doing?" Malamig na tanong niya.
Tinignan ko ang kamay ko hindi namalayan na nakataas para hawakan sana ang sexy back ni Jarex.
"A-Ano . . . Stretching bago lumusong sa pool."
Bigla ko tinaas, baba ang mga kamay ko. Tumigil agad ako sa kalokohan ko nang mag-umpisa na nag-lakad si Jarex papunta pool. Tae, buti naka-lusot.
Hindi ko nagawa kumilos ulit nang makita ko nasa tabi pala ako ng swimming pool. Bakit ba nahihirapan nanaman ako huminga? Pakiramdam ko nalulunod ako.
"Zennie!"
Nagulat ako sa sigaw na iyon ni Jarex kaya aksidente ako napatalon sa pool.
Natatakot ako!
Kuya! Kuya!
Kuya! Sorry!
Sorry . . .
KUYA!
Hindi ako makahinga!
Tulong.
"Zennie! Zennie!"
Dahan-dahan ko minulat ang mga mata ko. Nanlalabo pa ang paningin ko pero agad ako bumangon at napayakap sa taong nasa harapan ko.
YOU ARE READING
I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1
Teen FictionNang makapasa si Zennie bilang full scholar sa HEIRS INTERNATIONAL SCHOOL nakilalala at nakasama niya ang SECTION ARES. Subalit sa pag-pasok ni Zennie sa SECTION ARES, marami ang nag-papaalala sakanya na sana ay huwag siya matutulad sa ibang section...
