CHAPTER 81

965 46 16
                                    

“Daddy! Nasaan po tayo? Ang laki po ng bahay na ito.”   Tanong ng batang babae na si Zennie sakanyang Ama.
          
           
   
“Nasa bahay tayo ng kaibigan ko.” Sagot ng Ama ni Zennie na si Harold.
   
     
 
“Palasyo po ba ang bahay nila? May nakatira po ba prinsipe dito?”  Exited tanong ni Zennie habang ilinilibot ang tingin sa mansion.
     
  
  
“Hmmm...  Oo anak mayroon prinsipe rito.”   Nakangiti sagot ng Ama ni Zennie sakanya.
   
  
 
Nag-lulundag sa tuwa si Zennie nang malamang mayroong nakatira prinsipe sa mala-palasyong bahay na pinuntahan ng Ama nila.
   
  
 
“Daddy! Hahahanapin ko lang po ang prinsipe ko. Sakto po naka pang-cinderella po ako.” Tuwang-tuwa wika ni Zennie saka tumakbo sa kung saang parte ng mansion si Zennie.
        
      
      
   
  
Habang nag-lilibot si Zennie ay hindi niya na alam sa kung saang parte na ng mansion siya napunta, ngunit wala sisidlan ang galak ng bata habang hinahanap ang prinsipe niya.
  
  
  

Napahinto sa pag-lakad si Zennie nang mayroon siyang makita na dalawang lalaki nag-tatakbuhan. Ang isa ay naka-suot ng simpleng shirt at short samantalang ang isa ay naka-suot ng costume ng pang prinsipe na may kulay gold sa balikat, gold na belt at kulay pulang pants.
     
    
    
 
 
“Jaylen, ikaw na ang mag-suot ng costume na ito! Ang pangit!”
  
   
   
“Ayoko nga, Storm! Ang pangit niyan eh!”
    
    
    
“Taya na kita kanina! Ikaw naman!”
        
     
    
   
    
  
Nang mapadaan ang dalawa lalaki sa harapan ni Zennie ay hindi niya natanggal ang tingin sa batang lalaki na may suot ng pang-prinsipeng costume.
      
    
    
  
Bigla ngumiti si Zennie nang mapag-tanto nahanap na niya ang prinsipe nakatira sa mala-palasyong bahay na pinuntahan nila.
      
         
       
    
    
Sinundan ni Zennie ang tinakbo ng dalawang bata lalaki nakita niya, ngunit hindi na niya naabutan ang dalawa. Ngunit matiyaga pa rin hinanap ni Zennie ang dalawa batang lalaki.
      
      
     
   
  
Nang mapadaan si Zennie sa isang kwarto ay binuksan niya ito at dito naabutan ang saktong kakapalit lamang na damit ng dalawa batang lalaki.
     
    
     
   
NAG-Palit-palit ng tingin si Zennie sa dalawa lalaki. Nalilito si Zennie kung sino sa dalawa batang lalaki ang nakita niya kanina na may suot ng pang-prinsipe costume, hanggang sa makita ni Zennie na hawak ng isang lalaki ang costume ng pang prinsipe.
    
   
   
  

Mabilis na lumapit at yinakap ni Zennie ang batang lalaki may hawak na costume.
    
      
      
       
  
    
  
“Prinsipe ko! Pakasal tayo!”  Masaya sigaw ni Zennie habang yakap-yakap ang batang lalaki.
   
  
 
“Bitawan mo ako! Sino ka ba! Hoy, Storm. Help!”  Sigaw ng batang lalaki habang tinatanggal ang pagkakayakap sakanya ni Zennie.
      
       
    
  
 
 
  
Tinulungan ng batang lalaki na si Storm ang kaibigan na si Jaylen na tanggalin si Zennie sa pagkakayakap.
  
  
  
 
Nang matanggal ni Storm ang pagkayakap sa kaibigan niya kay Zennie, ay bigla umiyak ng malakas si Zennie.
   
   
  
 
“Bad ka!”  Umiiyak na sigaw ni Zennie kay Storm.
     
  

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon