CHAPTER 42

1K 57 5
                                    

CHAPTER 42


ZENNIE ' s POINT OF VIEW



"Ay, puta!" Sigaw ko nang mahulog ako sa hinigahan ko.

Kailan pa lumiit ang kama ko ng ganito? Pinulot ko ang coat ko--hindi ko ito coat. Atsaka, naka uniform pa'ko?


"Zennie!"

Bigla ko napatakip ng katawan gamit ang pinulot ko coat, nang bigla sumulpot sa harapan ko sina Kenneth at Gabriel. Paano nakapasok ang dalawang ito sa kwarto ko?

"Mabuti naman gising ka na, Zennie." sabi naman ni Jero na bigla dumating din.

"Paano kayo nakapasok sa kwarto ko?" Hindi ko na napigilan sila tanungin. "Hindi ko ba na-lock ang pintuan? Pero, kahit na. Hindi dapat kayo pumasok sa may kwarto ng may kwarto,"

"Zennie, wala ka sa kwarto mo," si James. Pati si James? "Nasa classroom natin tayong lahat."

Tumingin ako sa paligid. Nasa classroom nga kaming lahat. Ang hinigahan ko kanina limang lamesa pinagdikit.

"Eh, kanino itong coat na?" tanong ko sakanila.

"Kay Yuta," Sagot ni Kenneth.

Linibot ko ulit ang paningin ko para hanapin si Yuta. Nang makita ko sa isang sulok si Yuta na nakaupo habang naka pikit, agad ko siya linapitan. Pag-lapit ko kay Yuta, ipanatong ko sa balikat niya ang coat.

Hindi ko naiwasan mapangiti habang nakikita tulog si Yuta. Kahit sa pag-tulog akala mo anumang oras eh mananapak..



Linibot ko ulit ang tingin ko sa buong classroom, kami lang nila James, Jero, Kenneth, Gabriel, Yuta, Ako, Jaylen at Charlie?!

Agad ako lumapit kay Charlie nang makita ko siya. Nakahiga sa isang folding kama, mayroon na ring nakatusok sakanya dextrose, at naka benda ang pulso niya.

"Bakit hindi n'yo dinala sa hospital si Charlie?" Inis ko tanong habang nakatingin kay Jaylen.

Tumingin si Jaylen sa akin. "Hindi p'wede."


"Tangi-na!" Mura ko sa sobra inis. "Namumutla na labi ni Charlie kanina ah? Tapos hindi mo pa dinala sa hospital? Gag-o ka ba kaibigan?"

"H'wag ka mag-aalala, Zennie. Kahapon pa maayos ang lagay ni Charlie." sabi ni Kenneth.


"Kahapon?" taka ko tanong. Tinignan ko ang wall clock na nasa taas ng white board. "Mag-aalauna pa lang," sambit ko.

"Kahapon pa tayo nandito lahat." wika ni Gabriel.

I'M WITH THE SECTION ARES | Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon