Chapter 27

715 24 0
                                    

Crystal POV

"Bakit mo siya pinaalis agad?"Kunot noo kong tanong kay Blaze.

Halatang may sasabihin pa si Matias sakin kanina pero di na nakapagsalita dahil sa kanya.Bored lang niya akong tiningnan.

"I didn't,Na tyempohan mo lang talaga na paalis na siya.By the way how's your sleep?do you want to eat something?Ipapadala kona dito."

Umiling lang ako sa sunod sunod na pagsasalita niya.Napabuntong hininga nalang ako.Nagising lang naman kase akong iritado kanina dahil diko siya nakita paggising ko.Ewan ko, naiirita lang ako.

"It's still 12 midnight.Matulog kana muna ulit matagal tagal pa bago mag umaga."

Nilingon ko siya at prente siyang nakaupo sa edge ng kanyang lamesa habang nakapamulsa na nakatitig sakin.

"Ewan ko nga kung makakatulog pa ako."

Sabi ko sabay lakad patungo sa may sofa saka naupo roon.Sinandal ko ng bahagya ang likod ko sa sofa saka tumitig din sa kanya na ngayon ay seryoso na ang mukha.Parang meron siyang malalim na iniisip.

"Alright.Gusto mo bang pagusapan nalang natin yung tungkol sa plano mo bukas?"Kunot noo niyang tanong.

"Magandang ideya nga yan."Kibit balikat ko nalang na sagot sa kanya.

He took out a heavy sigh."Okey, but let's not talk here.Sa kwarto nalang tayo mag usap."

Lumapit narin ito sakin.Tumayo siya sa tapat ko saka inilahad ang kamay niya.

Kumunot ang noo ko."Bakit di nalang dito?"

Napairap nalang siya sakin.Saka walang pasabi akong binuhat.Halos mapasigaw ako sa ginawa niya.

"Ibaba mona lang ako, kaya ko naman maglakad."Saway ko sa kanya.Pero di man lang niya ako pinakinggan.

Gaya ng lagi niyang ginagawa sa Isla.Tsk,nasanay na talaga siya na ganito.Pero ako?Syempre diko maiwasan na mabigla parin.

Hindi nagtagal ay narating din namin agad ang kwarto ng di niya parin ako binababa.Palibhasa magaan lang akong buhatin.

Binaba niya ako sa kama at siya naman ay nagtungo sa may counter para kumuha ng maiinom.Bigla naman akong napalunok may naalala lang ako sa bagay na yan.

"You want some?"Tanong niya sakin habang nagsasalin ng alak sa baso niya.

Umiwas ako ng tingin.Oo gusto ko sana pero saka nalang.May bad experience ako sa alak.Hindi na pwedeng maulit yon.Baka mabuntis na ako sa susunod eh.Kailangan kopa naman magaral.

Taas noo ko siyang nilingon.Inosente lang itong nakatitig sakin habang may inaabot na baso.Hindi ko iyon kinuha.

"Ayoko niyan.Maginom ka mag isa mo."Sabi ko sa kanya.

Nilingon niya ako habang salubong ang kilay niya.Pero unti unti rin itong napalitan ng ngisi.Siguro bago lang nag sink in sa utak niya kung bakit ako tumanggi.Shit naman!Bakit kopa kase dapat maalala yon.

"I get it, takot ka.Takot ka na baka maulit yung nangyare satin sa Isla, tama?"

Mapangasar niyang saad na nagpainit ng buong mukha ko.Hindi nalang din ako umimik.Nagiwas ako ng tingin.

Napanguso nalang ako.Mas pinili ko nalang na magtaklob ng kumot dahil sa sobrang kahihiyan.Naalala ko kase yung time na nasa Isla kaming dalawa.Seryoso...Diko din alam kung bakit ganon ako kabaliw nung araw na yon.Konte lang naman yung nainom ko pero grabe pala yung magiging epekto sakin.Nakakahiya talaga.

"You don't have to worry baby.I won't force you to do it.Unless you'll initiate first, like what you did."

I heard him chuckled.Inalis ko ang pagkataklob ng kumot sakin saka ko siya matalim na tinitigan.

Owned By The Well Known MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now