Chapter 44

690 24 0
                                    

Crystal POV

Humiga muli si Matias sa kama ng tuluyan na kaming makapasok.Naupo ako sa may sofa, nasa gilid mismo ng kinaroroonan ng kanyang kama.Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa habang nasa kanya ang paningin ko.Ngayon ko lang ito nakita sa ganitong sitwasyon at hindi ko maipagkailang naninibago ako.

"Ayos ka lang ba talaga Matias?" I asked.Hindi na maitago sa boses ko ang matinding pag-aalala rito.

He chuckled weakly."Oo nga kase.Ayos lang ako.Medyo—Alam mona,masakit parin pero ayos lang talaga ako.Malayo sa bituka.Don't worry, masamang damo 'to."

Small smile formed his lips.Napanguso nalang ako saka irap sa kanya."Alam mo Matias napaka sinungaling mo ah, taliwas yung nakikita ko ngayon sa sinasabe mo eh."Singhal ko rito.

Biglang tumikhim si Blaze kaya napalingon ako sa kanya.Halos umawang ang labi ko ng makita ko siyang iritadong nakatitig saken.Hmm, napaismid ako sa loob loob ko...Selos na naman ba 'to?Akala ko ba—Tsk, Napailing nalang ako sa huli.

"Stay in my room for a while or you can just go to the garden instead.It depends on you,just make sure not to go outside the mansion without telling me.May kailangan lang kaming pagusapan ni Matias."Matigas na sambit nito.

Kumunot ang noo ko."Hindi ba ako pwede rito habang naguusap kayo?May gusto rin akong itanong—"

"Reserve that questions.Maguusap na muna kami ni Matias, I'll call you if we're done."

Napabuntong hininga nalang ako pero napatango nalang din sa huli.

"Good girl."May multo ng ngising lumitaw sa kanyang labi.

"Alis na ako."Tanging sambit ko.

Bago ako makahakbang palayo ay dinampian muna ako ni Blaze ng halik sa labi.Namula ako roon.Pero napanguso nalang ako kalaunan saka ako naglakad nalang palabas ng kwarto ni Matias.Hindi kona inintindi pa ang nakita kong reaction ni Matias.Hindi nakatakas sa mata ko ang pagsinghap nito sa ginawa ni Blaze.

Hindi nalang din ako umimik.Kung iyon ang magpapagaan ng loob niya ay walang problema iyon saken.Pero napaka seloso niya talaga.Iyon ang naglalaro sa utak ko.

Saktong paglabas ko ay nakasalubong ko ang tatlo sa mga tauhan ni Blaze na naguusap pero ng makilala nila ako ay agad itong nasindak.Yumuko ang mga ito saken saka mabilis silang nagsi-lakad.

Nanliit ang mata ko."Anong nangyare roon?"Wala sa sarili kong sambit.

I sighed.Biglang pumasok sa isip ko iyong dalawang tauhan ni Blaze noon na may masamang balak saken.Yung mga mukhang adik na lalake.Naalala ko nga patay na raw iyong isa, ang hindi ko sigurado ay iyong pinaka manyakis talaga.Nasaan na kaya ang mokong na iyon?Hayst, ewan ko nalang.Baka wala narin iyon.

Imbes na magkulong na naman ako sa kwarto ni Blaze ay mas pinili ko nalang na pumunta sa Garden.Namangha pa ako ng marating ko ito dahil mas lalo itong naging maganda sa paningin ngayon kumpara sa dati nitong ayos.Naupo ako sa may silya.Kung saan may table at may dalawa na magkaharap na upuan.

"Goddamnit!Let me go assholes!"

Agad na napabaling ang mata ko kinaroroonan ng ingay.Kumunot ang noo ko, parang boses ng babae iyon huh?Nang may makita akong isang babaeng nagpupumiglas habang hawak ng dalawang lalake ay nanlaki ang mata ko.Habang may isa pang lalake na may hawak na baril at nakatutok kay—Cruzette!

My eyes widen.Agad akong napatayo saka nagtungo sa mga ito.Nang makita nila ako ay napatigil sila sa paglalakad.

"Let me go wild dogs!Arggh!Crystal do something please!"

Piglas ni Cruzette.Kahit anong lakas nito ay hindi siya makawala sa hawak ng dalawang lalake.Nanlamig ang kamay ko saka bahagyang napapikit ng mapadako ang mata ko sa isang tauhan ni Blaze na itinututok kay Cruzette ang baril na hawak.Hindi talaga ako sanay na makakita nito.Napaka uncomfortable.

Owned By The Well Known MAFIA BOSSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora