Chapter 49

644 49 1
                                    

Crystal POV

Sa sobrang haba ng oras nang paghihintay ko sa pagbalik ni Blaze ay hindi kona namalayang nakatulog na pala ako.Hanggang sa magising ako kinabukasan.Nang mapatingin ako sa wall clock ay alas singko palang ng umaga.Humikab ako.

Nilibot ko ang paningin ko at wala si Blaze.Napatingin ako sa side ng kama.Kumunot ang noo ko.Sa tingin ko....Wala akong kasama sa kama buong gabi.P-pero kung ganon nga,saan natulog si Blaze?

Dali dali akong napabangon saka tumayo.Naglakad ako patungo sa may banyo para katukin siya.Kahit sa palagay ko naman ay walang sinuman sa loob nito.

"Blaze?Nandyan kaba?"Tawag ko sa kanya.Nagbabakasakali na nasa loob siya.

"Blaze?"Ulit ko, pero wala parin.Kaya napilitan na akong buksan ito.Pumasok ako sa malawak niyang bathroom saka ko siya hinanap.Pero bigo ako, walang sinuman na nandito sa banyo.But may be he's already outside.Baka ganon nga.

Pero...bakit hindi siya natulog sa kama?I sighed.Iyon ang higit na naglalaro sa isipan ko.Tsk,nagiging paranoid na ako!

Napailing ako.Kinalaunan ay isinawalang bahala ko nalang.Imbes na isipin kopa iyon ay mas pinili kong maligo.Ilang minuto lang naman ay natapos na ako saka agaran din na nagbihis.Pagkatapos ay nagmadali akong lumabas sa kwarto.

Paglabas ko ay tahimik ang hallway, lagi naman.Like what I've said, kahit maganda ang ayos ng mansion ay kung titingnan mong maigi ay para itong isang haunted house.Napangisi ako.Bigla kong naalala yung araw na galit pa ako kay Blaze dahil sa pagdadala niya saken rito.

Sino bang magaakala na ang isang desenteng babaeng tulad ko ay nainlove sa kanyang kidnapper kono.Tsk.Napangiti ako.

Hindi man kami ganon ka tagal na naging magkakilala ay sapat na saken ang paninindigan kong mahal ko siya, pakiramdam ko ay nakatadhana talaga ako para sa kanya.Na ako ang babaeng mamahalin niya.Habang naglalakad ako ay hindi naiwasang haplusin ang tyan ko.Ang bunga ng pagibig namin ni Blaze.

"Crystal."

Napaangat agad ang tingin ko saka napatigil ako sa paglalakad ng biglang bumungad sa harap ko si Matias.Sariwa parin ang mga sugat pero mukhang malakas na.Pero ang pinapakita niyang expression ngayon ang hindi ko maitindihan.Ang lungkot ng mata nito.

"Pwede ba tayong mag-usap na muna?"Aniya sa mababang boses.

Napatayo ako ng tuwid."Oo, kailangan din talaga natin magusap.Pero siguro ay mamaya nalang.Hinahanap ko kase si Blaze?Nakita mo ba siya?Sa...tingin ko rin kase,hindi siya natulog sa kwarto."

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, pero agad siyang napailing."Hindi kopa siya nakikita ngayong umaga.Pero nagusap kami kagabi sa opisina niya at..."Napatigil siya saglit.

Kumunot ang noo ko.

"at?"Takang tanong ko.

He licked his lips.Napabuntong hininga siya."Baka...sa opisina na siya buong gabi."

Nanliit ang mata ko."Kung ganon puntahan natin siya."Sabi ko saka nagmamadali na akong maglakad patungo sa opisina ni Blaze.

Sumunod naman agad saken si Matias hanggang sa sabay na kaming dalawa sa paglalakad.Nang marating namin ito ay kumatok agad si Matias.Ako naman ay tinawag ko si Blaze.Sa ikalawang pagkakataon wala parin siyang sagot saken.Kaya napilitan na akong pihitin ang pinto.

Pero halos manigas ako ng bumungad si Blaze sa harap ko.Napatakip ako sa aking bibig.Pagpasok ko ay laking gulat ng madatnan ko siya na nakahilata sa sahig.Nang mapatingin ako sa kanyang mesa ay marami ang bote ng wine ang nagkalat.

"An-anong nangyare sa kanya Matias?Bakit siya naglasing ng ganito...Diyos ko."Hindi ako makapaniwala.

Napalingon ako kay Matias.Katulad ko rin ay ganon din ang reaction nito.He shrugged his shoulder.Napaawang parin ang labi nito.Natampal ko nalang ang aking noo.Lumapit ako kay Blaze saka ako bahagyang lumuhod.Para matapik ang pisnge niya.

Owned By The Well Known MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now