Chapter 35

671 27 0
                                    

Crystal POV

Pagkabangon ko galing sa mahabang pagtulog kinabukasan ay napatakbo agad ako sa loob ng bathroom.Bigla nalang bumaliktad ang sikmura ko at halos di na ako makahinga ng maayos dahil sa sobrang pagsusuka.

Feeling ko ay parang binubungkal at nagkakagulo ang nasa loob ng aking tyan.

"Hayst bwiset."Inis kong bulong.

Marahan akong nagtungo sa malapit na lalabo para makapaghilamos at magmumog.Napakapit nalang ako sa sink.I sighed.Hinang hina talaga ako pagtapos kong magsuka.

Ewan ko nga ba, may nakain siguro ako na ayaw tanggapin ng sikmura ko.Pero wala pa naman akong kinakain dahil bagong gising ako.

Isa pa, wala narin naman akong lagnat at hindi naman masakit ang ulo ko tulad noong nakaraan.Iyon lang din ang nakikita kong rason non kung bakit ganon ang nangyayare saken, pero ngayon ay kakaiba na ito para saken.

It was so unusual, lalo pa kahapon sa umaga nagsusuka rin ako.Tapos noong nakaraang araw pa.Tapos-Hindi kaya?

"Diyos ko..."Napatakip ako sa aking bibig.

Nanlaki ang aking mata dahil sa biglang ideya na pumasok sa aking isipan.Malakas na kumalabog ang puso ko.Hindi iyon imposible, dahil halos mag iisang buwan narin akong hindi nadadatnan.At noong...may nangyare samin ni Blaze sa Isla...Hindi ako sigurado kung may protection ba siyang ginamit.

Namutla ako.Ramdam kona rin ang panlalamig ng aking buong katawan.Pero ipinilig ko ang aking ulo saka humakbang na palabas ng bathroom.

Nagpasya rin ako sa huli na lumabas nalang sa kwarto, at patungo na sa kusina kung nasaan madalas si Aling Mercedes tuwing umaga.

Pagdating ko palang sa bukana ng pinto ay naamoy kona ang mabango nitong niluluto.Naglakad ako papasok roon at lumapit sa kanya.

"Magandang umaga po Aling Mercedes."

Bati ko sa kanya.Pilit na pinasigla ang boses.Sana ay di niya ako lingunin ng di niya makita kung gaano ako ka kabado at namumutla ngayon.

"Magandang umaga iha, kamusta ang tulog mo?"She greeted back.

Mahina akong napabuntong hininga saka napapikit.Dininig ng diyos ang gusto ko.Hindi sumulyap ang matanda sa halip ay nagpokus siya sa pagpiprito.

"Maayos naman po.Kayo po ba?"

The old lady giggled a bit."Maayos din naman iha.Ngunit paminsan ay inaatake rin ng aking insomnia."Sagot niya.

"Ganon po ba.."

Nilingon niya ako saglit para tumango lang bago binaling ang kanyang atensyon muli sa niluluto.Hindi na ako muling umimik.Saka kona sasabihin ang bagay na bumabagabag saken.

Ang ginawa ko nalang ay naghanda ako ng aming plato at maiinom sa mesa, para kahit papaano ay may maitulong ako.Ang totoo niyan ay nagsisimula na akong makaramdam ng hiya rito.Parang gusto ko nalang na umalis.Though, gagawin ko naman talaga iyon.

Sa ngayon ay dito muna ako,hangga't di pa nakakauwi si Matias.Gusto ko rin kaseng makapagpaalam ng maayos sa kanya.Isa pa, gusto rin talagang pormal at personal na makapagpasalamat sa lahat ng kabuting ginawa niya para saken.I owe him for that.Hindi lahat ng tao ay katulad niya.Isa siyang napaka buting tao at kaibigan.

Pagtapos ng pagluluto ni Aling Mercedes ay nilapag niya na ang mga ito sa mesa.And as usual, marami talaga kung maghanda ito ng pagkain.Na para bang bukod sa aming dalawa ay may iba pang kakain.

Pero hindi na ako nagsalita pa, hanggang sa nagpasya na kaming kumain na.

Hindi ko alam kung ilang minuto na ang nakalipas ngunit walang ni isang nagsasalita samin.Ang tanging ingay lang na maririnig ay ang paggalaw ng mga kubyertos.Hanggang sa natapos nga kami na walang ni isang bumasag sa katahimikan.

Owned By The Well Known MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now