Chapter 66

105 2 1
                                    


Irina POV

Halos wala akong tulog kinabukasan. That man is stubborn! Ilang oras pa akong nakipagtalo rito para tuluyan na siyang maitaboy. Because, he's seriously insisting to stay and I don't think it's a good idea na umagahin siya rito. He'll die here.

I sighed. Nasa hapag kami ngayon. Taking our breakfast. Pero medyo nakakapagtaka na wala pa si Papa at Kuya Lucas sa hapag ngayon. They're usually the early breakfast eaters.

I sip on my coffee. Pinanood ko nalang rin ang kambal habang nag eenjoy sa pancakes nila. Pero naiwala ko rin agad ang atensyon ko rito ng pumasok sa bukana ng dining sina Papa at Kuya Lucas.

"Abuelo!Tito Luke, Good morning!" Masayang bati ni Kaileigh sa mga ito. Bumaba pa siya sa pagkakaupo para makayakap at makahalik sa pisnge ng mga ito.

They also greet my daughter, pero agad rin naman silang napabaling saken. Papa's expression seems so cold ang kay Kuya Lucas naman ay hindi ko mabasa. It's more like he is just in his usual poker face perhaps when....something is going on.

Bahagya tuloy akong kinabahan pero hindi ako nagpahalata. Wala naman silang alam sa nangyare kagabi.

Ngunit ang sumunod na salita ni Papa ay naghatid ng lamig sa akin."Frida, look for the twins for a while. Irina, come to office now." Saka ako nito tinalikuran.

His mood is so off. Nakaramdam ako ng matinding takot rito for some reasons.

Napatingin ako kay kuya ng marinig ko itong bumuga ng hangin."What's going on, Kuya?"

"Ask yourself what have you done. I've already warned you. Ang tigas lang talaga ng ulo mo."

Natahimik ako.

Disappointed itong napatitig saken.Sapo sapo na rin niya ang noo niya. Kinakabahan ako. Parang may idea na ako sa nangyayare ngayon. But...I still hope I am wrong.

Alam na ba talaga nila na nandito siya kagabi?

"Sumunod ka, Irina." Strict na sabi nito saka naglakad na rin siya paalis. I am left with no choice. Kaya tumayo nalang ako saka sumunod sa kanya.

Labis ang pagtataka ko ngayon, at the same time natatakot. How did they know?May CCTV—damn, I forgot about that! Napailing nalang ako sa sariling katangahan. But I still went inside my father's office.

Pero agad ko rin itong pinagsisihan ng derekta kong makita sa nakaharap na screen ngayon saken ang footage ng nangyare kagabi.

It was at the kitchen!Kitang kita sa video kung paano ko tinulungan si Blaze na magtago.

"Magpaliwanag ka ngayon!What the hell is the meaning of this, Irina!" He's voice thundered. Halos lumabas ang litid sa leeg at noo ni Papa. Napapikit ako rito.

Hindi ako nakapagsalita.

"I can't believe how stupid and naive you are!Kung hindi ko pa talaga ito nakita ay wala kang balak na sabihin! You've even protected that son of a bitch huh?What's the sudden change of heart!?Magtatraydor ka na ba sa akin ngayon huh?!Sa sarili mong Ama!"

Napayuko ako. Gusto kong maiyak sa sigaw nito saken."Hindi s-sa ganon, Papa."

"Then what!Why did you protect him?!Oo at alam kong nakalimot ka sa ginawa niya sayo noon pero ako ay hindi!Kami ay hindi!Sinira na ng lalaking yan ang buhay mo noon at hinahayaan mo na namang gawin niya ito ngayon! Nasaan na ang mga pangaral ko sayo!Nagkulang ba ako sa pagpapaintindi sayo?!"

Halos manginig ang labi ko at naginit ang mata ko. Yun na nga ang problema eh.Wala akong maalala sa kanya. Maski ang sinasabi nilang kasamaan nito hindi ko maalala. But what can I do?!I knew that the moment they found him here, they won't let him live! Sa tingin ko ay hindi ko kaya iyon lalo pa at alam ko naman sa sarili kong may magagawa akong isalba ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Owned By The Well Known MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now