Chapter 17

99 8 0
                                    

Last Day

Digmaan. Ano nga ba ang digmaan? Ang alam lang ni Selena ay patungkol sa pagpatay sa buhay ng iba. Pero ano nga ba ang side nito? She doesn't know either, all she knew was the bad side of the war. But what if the war brought good results? What if killing had a good cause? What if there is a good cause taking the life of others? Iyan ang tanong ni Selena sa isip niya na patuloy siyang binabagabag.

Isang araw nalang ang natitira sa kanila bago ang digmaan, huling araw  na nila bukas at pagkatapos ng bukas ay haharapin na nila si kamatayan. Patungo na sila sa Deadly World kung saan nabubuhay ang deadly saga. Ang sinasabing nakakamatay na alamat patungkol sa mga kakaibang nilalang ay totoo, at haharapin na nila ang sinasabing alamat. Alamat ng dating mundo.

Alam niyang masama ang pumatay, pero kung sa ikabubuti ng karamihan ay taos sa puso na papatay siya. She's willing to kill those RavenDark who usurped the throne of her grandmother, those who killed her grandfather, those who killed innocent and unopposed people. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit sila nagsanay ng ilang buwan at kung bakit sila susugod sa kuta ng mga kalaban. Para ipaghiganti ang mga inalipin at pinatay ng walang hustisya, para pangalagaan ang mga tao lalo higit ang mga normal na tao at ang mapanatili ang kapayapaan sa mundong ito.

They have to sacrifice their safety for the lives of others.

"Apo, ito ang suotin mo para sa magaganap na digmaan."   naramdaman niyang inilahad ng kanyang lola ang kamay na animo'y may inaabot ito.

Mula sa pagkakatulala niya sa may labas ng bintana ay hinarap niya ang kanyang lola na may inaabot sa kanya na kasuotang pangdigma. A full iron will armor with a blue cape. Mula sa kanyang kinatatayuan ay naaamoy niya ang naturang amoy ng bakal na kanyang susuotin sa oras ng digmaan. Mukhang mabigat ito pero tiyak na hindi agad siya tatablan ng kahit anong sandata.

"Ito ang palagi kong suot sa tuwing nakikipaglaban ako noon at hanggang ngayon ay buhay na buhay ako."

"Maraming salamat lola, susuotin ko ito bilang pananggalang ko."

"Pakiusap apo, pilitin mong umuwi ng ligtas para sa magulang mo at para kay Valerian."

"Lola, hindi ko alam kung nakikiusap ko o nang-aasar kaba?"   napa-irap siya na tinawanan naman nito.

"Selena apo, gusto kong humingi ng paumanhin sayo kung idinawit kita sa nalalapit na 24th war na ito."   bigla nalang ang paglamlam ng mga mata nito.

"Lola, don't say sorry. Naiintindihan kita. Sa taon-taong digmaan ay marami sa atin ang nawawalan ng buhay sa digmaan in order to protect the others. At gusto kong may maitulong sa digmaang ito."

"Salamat apo."   emosyonal na niyakap siya nito.

Alam niya at ramdam niya na nag-aalala sa kanya ang lola niya, alam niya na nais nito na huwag siyang tumuloy sa pagsama sa digmaan. But she has to. Nagsanay siya ng mabuti, ibinuwis niya ang sariling katawan, pagod, pawis at dugo para lang humusay sa pakikipaglaban para lang tapusin ang RavenDark na nagbabadyang sumakop sa kanila at umalipin sa mga inosenteng tao.

"Teka apo, kumusta naman kayo ng grandson-in-law ko?"   nakangiting humiwalay ito ng yakap sa kanya samantalang namula naman ang kanyang pisngi.

"L-lola, aalis na ako."

"Apo, hindi super senses ang abilidad ko pero alam kong kinikilig ka kapag binabanggit si Valerian Skywalker."

"No, of course not!"   kaagad na tumaliwas siya.

"Asus ang apo ko."   natatawa na napapa-iling na lamang ito.

Medyo natagalan pa ang pag-uusap nilang mag-lola bago siya makaalis sa opisina nito. Gabing-gabi na at siya lang mag-isa ang naglalakad sa tahimik na pasilyo ng girls dorm nang bigla siyang makaramdam ng panganib. Danger not for her but danger for other person. Kaagad na nabalot ng kaba ang puso niya nang maramdaman niya ang pamilyar na aura ng lalaki. It was Valerian.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now