Chapter 19

82 7 0
                                    

Midst of War

Mga kaluskos, mga yabag ng iba't-ibang taong tumatakbo at naglalakad, tunog ng sumasabog na bomba, mga pumuputok na baril, mga nagkikiskisang sandata, mga humahalakhak na tao sa pagkapanalo at mga umiiyak sa kanilang pagkatalo ang bumibingi sa pandinig ni Selena. Sa loob ng tatlong araw niya rito sa Deadly World ay unti-unti na siyang nasasanay sa mga naririnig, nakikita at naaamoy niya.

It had been three days since the war began, and she had been fighting alone for three days now. Walang kahit na sinong kakampi, lahat nalang ng nakakasalubong niya ay puro kalaban. Within three days, wala pa siyang nakakasalamuha na kagrupo niya o kaya naman kahit na sinong narito na handang pumatay sa mga RavenDark.

Wala pa.

Sa totoo lang ay nag-aalala na siya para sa mga kasamahan niya. Paano kung nagkawatak-watak na pala ang Team Wizkywalker? Paano kung malubha ang kasamahan niya? Paano kung nabawasan na pala sila ng myembro? Si Valerian? Is he still alive? Is her friends okay? Bumuntong hininga siya, para saan ba ang mga tanong niya gayong hindi naman niya masasagot ang sariling katanungan kung nasa loob lamang siya ng pinagtataguan niya.

Pinalakas niya muna ang sariling loob bago lumabas sa loob ng malaking puno, may malaking butas sa may paanan ng puno at doon siya sa loob nagpalipas ng gabi. Iyon ang gawain niya sa loob ng nagdaang tatlong araw. Lilipat ng lugar para makipaglaban, papatay ng kalaban at kapag hindi na niya kaya ay maghahanap siya ng mapapagtaguan. Sa tatlong araw niya rito sa mundong ito ay wala pa siyang maayos na tulog, wala pang kain at hindi pa nagagamot ang mga sugat niya.

Napakarami niyang sugat na hanggang ngayon ay malalalim parin. Mayroong sugat sa noo, may laslas sa leeg, may tatlong hiwa sa tiyan at hindi narin ganoon kaayos ang armor niya. Mukhang kaunting sabog lang mula sa mga bomba ay tuluyan nang masisira ang armor niya. Pero kahit ganito ang kalagayan niya ay masaya siya, dahil marami siyang napatay na kalaban. Yes, it makes her happy.

Mahigit isang daang tao narin ang napatay niya at siguro ay nasa sampu na ang mga RavenDark na mayroong mga abilidad ang napatay niya. Sa ganoong bagay ay nagiging proud siya sa kanyang sarili. Sulit lahat ng pagsasanay niya, lahat ng pawis, dugo at luha at ginugugol niya sa pagsasanay ay hindi nawalan ng silbi. Hindi niya alam kung hanggang sa huli ay mabubuhay siya, basta ang alam niya lang ay papatay siya ng kalaban hanggang kaya niya.

"Saan ka pupunta?"   nakangising tanong ng lalaking nakasalubong niya.

Kaagad na napaayos siya ng tayo nang mapagtantong may kalaban na naman siyang makakaharap. She can't be able to sense the guy cause she's too weak now. She's hungry, tired and wounded. Hindi niya nga alam kung makakaya pa niyang makipaglaban sa lalaking ito pero dahil nakakatayo pa siya ay kailangan niyang lumaban. Kailangan niyang protektahan ang sarili at patayin ito. She needs to.

Mabilis niyang inilabas ang espada.

"Masyado ka naman yatang sabik sa labanan?"

"Wala akong panahon na makipaglokohan sayo."   diretsong sagot niya.

"Kung ganoon,"

Hindi nito ipinagpatuloy ang pagsasalita at sa halip ay kinuha nito ang isang mukhang luma na kulay kayumangging scroll mula sa dala nitong bag, naglabas rin ito ng isang feather pen. Shit, ano ang gagawin nito? Hindi kaya gagamitin na nito ang abilidad? Nanginig ang kanyang kamay dahil sa matinding pagkakahawak sa espada niya.

Minsan na siyang nakakita ng ganoong scroll at ballpen. Maaaring may abilidad itong gumuhit at bigyang buhay ang iginuhit nito o kaya naman ay maaari itong sumulat at ang isinulat nito ay magkatotoo. Sa pamamagitan ng mahiwagang scroll, aklat at ballpen ay maaari nilang bigyang buhay ang kung anong iguhit o isulat nila. Pero hindi lahat ng tao ay may kakayahang ganoon, kung sino lamang ang nabiyayaan ng ganoong abilidad ang maaaring magawa ang ganoong bagay.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now