Chapter 5

142 8 0
                                    

Exchange Bodies

Kaagad na iminulat ni Selena ang kanyang mga mata nang marinig niya ang isang pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan nya, that woman is screaming for her help kaya naman hindi agad siya nag-atubili na bumangon at magbihis.

Habang tumatakbo siya papunta sa pinanggagalingan ng boses na iyon ay hindi niya maiwasan na magtaka gayong walang ano mang panganib siyang nararamdaman. Is there any difficulty in her ability for her not to sense danger o wala talagang naka-ambang panganib?

"Tulong!"   tuluyan niyang narating ang lugar na pinagmumulan ng ingay.

Napahilamos kaagad siya ng kanyang mukha nang makilala ang sira-ulong babae na bumulahaw ng pagtulog niya ng ganito kaaga. A woman named Chandria Forbes, ang babaeng gustong makipagpalit ng katawan sa kanya.

"Ano bang kailangan mo para pagtripan ako Chandria?"   mataray na tanong niya.

"Hindi naman kita pinagtitripan, gusto lang talaga kita makausap. Still hoping that you will grant my wish!"   nakangiting sagot nito na inirapan nya lang.

"Ayaw ko nga sabi!"

"Pakiusap Selena!"   muli nitong pinagsiklop ang mga palad.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"   nagtataka niyang tanong.

"Syempre ikaw ang sikat na apo ni Madam Cecilia, ang may ari ng academy na ito."

Hindi na siya sumagot at tinalikuran na lamang ito. Sinubukan nitong tawagin siya pero hindi na nya ito nilingon, why so naughty? Ramdam nya ang pagsunod nito pero may kailangan pa pala siyang puntahan kaya pinabayaan nya nalang ito.

Nakarating siya sa labas ng training room, hanggang ngayon ay nakasunod parin sa kanya si Chandria. She sighed before she entered the room. Bumungad sa kanyang paningin ang iba't-ibang armas na nakalagay sa mahabang table. Mayroon ring mga manikin para siguro magamit sa pagsasanay. Mayroon ring mga kagamitan na maaaring makatulong sa pakikipaglaban ng pisikal katulad ng punching bag.

"Narito kaba para magsanay?"   nakangiting tanong sa kanya ni Chandria nang tuluyan itong makalapit sa kanya.

Hindi siya sumagot at sa halip ay naglakad palapit sa kinalalagyan ng mga armas, hindi naman na nya ito kailangang sagutin pa di'ba? Halata naman na ang dahilan niya kung bakit sya narito ay para magsanay.

"Anong armas ang ginagamit mo?"   muli itong lumapit sa kanya.

"Hindi ako marunong gumamit ng kahit na anumang armas, pero gusto kong subukan itong espada."

"Naku, if that's the case I can help you. May kilala ako na magaling sa paggamit ng espada. Maaari kang magpaturo sa kanya kung gusto mo."

"Talaga?"   tanong niya na natutuwa.

"Oo, pero kailangan mo munang pumayag sa hinihiling ko."

Mabilis na nawala ang malawak na ngiti na nakasilay sa kanyang labi. Sandali pa niya itong inirapan bago tinalikuran at pinuntahan naman ang isang dummy mannequin na hugis tao, at ang ibabang parte nito ay pabilog na kapag ginalaw mo ay tumatalbog-talbog. Ano bang tawag sa bagay na ito?

"B.O.B mannequin ang tawag diyan. Ingat ka, kapag nasanggi mo iyan ay gagalaw iyan at maaari kang matamaan."   babala sa kanya ni Chandria.

"Alam ko,"   nakataas ang isang kilay na sagot niya.

She took a deep breath before punching this thing, agad itong gumalaw at muntik na siyang matamaan. Mabuti nalang at malakas ang senses nya ngayon, kaagad siyang napatalon palayo sa bagay na ito kaya hindi siya natamaan.

Deadly Saga 1; Super SensesWhere stories live. Discover now